✿ CHAPTER 27 ✿

27 3 1
                                    

[Rhaine's POV]

"Bes! Bilhan mo ako nun oh! Yung teddy bear!"

Natawa siya dahil sa sinabi ko at tiningnan niya yung teddy bear na tinuturo ko. Patungo na kami ngayon sa restaurant kung saan kami kakain pero napadaan kami dito sa tindahan ng mga teddy bear.

Pumasok kami dun sa tindahan na yun at binilhan nga niya ako nito. Napangiti naman ako at agad kong niyakap ang teddy bear na binili niya para sa akin.

Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na kami sa tindahan nato at pumasok kami dun sa isang restaurant. Umupo kami dun sa gitnang parte ng restaurant nato habang bitbit ko parin ang teddy bear na binili niya.

"Bes, anong gusto mong kainin bukod sa steak?"

Napatingin ako sa bestfriend ko at umiling iling ako.

"Wala na. Steak lang ang gusto ko..."

Tinanguan naman niya ako at tinawag na niya ang waiter. Agad naman itong lumapit sa amin para kunin ang mga order namin.

"Ano po yun sir?" Tanong ng waiter.

"Dalawang steak nga. Samahan niyo narin ng dalawang iced tea...."

Napangiti ako at niyakap ko ulit ang teddy bear na hawak hawak ko. Ang sarap kasi niyang yakapin, ang lambot lambot.

"Sige po sir..."

Umalis na yung waiter at nagtaka ako nang biglang tumayo si Vernon. Bakit siya tumayo? Aalis siya?

"Bes, pwede pumunta tayo dun? May ibibigay lang ako sayo...."

Sabi niya habang nakaturo dun sa parang balcony ng restaurant nato kaya napalingon din ako dun. Pagkatapos ako tumingin ulit ako sa kanya at nagtaka ako.

"Bakit pa natin kailangang pumunta dun? Pwede namang dito mo nalang ibigay yang ibibigay mo...."

Sumimangot lang naman siya kaya natawa ako. Isip bata talaga tong bestfriend ko.

"Eh bes, gusto ko dun eh...."

Sabi niya habang nakasimangot parin. Tinanguan ko nalang din naman siya at tumayo narin ako habang dala dala ko parin tong teddy bear na binili niya para sa akin.

Sabay kaming pumunta dun at maya maya ay may dinukot si Vernon sa bulsa niya kaya nagtaka ako. Ano kaya yun?

Tiningnan ko ito ng maigi at maya maya ay napag alaman kong bracelet pala ito kaya nagtaka ako. Bibigyan niya ako ng bracelet? Para saan?

"Bes, para sayo...."

Sabi niya at binigay niya ang bracelet na yun sa akin. Kinuha ko naman ito at napansin kong may nakasulat na "VAL" dito kaya nagtaka ako. Bakit "VAL"? Anong ibig sabihin ng VAL?

"Bes, bakit VAL ang nakasulat? Anong ibig sabihin nun?"

Nginitian lang naman niya ako at kinuha niya ito sa kamay ko. Siya mismo ang naglagay nito sa braso ko at nakita kong may bracelet din pala siyang ganito. Dalawa pala ang binili niya, isa sa akin at isa para sa kanya.

"Pwede bang yun nalang ang tawagan natin instead sa "Bes"? Nakakaumay na kasi yun...."

Napatingin ako sa kanya at tumango tango ako. Ahhh... Kaya pala.

Pero, ano namang ibig sabihin ng VAL? Bakit VAL ang gusto niyang maging tawagan namin?

"Ano nga palang ibig sabihin ng VAL?" Tanong ko.

Nginitian lang naman niya ako.

"Saka ko na sasabihin sayo. VAL...."

Tumango tango nalang din ako. Okay lang din naman yung VAL, cool nga pakinggan eh.

"Okay. VAL...." Sabi ko sabay ngiti.

Napangiti siya at bumalik na kami sa loob para kumain na ng steak. Paupo na sana ako sa upuan pero napansin kong nandun pala si Summer sa labas ng pintuan nitong restaurant kaya bigla akong kinabahan.

Baka iba na kasi ang iniisip niya tungkol dito. Baka nagseselos na siya at iniisip niyang inaagaw ko sa kanya ang boyfriend niya.

Hinawakan ni Vernon ang kamay ko pero agad ko itong hinila mula sa kanya kaya nagtaka siya.

"VAL, galit ka ba? May nagawa ba akong mali?"

Lumingon ako sa kanya at umiling iling.

"Wala naman VAL, nandun kasi si Summer sa labas. I guess dapat mo siyang puntahan...."

Nginitian lang naman niya ako at tuluyan na siyang umupo kaya kumunot ang noo ko. Wala ba siyang balak na mag explain sa pinsan ko na girlfriend niya?

"Hindi na kailangan. Nagbreak na kami kaninang umaga...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon