✿ CHAPTER 55 ✿

16 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Hoy, may kakausap daw sayo. Lumabas ka diyan...."

Narinig ko yun mula sa labas nitong selda kaya napalingon ako. Nakita ko yung pulis na humuli sa akin kahapon na binubuksan ang pintuan nitong selda at nagtaka ako.

Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Sinong kakausap sa akin?

"Sino po ba yung kakausap sa akin?"

Tanong ko kaya napalingon siya sa akin.

"Mga magulang mo. May importante lang daw silang sasabihin sayo...."

Sagot naman niya kaya napayuko ako. Siguro papagalitan nila ako o di naman kaya ay ipapahiya nila ako sa ginawa kong pagpatay ng tao.

Sigurado akong galit na galit na sila ngayon, dahil ako yung paboritong anak nila at sa akin nakatuon palagi ang atensyon nila pero ako rin yung anak nila na naging kahihiyan sa pamilya namin.

Tumayo nalang din ako sa kinauupuan ko at lumabas ako ng selda. Sinundan ako nung pulis para masigurado niyang hindi ako makakatakas.

Pinalabas nila ako sa kulungan at pinapasok niya ako dun sa lugar kung saan pwedeng dumalaw ang mga kamag anak ng mga preso.

Hinanap ko sa paligid kung nasan si mama at papa at nakita ko sila dun sa malayo na nakangiti habang nakatingin sa akin kaya nagtaka ako. Bakit sila nakangiti? Hindi ba sila nagagalit sa akin?

Napayuko ako at lumapit ako sa kanila. Umupo ako sa harapan nila habang nakayuko parin ako. Wala akong lakas ng loob na iangat ang mukha ko dahil hiyang hiya parin ako.

"Anak, pinagluto kita ng mga favorite mo! Pinakbet at steak! Sigurado kasi akong gutom na gutom ka na kasi kahapon ka pa hindi kumakain...."

Napatingin ako kay mama at nakita ko siyang kinukuha mula sa bag niya ang dala dala niyang mga tupperware na may lamang pagkain.

Tumatawa pa siya habang hinahanda ang mga ito pero alam ko namang pinipilit lang niya ang sarili niyang tumawa.

"Anak, makakalabas ka rin dito. Ililipat ka namin sa mas maayos na lugar..."

Napatingin ako kay papa na nakangiti lang din sa akin at nagtaka ako. Hindi ba siya nagagalit? Hindi ba niya ako susumbatan o pagsasabihan manlang?

"Rhaine anak, okay ka lang? Bakit kanina ka pa tahimik na tahimik?"

Nabaling ang tingin ko kay mama at umiling iling ako.

"Bakit hindi niyo ako pinapagalitan? Okay lang naman sa akin yun eh. Karapat dapat niyo naman talaga akong ipahiya dahil sa nagawa ko....."

Napatingin si mama at papa sa isa't isa habang nalulungkot saka nila ako sinagot.

"Anak, wala kang kasalanan...."

Natawa ako sa mahina sa sinabi ni mama. Anong wala akong kasalanan? Pumatay ako ng tao at nakakulong na ako ngayon tapos sasabihin niya na wala akong kasalanan?

"Kaya ka namin gustong kausapin anak dahil may gusto kaming ipagtapat sayo...."

Napatingin ulit ako sa kanila at kumunot ang noo ko. Anong ipagtatapat nila? May tinatago ba sila sa akin?

Agad na hinawakan ni papa ang kamay ni mama at may ibinulong siya dito na mas lalo ko pang ipinagtaka. Anong tinatago nila sa akin?

Napatingin na naman sila sa isa't isa at tinanguan ni mama si papa bago niya ibinalik ang tingin niya sa akin.

"Pero sa ibang araw nalang siguro namin sasabihin yun anak. Kumain ka muna. Sayang naman yung pagkain, pinaghirapan ko yang lutuin kagabi tapos palalamigin mo lang?"

Natatawa na namang sabi ni mama kahit na ang totoo ay hindi naman talaga siya natatawa. Napapansin ko pa nga na naiiyak siya habang nakatingin sa akin.

Tinanguan ko nalang din siya at kumain na nga ako. Maya maya ay napansin kong may ibang taong tumuturo sa akin mula sa malayo na bisita rin nung ibang preso dito. Napatingin ako sa kanya habang kumakain ako.

"Siya ba yung Rhaine Clarkson na pinatay ang professor niya gamit lang ang tinidor? Pati narin yung pumatay dun sa dalawang cutie na sina Adrian at Kenneth? Grabe, hindi ko talaga ma imagine kung paano niya ginawa yun. Mga kriminal nga naman talaga...."

Sabi pa nito pero hindi niya alam na nakatingin lang ako sa kanya habang kinakausap niya yung kausap niyang kriminal din naman.

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon