✿ CHAPTER 58 ✿

17 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito ako ngayon sa loob ng selda, tahimik na nakaupo. Palagi naman talaga akong ganito, wala akong ibang magagawa dito sa loob kundi ang umupo at isipin yung mga nangyari na.

Hindi ko alam kung kailan ba ulit ako makakalabas, pero sa tingin ko matatagalan pa yun. Mabigat ang kasong isinampa nung mga kamag anak ni Adrian at Kenneth sa akin kaya siguro tatagal pa ako ng ilang taon dito.

Napayuko ako ng naisip ko yun. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at nakipagkaibigan ako kay Hans kahit na hindi ko pa naman siya gaanong kilala? Nangyari ang lahat ng to dahil sa kanya! Sinira niya ang buhay ko!

"VAL, dito ka sa tabi ng rehas umupo para tabi tayo!"

Nagulat ako nang narinig ko yun kaya napatingin ako sa labas. Nakita ko si Vernon na may dalang mga unan at kumot kaya nagtaka ako. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umuwi na siya? At bakit may dala dala siyang unan at kumot?

"VAL, bakit ka nandito? Diba nga umuwi ka na kanina?"

Tanong ko pero nginitian lang niya ako at inayos na niya yung mga dala niyang kumot at unan.

"Gusto kong tumabi sayo VAL. Umuwi ako kanina para kumuha ng mga unan at kumot pati narin ng banig. Kaya dito ka na VAL! Tabi tayong matulog!"

Kumunot ang noo ko at hindi parin ako tumatayo sa kinauupuan ko. Pinapanood ko lang siyang pinapagpag yung mga kumot at unan na dala dala niya.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Baka pagalitan ka ng mga pulis...."

Napalingon siya sa akin at nginitian niya ulit ako.

"Pinakiusapan ko sila na tabihan ka at pumayag naman sila. Medyo matagal tagal kasi akong nasa L.A kaya syempre miss na miss ko na yung katabi ka sa pagtulog. Atsaka, para narin hindi ka na nag iisa diyan sa loob...."

Napangiti ako sa sinabi niya at tumayo ako para lapitan siya. Pinasok niya sa loob ng rehas ang isa sa mga kumot at unan na dala dala niya at tinanggap ko naman ito.

"VAL, pasensya na kung wala akong ibang dala na banig ah. Naiwan ko kasi yung isa sa bahay..."

Sabi niya habang nakasimangot pero nginitian ko lang naman siya.

"Okay lang. May karton naman ako kaya yun nalang ang gagamitin ko. Teka lang kukunan ko..."

Tinanguan niya ako at kinuha ko na yung karton na hinihigaan ko dun sa sulok nitong selda. Pagkatapos ay lumapit ulit ako sa kanya at inayos ko yung higaan ko.

"VAL, gusto mo electric fan? Manghiniram ako dun. Kanina ko pa kasi naiisip na baka naiinitan ka..."

Tinanguan ko lang siya ulit at tumayo na siya para manghiram ng electric fan. Humiga na ako sa karton at tinabunan ko ng kumot ang katawan ko habang hinihintay ko siya.

Maya maya ay bumalik na siya na may dala dalang electric fan kaya napangiti ako. Inayos muna niya ito at pinaandar saka siya humiga katabi ko.

"VAL, naliligo ka ba dito?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tinanong niya. Agad kong inamoy ang damit ko pero wala naman akong maamoy na kakaiba kaya nagtaka ako.

"Bakit? Mabaho ba ako?"

Tinawanan lang naman niya ako at umiling iling....

"Hindi naman sa ganun. Nagtataka lang ako kung bakit kahit nakakulong ka na ang bango mo parin...."

Tumango tango lang naman ako at napangiti. Akala ko mabaho ako.

"Matulog na tayo VAL. Kanina pa kasi ako inaantok eh...."

Tinanguan ko lang naman siya at ipinikit na namin ang nga mata namin para makatulog na kami...

.
.
.
.
.

Ilang minuto ko nang pinipilit ang sarili ko na makatulog pero hindi talaga kaya binuksan ko ang mga mata ko.

Napatingin ako kay Vernon na humihilik pa at natawa ako. Ganyan talaga siya kapag natutulog, humihilik.

Marahan kong pinisil ang pisngi niya pero hindi na niya ito napansin dahil nakatulog na siya.

Inilabas ko ang kamay ko sa rehas para mayakap ko siya. Nasanay kasi ako na may niyayakap habang natutulog kaya baka makatulog na ako habang nakayakap ako sa kanya.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon