[Rhaine's POV]
"Anak! Mag ingat ka! Baka mapaano ka ha!" Sigaw ni mama.
"Opo maaaaa!!!"
Tinanguan ko lang naman si mama at lumabas na ako ng bahay. Masyado talagang protective si mama sa akin, eh pano ako kasi ang bunso.
Napatingin ako sa suot ko at napairap ako. Para kasi akong bata sa ayos ko ngayon, pinasuot ako ng color pink na saya at puting tshirt ni mama tapos nilagyan pa niya ng ribbon ang ulo ko.
Pinasuot pa niya ako ng helmet na color pink at yung protection sa siko at tuhod na color pink rin. Ganito ba talaga kapag bunso? Haaayy.
Nagsimula na akong magbike pero mabagal lang ang takbo ng bisikleta ko. Medyo mabato kasi ang daan dito sa probinsya namin kaya dapat lang na mag ingat ako.
Nakangiti lang ako habang nagbabike pero maya maya ay narinig kong parang may nagsasalita dun sa likod kaya kumunot ang noo ko. Inihinto ko ang bike at lumingon ako sa likod pero wala naman akong makitang tao kaya napahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na yun.
Siyanga pala, patungo nga pala ako ngayon sa bayan para magpaenroll. Wala kasi yung driver namin kaya walang makaka hatid sa akin patungo sa eskwelahan.
Dahan dahan ulit akong nagbike at nandito na ako ngayon sa bahagi ng probinsya namin na walang kabahayan sa paligid. Pero panatag lang ang loob ko habang nagbibisikleta, ilang beses na akong dumaan dito pero wala namang kahit na anong nangyari sa akin kaya magiging okay lang siguro ako.
Maya maya ay naramdaman ko ulit na parang may sumusunod talaga sa akin kaya kumunot na naman ang noo ko. Hininto ko ulit ang bike at lumingon ako para makita kung sino yun.
Napansin kong may mga tao pala dun kaya kinabahan na ako. Inaninag ko ng mabuti ang mga mukha nila at nagulat ako nang napag alaman ko kung sino ito.
Adrian? Kenneth? Anong ginagawa nila dito? Bakit nila ako sinusundan? Anong kailangan nila sa akin?
Agad akong bumalik sa pagbabike ko at pinatakbo ko na ito ng mabilis. Kailangan ko talagang bilisan ang pagbabike kasi baka maabutan nila ako. Sabi pa naman ni VAL, dapat daw na iwasan ko na sila.
Hindi nagtagal ay nakalayo na ako sa lugar na yun pero naramdaman ko sumusunod parin sila sa akin kaya kinabahan na naman ako at mas lalo ko pang binilisan ang pagbabike ko.
Bakit ba kasi wala talagang masyadong tao dito sa probinsiya namin? Wala talagang kabahayan sa gilid ng daan kundi puro lang sakahan!
Maya maya ay naramdaman kong wala na sila kaya hininto ko na ang pagbabike ko. Lumingon ako sa likod at napahinga ako ng maluwag nang napag alaman kong wala na nga sila.
Babalik na sana ako sa pagbibisekleta pero napansin kong nandun pa pala sila sa malayo na paparating na kaya agad kong pinatakbo ulit ang bisikleta ko.
Pinatakbo ko ito ng mas mabilis kaysa kanina pero nararamdaman ko paring parating na talaga sila kaya mas lalo ko pa itong binilisan.
"Tulong! Tulungan niyo ako!!!"
Sigaw ko kahit na alam kong wala namang makakarinig sa akin. Narinig kong nagtawanan pa silang dalawa dun sa malayo kaya napaiyak na ako. Ayokong maabutan nila ako, baka kung ako ang gagawin nila sa akin.
Mas lalo ko pang binilisan ang pagbibisikleta ko hanggang sa hindi ko na makontrol ang bike pero wala na akong pake. Ang kailangan ay makalayo ako sa kanila. Yun ang pinakamahalaga ngayon.
Maya maya ay naramdaman kong papalapit na papalapit na talaga sila sa akin kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagpadyak ko.
Dahil sa kaba ko ay hindi ko na napansin na may malaking bato pala sa dinadaanan ko. Nasagasaan ito ng bike ko kaya natumba ito at tumama ang ulo at tuhod ko sa semento.
Napahiga ako sa daan at nakita kong malapit na malapit na talaga sina Adrian at Kenneth sa akin pero hindi ko na sila napansin nang nawalan na ako ng malay.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...