[Rhaine's POV]
Hinila ako ni Vernon palapit dun sa crush ko kaya nagtaka ito habang nakatingin sa amin.
"Tol, pinapakilala ko nga pala sayo tong bestfriend ko. Siya si Rhaine Clarkson...."
Nginitian ko siya at yumuko ako. Nakakahiya punyeta.
Maya maya ay nagtaka ako ng bigla akong tiningnan ni Adrian mula ulo hanggang paa at napangisi siya. Bakit siya napangisi? Anong iniisip niya?
Agad niyang inabot ang kamay niya sa akin kaya hinawakan ko naman ito habang tinatago ko ang kilig ko. Ang lambot ng kamay niya.
"It's nice to meet you, Rhaine Clarkson. I have a crush on you since nung nakita ko ang instagram post mo...."
Weh?! Tuluguh?!
Nginitian ko nalang siya at napatingin ako sa mga kamay namin na kanina pa magkakahawak. Ako na mismo ang bumitaw at nginitian ko siya ulit para kahit papaano hindi naman gaanong awkward.
"So, pano? Iwan muna namin kayo..."
Sabi ni Vernon at nginitian niya ako na parang loko bago siya umalis kasama si Summer at lumayo sila sa amin.
Yung lalaking yun talaga.
"Manonood ka ba ng laro namin?"
Napatingin ulit ako kay Adrian at tinanguan ko lang siya. Maya maya ay natawa siya kaya nagtaka ako. May nagawa ba akong nakakatawa?
"Wag kang mahiya sa akin, magsalita ka rin paminsan minsan. I want to hear your voice..."
Aytt. Kaya pala ako tinawanan. Punyeta yan.
"Okay..."
Sagot ko sa kanya kaya napangiti siya at sabay na kaming pumunta dun sa paglalaruan nila. Pinaupo niya ako sa gilid at pinabantayan niya sa akin ang dala dalang backpack niya na may lamang towel at tubig.
"Icheer mo ako ah. Mamomotivate ako kapag gagawin mo yun..."
Tinanguan ko na naman siya habang nakangiti kaya natawa siya. Ginulo pa niya ang buhok ko bago siya pumunta patungo sa mga kateam nates niya.
Habang naglalakad siya palayo ay napatingin ako kay Summer na nasa malayo. Nakangiti lang siya sa akin na para bang nang aasar at inirapan ko lang naman siya.
Naghanda na sila ni Adrian at Vernon kasama ang mga kateam mates nila bago sila nagsimulang maglaro.
Nang nagsimula na sila ay todo cheer kami habang winawagayway namin ang pulang mahaba na balloon na hawak namin.
"GO RED HAWK FOOTBALL LEAGUE!!! GO RED HAWK FOOTBALL LEAGUE!!!"
Napalingon ang mga players sa amin at nginitian nila kami. Pati narin si Adrian, sa akin siya lumingon at kinindatan niya ako kaya naman kilig na kilig ako.
Nagsimula na ang labanan kaya todo sigaw kami. Round 1 palang ay bigay todo na silang lahat at malaki na ang lamang nila sa kalaban nila.
Maya maya ay biglang nadapa si Vernon at matagal pa siyang nakabangon kaya napatayo ako. Anong nangyari? Okay lang ba ang bestfriend ko?
Tinulungan siya ng mga kateam mates niya sa pagbangon kaya napahinga ako ng maluwag. Tiningnan niya kami ni Summer at nginitian niya kami sabay nag thumbs up pa para malaman namin na okay lang siya. Bumalik na ako sa pagkakaupo ko at ipinagpatuloy ko ang pag eenjoy ko.
Ilang minuto ay tapos na ang round 1 kaya nagpahinga muna sila. Lumapit si Adrian sa akin at ganun na din si Vernon kay Summer.
"Tubig mo oh..."
Sabi ko at nginitian niya ako. Kinuha niya ang tubig na inaabot ko sa kanya at ininom niya ito.
"Rhaine, pwede punasan mo ako? Pawis na pawis kasi ako eh...."
Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. Syempre naman.
Tinanguan ko siya at sinimulan ko siyang punasan. Maya maya ay napatingin ako kay Vernon at nakita ko siyang tinitingnan ako ng masama kaya nagtaka ako.
Anong problema niya? Bakit niya ako tinitingnan ng ganyan? Pinupunasan din naman siya ni Summer ah.
Ewan ko ba sa kanya.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...