[Rhaine's POV]
Nandito ako sa loob ng kwarto ko, nakamake up at nakawedding gown na. Kanina ko pa tinatanong ang sarili ko kung totoo ba talaga to at kung hindi lang ba ako nag iimbento ng kahit na ano ano ang utak ko.
It's been two months since nung nagpropose sa akin si VAL. Grumaduate na kami one month ago at nakuha na namin ang degree namin kaya pwede na kaming makapagtrabaho. Pwede na akong maging MedTech, at si VAL naman pwede na siyang maging Seaman.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti ako sa nakita ko. Nakita ko ang sarili ko na masaya at walang iniisip na problema.
"Rhaine, sumakay na tayo..."
Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Altheah na nakatayo dun. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin at maya maya ay lumapit siya para yakapin ako. Pumasok narin ng kwarto si Chrystel at nakisali siya sa yakapan namin.
Habang yakap yakap ko ang mga kaibigan ko ay hindi ko sinasadyang umiyak. Binitawan na nila ako habang umiiyak parin ako kaya natawa sila at napansin ko na umiiyak narin pala si Chrystel.
"Alam niyo, ang drama niyo. Pwede bang wala munang iyakan ngayon ha?! Chrystel? Rhaine?"
Sabi ni Altheah kaya natawa kami at tinigilan na namin ang pag iyak namin. Lumabas na kami ng kwarto at inalalayan nila ako dahil sa laki at bigat ng wedding gown ko. Paglabas ko ay nakita kong umiiyak narin pala ang mga kapamilya at kaibigan ko kaya natawa ako.
"Hindi pa nga nagsisimula ang kasal nag iiyakan na kayo? Ireserve niyo nalang nga yang mga luha niyo mamaya sa loob ng simbahan!"
Pabirong sabi ko kaya natawa sila. Ganito kasi talaga ang Rhaine na nakilala nila, yung Rhaine na makulit at palabiro. Walang niisa sa kanila bukod kay VAL at mga kapamilya ko ang nakakaalam sa totoong nakaraan ko dati. Hindi nila alam ang tungkol sa dating sakit ko at sa dating mga nagawa ko.
Hindi ko nalang inisip yun at tuluyan na akong lumabas. Sumakay na ako dun sa kotse at iniwan na ako nina Chrystel at Rhaine. Sa ibang kotse kasi sila sasakay.
Maya maya ay umalis na kami at habang unaandar ang kotse ay sinasampal sampal ko pa ang sarili ko para magising ako sa katotohanan kung sakaling naghahalucinate lang ako. Pero kahit na anong sampal ko ay wala namang nagbabago sa paligid ko kaya napagtanto kong totoo pala talaga ito.
Napangiti ako at naramdaman kong naiiyak na ulit ako. Hindi ako makapaniwalang dadating pala talaga ang araw nato. Habang nasa loob ako ng kotse ay umiiyak pa ako pero hindi ko hinayaang masira ang make up ko.
Ilang saglit ay huminto na ang kotse kaya naisip ko na nandito na kami ngayon sa simbahan. Pinalabas na nila ako at inalalayan nila ako sa pag akyat ng hagdan patungo dun sa harapan ng pintuan. Nakatayo lang ako dito habang dala dala ang bouquet ng mga bulaklak na kanina ko pa hawak hawak.
Nagdasal ako na sana ay totoo to at hindi lang ako nag iimbento ng kung ano ano sa utak ko. Habang nakapikit ako ay biglang bumukas ang pintuan kaya nabuksan ko ulit ang mga mata ko. Tumingin ako sa paligid saka ako tumingin sa altar, kung saan nandun si VAL.
Nakita ko siya na naiiyak kaya natawa ako. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya habang tumingin tingin ako sa mga tao na dumalo sa kasal ko. Nginitian ko silang lahat at napansin ko na masayang masaya talaga sila.
Nang nasa gitna na ako ng simbahan ay sinalubong ako ni mama at papa saka nila ako sinabayan sa paglalakad. Hindi nagtagal ay hindi ko namalayan na nandito na pala ako ngayon sa altar at katabi ko na si VAL. Nilapitan ko siya at nang nakita ko siyang umiiyak ay napaiyak narin ako. Habang umiiyak ako ay kinurot ko ng mahina si VAL kaya nagtaka siya.
"Bakit mo ako kinurot? Kasal na nga natin ngayon nangungurot ka pa?"
Nakasimangot na sabi niya kaya natawa ako.
"Eh ikaw kasi! May paiyak iyak ka pang nalalaman! Naiiyak narin tuloy ako!"
Pabirong sabi ko kaya natawa siya. Humarap na kami sa pari at pinakinggan namin ng mabuti ang mga sinabi niya habang malimit naming sinisiklapan ang isa't isa. Sinuotan namin ng singsing ang isa't isa habang hindi namin mawala ang ngiti sa mga mukha namin.
"Vernon Lee, do you take Rhaine Clarkson as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Tanong ng pari kay VAL kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako at tinanguan niya ang pari.
"I do..."
Napangiti ako dahil sa sinabi ni VAL pero agad kong winala ang ngiti na yun nang ako naman ang tinanong ng pari.
"Rhaine Clarkson, do you take Vernon Lee as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Lumingon ako kay VAL at bahagya akong natawa nang kinindatan pa niya ako.
"I do..."
Sabi ko at nagulat ako nang palihim akong siniko ni VAL. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi kaya napairap ako.
"I may now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride..."
Nakangiting sabi ng pari at naghiyawan ang lahat ng taong nandito. Natawa ako dahil sa kanila pero agad din akong nagseryoso nang hinarap ko na si VAL. Tinanggal niya ang tela na nakatabon sa mukha ko saka niya ako hinalikan sa labi.
Narinig ko na mas lalo pang umingay ang loob ng simbahan saka ako binitawan ni VAL at niyakap niya ako.
Habang kayakap ko siya ay napaisip ako. Hindi ko pa naramdaman ang ganitong kasayahan dati. Hindi ko naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam dati. Napatingin ako kay VAL at nakita ko siyang nakatitig lang sa akin.
"I love you...." Sabi ko kaya napangiti siya.
"I love you too..."
_______________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Roman pour AdolescentsLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...