✿ CHAPTER 39 ✿

24 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Iha! Rhaine! Anak! Nandito ang tito mo! Bumaba ka diyan!"

Narinig kong sumisigaw si mama mula sa baba kaya agad akong nagbihis at ibinabad ko ang t- shirt at hoodie na suot ko sa tubig para matanggal ang dugo.

Pagkatapos ay bumaba na ako sa sala namin at napahinto ako nang nakita ko si Tito Jerry na isang pulis. Nakaramdam na naman ako ng kaba pero pinilit ko ang sarili ko na bumaba.

Nginitian ko siya at umupo ako sa tabi ni mama. Napatingin ako sa baril ni Tito na nasa bulsa niya at napapikit ako. Anong ginagawa niya dito? Huhulihin na ba niya kami ni Hans? Ikukulong ba niya kami?

"Iha, kamusta ka na? Magcocollege ka na raw sa susunod na taon...."

Binuksan ko ang mga mata ko at tinanguan ko naman siya bilang sagot.

"O-opo. Magcocollege na p-po ako next year...."

Pautal utal kong sagot dahil sa kaba ko. Napansin naman kaagad ni mama at papa na parang hindi ako okay kaya napalingon sila sa akin.

"Iha, okay ka lang ba? Namumutla ka ah..."

Napatingin ako kay mama at umiling iling ako. Hindi ako okay. Kinakabahan ako kapag nakakakita ako ng pulis.

"Ma, masama po ang pakiramdam ko. Pwedeng bang umakyat muna ako sa kwarto?"

Tinanguan lang din naman ako ni mama at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nginitian naman ako ni Tito Jerry na isang pulis at nginitian ko nalang din siya pabalik.

Paakyat na sana ako ng hagdan pero narinig kong may pinag uusapan pa sila kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Narinig niyo na ba ang balita?"

Tanong ni Tito Jerry kay mama at papa kaya nakinig muna ako. Anong balita?

"Anong balita?"

Napalingon ako sa kanila pero hindi nila napansin na nandito parin pala ako dahil nakatalikod sila mula sa akin.

"May pinatay na dalawang binata dun sa maliit na bahay malapit sa bayan....."

Nakaramdam na naman ako ng kaba dahil sa narinig ko. Si Adrian at Kenneth yung dalawang binatang sinasabi ni Tito, sigurado ako.

Kinabahan na naman ako para sa akin at para kay Hans. Alam kong kahit na anong oras ay pwedeng pwede silang makahanap ng ebidensya na magpapatunay na si Hans ang pumatay sa kanila at nandun din ako sa crime scene. At kapag mangyayari yun, makukulong din ako.

"Talaga? Kailan?" Gulat na gulat na tanong ni mama.

"Kanina lang. Mabilis na nakaalis yung suspek at pumunta ito sa bayan. Grabe ang sinapit ng dalawang binata, lasog lasog ang mga katawan dahil sa dami ng saksak...."

Napatabon si mama sa bibig niya at napailing iling lang naman si papa.

"Grabe na talaga ang panahon ngayon. Mabuti nalang at hindi natyempuhan na ang anak ko ang naging ganun. Dun pa naman siya dumaan kanina patungo sa bayan....."

Sabi naman ni papa at tumango tango naman si Tito Jerry.

"Kaya mag ingat kayo palagi. Hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakahanap ng ebidensya kasi malinis talaga ang pagkakagawa ng krimen ng suspek....."

Napahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Mabuti naman. Ayokong makulong si Hans, kasi kapag nangyari yun pati ako damay.

Aakyat na sana ako sa hagdan pero napalingon si Tito sa akin at tinawag niya ako kaya napahinto ako.

"Rhaine iha, nandyan ka pa pala. Siyanga pala, naiwan mo yung bike at helmet mo malapit sa crime scene. Ano ba kasing ginagawa mo dun ha? Mabuti nalang at hindi ikaw ang natyempuhan ng suspek!"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Tito at napalingon si mama at papa sa akin.

"Nagpa enroll po kasi ako sa bayan, kaso nga lang po natumba po ang bike na sinasakyan ko dun kaya iniwan ko nalang po yun at sumakay nalang ako ng jeep patungo sa bayan...."

Tumango tango lang naman si Tito at nginitian niya ako. Tuluyan na akong umakyat sa hagdan at pumasok ako sa kwarto ko.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon