[Rhaine's POV]
Agad kaming lumabas ni Hans sa maliit na bahay nato at laking pasalamat namin na walang ni isang tao sa labas.
Didiretso na sana kami sa highway pero napatingin ako sa mga damit namin na puno ng dugo at kinabahan na ako. Anong gagawin namin? Hindi kami pwedeng makita ng mga tao na ganito! Baka makulong kami!
Napatingin ako kay Hans at agad niyang hinubad ang suot niyang hoodie at binaliktad ito para hindi makita ang dugo. Pinasuot niya ito sa akin para matabunan ang tshirt ko na puno ng dugo.
"Wag mong ipagsasabi na ako ang pumatay sa kanila. Kasi kapag ginawa mo yun, pati ikaw makukulong rin...."
Sabi niya kaya mas lalo pa akong kinabahan. Ayokong makulong, kaya gagawin ko nalang ang sinabi niya.
Tinanguan ko nalang siya habang nanginginig parin ang mga kamay ko. Napatingin ulit ako dun sa bahay kung saan niya pinatay sina Adrian at Kenneth at napapikit ako.
Sana walang makaalam na si Hans ang pumatay sa kanila. Kasi kapag nangyari yun, pati ako maaagrabyado rin.
"Sige na. Kailangan pa nating pumunta sa bayan para magpa enroll. Sasamahan kita kasi dun din ako pupunta...."
Napatingin ulit ako sa kanya at umiling iling ako bilang sagot. Hindi ko na kayang pumunta dun, gusto ko nang umuwi.
Hinila niya ang braso ko pero hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko kaya nagtaka siya. Napalingon siya sa akin at tiningnan niya ko ng mahinahon.
"Wag kang mag alala. Hindi tayo mahuhuli dun, hindi naman makikita ang mga dugo sa damit natin atsaka kapag hindi ka didiretso dun magtataka lang ang mga magulang mo kung saan ka ba talaga pumunta. Ako ang bahala sayo...."
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya na bahagyang nakangiti sa akin para pagaanin ang loob ko. Tama siya. Kapag hindi ako didiretso dun, magtataka lang sila mama at papa kung saan nga ba ako pumunta.
Tinanguan ko nalang siya at sumama na ako sa kanya. Nang nasa highway na kami ay timing naman na may dumaang jeep kaya sumakay na kami dito.
Habang nasa loob kami ng jeep ay nagtataka ako kung bakit pinagtitinginan ako ng mga taong kasabay namin. Agad kong hinila ang suot kong hoodie para hindi nila makita ang tshirt ko na puno ng dugo.
Habang umaandar ang jeep ay hindi parin mawala ang kaba ko sa tuwing naaalala ko kung paano pinagsasaksak ni Hans sina Adrian at Kenneth sa harapan ko mismo. Pumikit nalang ulit ako para mawala yun sa isip ko.
"Okay ka lang?"
Napalingon ako kay Hans at tinanguan ko lang siya bilang sagot.
Napatingin ulit ako dun sa mga kasama naming nakasakay dito sa loob ng jeep at nagtaka ulit ako kung bakit parang pinagtitinginan parin nila ako. Pinabayaan ko nalang din sila at hindi ko nalang sila pinansin.
Maya maya ay napag alaman kong nandito na pala kami sa bayan kaya bumaba na kami sa jeep. Hinanap pa namin kung saan yung Saint Louis University kung saan ako papag aralin ng senior highschool ni mama at nang nakita ko na ito ay napahinga ako ng maluwag. Gusto ko nang makapag enroll para makauwi na ako.
Pumasok na kami dito at nagtaka ulit ako nang napansin kong pinagtitinginan parin ako ng mga tao. Lumingon ako kay Hans na nakasunod lang sa akin para tanungin kung may mali ba sa akin ngayon.
"Hans, bakit nila ako pinagtitinginan?"
Tanong ko sa kanya at kumunot ang noo niya.
"Ewan ko. Baka dahil baligtad ang hoodie na suot mo..."
Napatingin ako sa hoodie na suot ko at natawa lang naman siya sabay ginulo pa niya ang buhok ko. Ito lang pala ang dahilan, akala ko kung ano na.
Dumeretso na ako sa paglalakad para magpa enroll.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...