✿ CHAPTER 91 ✿

17 4 0
                                    

[Rhaine's POV, 1 year later]

Tahimik lang akong nakaupo dito sa sala ng dorm pero biglang may bumukas ng pintuan kaya napatingin ako dun. Nakita ko sina Chrystel at TOP na naghaharutan kaya napairap ako. Sinagot na kasi ni Chrystel yang si TOP a year ago kaya ganyan talaga sila.

Naghihintay pa kasi ako kay VAL. May plano kasi kaming magtropa na pumunta sa bagong bukas na adventure park ngayon. Ayoko sanang pumunta kasi gusto ko sanang magshopping kasi may sale ngayon sa mall. Kaso hindi naman ako makahindi kay VAL.

               

"Rhaine! Wala pa ba si VAL mo?"

Umupo si Chrystel at si TOP sa couch na nasa harapan ko habang magkahawak pa ang mga kamay kaya napairap ako. Nasaan na ba kasi si VAL? Pinapainggit ako ng dalawang to eh!

Umiling iling nalang rin ako sa kanya bilang sagot.

    
                

"Wala pa eh. Ewan ko ba dun. Kanina ko pa siya hinihintay dito...."

Sabi ko at tumango tango lang din naman sila. Maya maya ay nagpatuloy sila sa paghaharutan nila habang magkahawak parin ang mga kamay kaya napairap na naman ako.

Nag antay ulit ako pero hindi parin talaga dumadating si VAL kaya napasimangot ako. Bakit ba ang tagal niya?

                  

"Hi guys! Sorry kung natagalan ako...."

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si VAL kaya napangiti ako. Mabuti naman at nandito na siya. Kanina ko pa siya hinihintay eh. Agad akong tumayo at sinalubong ko siya.

                   

"VAL bakit ba ang tagal mo? Namiss kita!"

Sabi ko sa kanya habang nakapout. Natawa lang naman siya at ginulo niya ang buhok ko kaya napangiti ako. Maya maya ay napalingon ako kina Chrystel at TOP at nakita ko sila na tinitingnan ako na para bang nandidiri kaya nagtaka ako. Bakit ganyan sila nakatingin?

                      

"Ang OA mo naman Rhaine. Kung makaasta ka parang hindi kayo nagkita ng ilang dekada ah!"

Natatawa pang sabi ni TOP pero inirapan ko lang siya at pinaupo ko na si VAL sa couch. Ayaw ko sanang makipagkaibigan sa lalaking yan kaso wala naman akong choice kasi nga boyfriend siya ni Chrystel na bestfriend ko.

                       

"Pake mo ba! Eh kayo nga kung makapagharutan kayo diyan akala niyo naman kasal na kayo!"

Sabi ko kaya natawa si VAL. Hindi lang naman nila ako pinansin kaya tumingin nalang ulit ako kay VAL.

                       

"VAL, nagkaproblema kasi yung van ko kaya ako natagalan. Pero wag kang mag alala, naayos ko na naman yun kaya pwede na natin yung gamitin ngayon...."

Tumango tango lang naman kaming lahat. Kaya pala. Tumayo na silang lahat sa mga kinauupuan nila at naghanda na sila.

                        

"Tara na guys. Hindi na natin isasama si Aiken kasi may gagawin daw siya ngayon tapos baka malungkot lang yun kapag siya lang ang mag iisa sa atin..."

Napasimangot ako dahil sa sinabi ni TOP. Tama siya. Baka malungkot lang siya dun.

Lumabas na kaming lahat mg dorm at pumasok na kami sa van ni VAL. Ito talaga ang palagi naming sinasakyan kapag may gala kami.

Kaming dalawa ni VAL ang nasa harapan ng van at si Chrystel at TOP naman ang nasa pinakalikod. Walang tao sa bandang gitna kasi pwesto yun ni Altheah at Aiken kaso wala naman sila.

Hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Altheah kaya palagi ring malungkot si Aiken. Palagi rin naman namin siyang kinakausap para kahit papaano ay hindi siya gaanong nalulungkot.

Hinalikan muna ni VAL ang pisngi ko bago niya pinaandar ang van para makaalis na kami.

Napatingin ako kina TOP at Chrystel mula sa front mirror at napairap ako nang nakita kong hinahampas na ni Chrystel si TOP ng mahina sa braso. Ano na naman bang kalokohan ang ginagawa ng dalawang yan?

Hindi ko nalang rin sila pinansin at napairap nalang ulit ako.

                

"Anong nangyayari dun sa dalawang yun? Bakit parang magwrewrestling na yung mga yun sa likod?"

Napatingin ako kay VAL at nakita ko siyang natatawa.

                  

"Ganyan talaga yang dalawang yan. Minsan love birds, minsan naman angry birds...."

_______________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon