✿ CHAPTER 84 ✿

21 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito na kami ngayon sa harapan ng lugar kung saan ako magsestay, nakatayo lang. Tinitingnan pa namin ang paligid at maya maya ay inaya na ako ni VAL na pumasok na sa loob para makapagpahinga na daw ako kaya yun din naman ang ginawa ko.

Pagpasok namin ay tiningnan ko ang paligid para malaman kung maayos lang ba ang lugar nato. Nang napagtanto kong okay lang naman dito ay napangiti ako. May sinabi yung babaeng nagbabantay dito sa amin saka niya kami pinaakyat dun sa taas patungo sa kwarto ko.

Pumunta kami sa bandang gitna at huminto kami sa harapan nung isang pintuan. Siguro ito na ang kwarto ko. Napatingin ako sa mga dala dala kong bagahe at tiningnan ko kung kompleto ba ito lahat. Baka kasi may naiwan dun sa loob ng kotse ni VAL.

                   

"Oh iha, ito ang kwarto mo. Kompleto na ang meron sa loob, may mga kwarto, kusina, at sala. May kasama ka rin diyan, pero wala kang dapat na ipag alala kasi babae rin naman siya...."

Sabi niya at nginitian niya ako kaya napangiti narin ako saka ko siya tinanguan. Namiss ko to. Namiss ko yung nginingitian ako at tinatrato ako ng maganda ng ibang tao.

Maya maya ay napaisip ako tungkol dun sa sinabi niyang magiging kasama ko. Baka siya yung sinasabi ni mama na anak ng kaibigan niya na si Chrystel.

Napatingin ako kay VAL at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin.

                    

"Oh siya sige! Iiwan ko na muna kayo ah! Basta dapat alas sais lang ang mga lalaki! Bawal na may dumalaw ditong lalaki kapag gabi!"

Tinanguan lang namin yung tagabantay dito at bumaba na siya. Napatingin ako kay VAL at napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Tiningnan niya saglit ang orasan at tumingin ulit siya sa akin sabay ngiti.

                     

"Sige VAL, pumasok ka na. Dadalawin nalang ulit kita sa susunod na linggo. Kailangan mo nang magpahinga....."

Sabi niya kaya nawala ang ngiti ko. Mahihiwalay na naman pala ako sa kanya.

                      

"Wag ka nang malungkot VAL. Dadalawin naman kita dito palagi eh atsaka may kasama ka naman sa loob kaya okay lang yun..."

Mahinahon na sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko kaya napangiti ulit ako.

                       

"Aalis na ako VAL ah? Sana maging masaya ka dito. Wag kang mag alala, kapag matatapos ko na yung inaasikaso ko sa baryo natin dito narin ako titira sa Maynila para magkakasama na tayo...."

Sabi niya at aalis na sana niya pero hindi ko parin binibitawan ang mga kamay niya. Napatingin siya sa akin na parang nagtataka pero napayuko lang ako. May gusto pa kasi sana akong sabihin sa kanya. Kaso nga lang nahihiya akong sabihin yun.

                        

"VAL.... I..... love you....."

Mahina kong sabi kaya napangiti siya. Inangat ko ang ulo ko at napangiti narin ako nang napansin ko yun.

                         

"I love you too VAL. Pero aalis muna ako ngayon ah? Tawagan mo nalang ako anytime VAL. Available ako anytime atsaka, kahit pa gaano ako kabusy ikaw parin naman ang uunahin ko...."

Sabi niya kaya tinanguan ko siya sabay binitawan ko na ang mga kamay niya. Hinalikan muna niya ako saglit bago siya nagpaalam sa akin at umalis na siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo at nang hindi ko na siya nakita ay nawala ang ngiti ko.

Pumasok na ako sa kwarto ko at napatigil ako nang biglang may sumalubong sa akin pero pinabayaan ko nalang din siya. Tinulungan niya ako sa pagdala ng mga gamit ko papasok sa kwarto ko. Habang nasa loob ako ay tinitingnan ko ang paligid at napangiti ako nang bahagya nang napansin kong maganda naman ito.

Nang naayos na namin ang mga gamit ko ay napatingin ako sa kung sino man tong tumulong sa akin. Napatingin din siya sa akin at nginitian niya ako kaya nginitian ko narin siya pabalik.

                     

"Ikaw ba si yung sinasabi ni mom na anak ng kaibigan niya at bagong roommate ko?"

Tinanguan ko lang siya bilang sagot at maya maya ay inabot niya ang kamay niya sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya.

                     

"Chrystel nga pala. Chrystel Makayla Kim...."

Nginitian ko rin siya pabalik at hinawakan ko ang kamay niya bilang pagtanggap sa pagpapakilala niya.

                      

"Rhaine Clarkson..."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon