✿ CHAPTER 8 ✿

34 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

Sa wakas. Nakauwi rin.

Inilagay ko muna ang nga dala dala kong supot sa lamesa namin bago ako humiga sa sofa.

Nakakapagod kasi, ako yung pinadala ni Summer at Vernon nung mga pinamili namin kasi panay harutan yung dalawang yun sa daan.

Tahimik lang akong nakahiga dito sa sofa pero nagulat ako mang bigla nalang akong hinila ni Vernon para siya ang umupo sa sofa na kinahihigaan ko.

Nahulog ako sa sahig at nakita ko sila ni Vernon at yung pinsan ko na ipinagpatuloy ang pagkukwentuhan nila sa sofa.

"Grabe ka naman! Kung makahila ka wagas! Diyan ka nga! Magluluto nalang ako dun! Wag kang kumaing hinayupak ka ah!"

Sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Pumunta nalang ako sa kusina para magluto tutal wala naman akong ibang magawa.

.
.
.
.
.
.

Natapos din. Haayyy..

Inihain ko na ang niluto kong pinakbet at nilagay ko ito sa lamesa. Kumuha narin ako ng isang plato para gagamitin ko. Oo, isa lang. Ayoko kayang ipaghanda yung mga taong yun. Maghanda sila ng kanila.

Umupo na ako sa upuan at tinikman ko ang niluto ko. Napangiti ako nang nalaman kong masarap naman pala ito. Mabuti naman at success na tong niluto ko ngayon, nung nakaraan kasi nasunog dahil iniwan ko sa stove.

Kumain na ako ng tahimik at hindi ko nalang sila pinakealaman nung bestfriend at pinsan ko. Buhay naman nila yun kaya bahala na sila sa mga pinaggagawa nila.

"Bes, anong niluto mo? Gutom na kasi kami..."

Nagulat ako nang biglang pumasok sa kusina namin si Vernon at si Summer. Tong dalawang to! Kaya nga dito ako kumain sa kusina at hindi sa dining area para wala akong kaagaw sa pagkain!

Tiningnan niya kung ano ang niluto ko at nagningning ang mga maga niya. Favorite kasi n'yang bespren ko ang pinakbet. At yun din ang favorite ko. Siguro dahil magkaibigan na kami simula nung mga bata pa kami kaya parehas kami ng mga hilig.

"Bes, penge naman niyan. Please..."

Napalingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nagpapacute. Napatingin din si Summer sa kinakain ko at agad siyang lumayo na para bang nandidiri.

"Pupunta muna ako dun ah. Hindi kasi ako kumakain ng gulay. Sorry...."

Sabi nung pinsan ko at tinanguan ko naman siya. Hindi kasi talaga yan kumakain ng gulay. Kaya nagmumukhang kalansay eh. Joke lang.

"Eh my loves, gusto kong magkasabay tayong kumain eh..." Sabi pa ni Vernon kaya napairap ako.

"Hindi nga ako kumakain ng gulay. Ayoko sa gulay. Kayo nalang dalawa ang kumain. Dun lang ako sa sala...."

Sabi ni Summer at bumalik na siya sa sala. Napasimangot naman si Vernon at tumabi siya sa akin para saluhan ako.

Tahimik lang kaming kumakain dito at maya maya ay bigla siyang tumingin sa akin kaya nagtaka ako.

"Bakit bes? May kailangan ka?" Tanong ko.

"Wala naman Bes. Pansin ko lang kasi, medyo complicated ang crush life mo. Alam mo, pwede naman kitang ireto sa utol ko bukas. May laro kasi kami bukas. Sumama ka nalang para naman magpakilala kita sa crush mo...."

Napangiti ako sa sinabi niya pero tinago ko yun. Paminsan minsan maasahan ko din pala tong bespren ko.

"Yiiieeeehhhh kinikilig na siya!"

Napatingin ako sa kanya at hinampas ko siya ng mahina kaya natawa siya.

"By the way, sasabihan kita sa ideal girl ng tropa ko. Gusto ko kasing magkaboyfriend ka na para naman happy na tayong dalawa...."

Ay wow. Ambait ah.

"Sige nga. Ano yung ideal girl niya?" Tanong ko.

"Una, gusto niya yung babae na maganda at sexy. Dapat ding mahaba ang buhok niya at syempre mabait. Ganung klase kasi ng mga babae ang nililigawan niya..."

Tumango tango lang naman ako. Pasadong pasado ako ah. Maganda rin ako at medyo sexy rin, mahaba rin naman ang buhok ko at medyo mabait din ako. Napangiti ako nang naisip ko yun.

Tumingin ako kay Vernon at nag apir kami....

"Maasahan talaga kita bes paminsan minsan..." Sabi ko.

"Syempre naman..."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon