✿ CHAPTER 23 ✿

27 3 2
                                    

[Rhaine's POV]

Naligo ako para linisin ang mukha at katawan ko. Pagkatapos ay humiga ulit ako sa kama ko at nagtabon ako ng kumot.

Bakit parang ayaw na sa akin ng pinsan ko ngayon? May nagawa ba akong mali sa kanya kaya galit na galit siya sa akin?

Wala naman akong ginagawa sa kanya ah! In fact pinabayaan ko lang nga siyang agawin sa akin ang bestfriend ko! Ang sakit kaya nun!

"Bes! Okay ka lang?"

Narinig ko yun mula sa labas at alam kong si Vernon yun. Hindi ko siya pinansin at hindi parin ako umaalis dito sa hinihigaan ko.

"Bes naman! Sorry na dun sa ginawa ni Summer please. Hindi naman niya yun sinasadya eh..."

Anong hindi sinasadya? So hindi niya sinasadyang ilublob ang mukha ko sa pagkain ko at itapon ito sa ulo ko? Hindi ba yun sinasadya? HA?!

"Bes!"

Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at lumapit ako sa bintana para makausap siya kahit na inis na inis na ako sa kanya at sa pinsan ko.

"Bes, sobra ka na kasi. Oo girlfriend mo na si Summer pero wag mo namang kalimutan na bestfriend mo parin ako. Tratuhin niyo naman ako ng maayos bes hindi yung iniitchapwera niyo lang ako!"

Sabi ko at isinarado ko na ang bintana ng kwarto ko. Maya maya ay narinig kong parang may kumalabog sa labas kaya nagtaka ako.

Binuksan ko ulit ang bintana at nakita ko si Vernon na nakatungtong na sa bubong namin. Inirapan ko lang naman siya at isasarado ko na sana ang pintuan pero hinarangan niya ito.

"Bes, mag usap tayo. Sorry na dahil napabayaan kita kanina. First daysary kasi namin ni Summer yun kaya syempre mag eefort talaga ako para sa kanya...."

Tiningnan ko siya ng masma at inirapan ko siya.

"So ibig sabihin hindi ka na mag eefort para sa akin kasi matagal na tayong magkakilala? Ganun ba?" Tanong ko.

"Bes, wag ka namang mag isip ng ganyan...."

Hindi ko siya pinansin at isasarado ko na sana ulit ang bintana pero bigla siyang tumalon papasok sa kwarto ko kaya nagulat ako. Anong ginagawa niya?

"Ano ba! Lumabas ka nga! Ayoko nang makita kita! Pabayaan mo nga muna ako!"

Sabi ko pero nagulat ako nang bigla nalang niya akong niyakap. Hindi nalang din ako gumalaw at maya maya ay may naririnig akong parang kumakabog kaya nagtaka ako. Saan galing yun?

"Bes, ayokong umalis ako papuntang ibang bansa na meron tayong hindi pagkakaintindihan. Sorry na kasi!"

Hindi ko siya pinansin at maya maya ay narinig ko na naman yung kumakabog kaya nagtaka ulit ako.

(Dug dug, Dug dug)

Napatingin ako sa dibdib ko at napag alaman kong dun pala nanggagaling ang tunog na yun kaya nagtaka ako. Bakit kumakabog ang dibdib ko? Wala naman akong ginawa o kinaing kakaiba kanina ah.

Atsaka, bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi naman ito ang first time na niyakap niya ako. Hindi kaya——

Rhaine, wag kang mag isip ng kung ano ano. Bespren mo yan, at parang kapatid na ang turing mo diyan.

"Bes galit ka parin ba dahil sa akin?"

Umiling iling nalang din ako para tumigil na siya sa kakayakap niya sa akin. Binitawan narin niya ako sabay ngiti pa pero inirapan ko na naman siya.

"Bes naman! Parang galit ka parin naman sa akin eh!"

Tsk. Para siyang bata.

"Hindi na ako galit. Sige na, umalis ka na. Baka magalit pa yung pinsan ko na girlfriend mo...."

Sabi ko pero hindi parin siya umaalis kaya nagtaka ako.

"Sabi ko umalis ka na! Layas!"

Tumango nalang din naman siya at lumabas na siya sa bintana ko. Dumaan siya sa bubong ng bahay namin at tumalon siya patungo dun sa bintana ng kwarto niya.

Nang nasigurado kong nandun na siya ay sinarado ko na ang bintana ko at humiga ulit ako sa kama.

Maya maya ay hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako kaya agad ko itong winala sa mukha ako.

Bakit ba ako nakangiti? Nababaliw na ba ako?

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon