✿ CHAPTER 50 ✿

22 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Tulong! Tulungan niyo ako!!!"

Sigaw ko pero tinawanan lang ako ni Hans kaya nagtaka ako. Hindi ba siya natatakot na nakita siya ng mga parents ko? Bakit hindi pa siya umaalis?

"Kahit na magtawag ka pa ng tulong, hindi ka makakatakas sa akin. Dahil palagi na akong nasa isip mo...."

Sabi niya kaya nagtaka ako. Anong ibig niyang sabihin?

Maya maya ay may naririnig na akong malalakas na yapak sa labas ng kwarto ko kaya naisip ko na sina mama at papa na yun.

Napatingin ulit ako kay Hans na tinititigan lang ako habang nakangisi at bigla niya akong sinaksak kaya napasigaw ulit ako. Natawa na naman siya ulit at nagtaka ako kung bakit wala naman akong nararamdamang sakit.

Tiningnan ko ang kutsilyo na hawak niya at napag alaman kong sa higaan ko lang pala niya tinusok yun kaya napahinga ako ng maluwag.

Maya maya ay bumukas na ang pintuan kaya nilayuan na ako ni Hans. Akala ko ay bubugbugin na siya nina papa at mama pero hindi. Dinaanan lang nila si Hans na para bang wala silang nakikita kaya nagtaka ako.

Agad akong nilapitan ni mama at hinawakan niya ang pisngi ko na halatang nag aalala.

"Anak bakit ka ba sigaw ng sigaw? May masakit ba sayo? May nararamdam ka ba? Ano?"

Napatingin ulit ako kay Hans na nakangisi lang saka ko siya tinuro. Lumingon naman si mama at papa kung saan ako nakaturo at tiningnan nila ito ng maigi.

"Ma, pa, please ilayo niyo po siya sa akin. Ayaw ko po sa kanya! Mamamatay tao siya!"

Sigaw ko habang umiiyak at lumingon sila sa akin habang nakakunot ang noo. Bakit ganyan ang reaction nila? Utang ng loob ayoko nang makita ang pagmumukha ng Hans na yan!

"Anak, sinong ilalayo namin? Wala namang ibang tao dito, tayo lang...."

Napatingin ulit ako kay Hans at nakita ko siyang nakangisi parin habang hawak hawak ang maliit na kutsilyo niya.

"Anong walang ibang tao? Nandyan po si Hans oh! May hawak hawak po siyang kutsilyo! Papatayin sana niya ako kanina!!! Ma!!! Pa!!!"

Sigaw ko ulit at natawa lang ng malakas si Hans pero hindi manlang yun napansin ni mama at papa. Bakit hindi siya nakikita nila? Bakit parang ako lang ang nakakita sa kanya?

"Anak, eh wala ngang ibang tao dito sa kwarto mo!"

Anong wala? Eh ayan siya oh!!! Ayan!!!

Tinuro ko siya ulit habang umiiyak. Maya maya ay bigla siyang lumapit sa akin at tinutukan niya ulit ako ng kutsilyo kaya napatayo ako sa kinauupuan ko. Agad naman akong pinigilan ni mama at papa kaya hindi na ako makalayo kay Hans.

Sinubukan kong bumitaw sa kanila para takasan si Hans pero sobrang higpit talaga ng pagkakahawak nila sa akin kaya hindi ko yun magawa.

Maya maya ay napansin kong sobrang lapit na sa akin ni Hans kaya nagwala na talaga ako habang sumisigaw para lang lumayo siya sa akin. Pero hindi, mas ginanahan pa nga siya sa ginagawa niya habang tumatawa.

"Ilayo niyo siya sa akin!!! Papatayin niya ako!!! Ayokong mamatay!!! Ma!!! Pa!!!"

Sigaw ko ulit habang tinuturo ko siya pero walang ginawa sina mama at papa. Pinigilan nila ako dahil nagwawala na talaga ako habang sumisigaw.

"Anak, tumigil ka na! Walang ibang tao dito at wala ring papatay sayo! Ano na bang nangyayari sayo!!!"

Hindi ko pinansin si mama at maya maya ay tuluyan nang lumapit sa akin si Hans at sasaksakin na sana niya ako gamit ang kutsilyo niya pero agad akong nagpumiglas mula kina mama at papa at tumakbo ako palayo.

Tumakbo ako ng mabilis kaya hindi ko napansin na may pader pala sa harapan ko. Nabangga ang noo ko sa pader at biglang umikot ang paningin ko kaya unti unti akong natumba.

Agad akong nilapitan nina mama at papa pero nandilim na ang paligid ko at nawalan na ako ng malay kaya hindi ko na napansin yun.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon