[Rhaine's POV]
"Kung ganun VAL, sino tong kasama ko ngayon?"
Pabulong kong tanong sa kanya at nanginginig na ako habang nakatingin kay Hans. Sana pala hindi nalang ako nagtiwala at nakipag kaibigan sa kanya.
Ang dami ko nang nagawa na mali dahil sa kanya. Nakapatay na ako ng tao dahil sa kanya. Tapos ngayon nalaman ko na nagpapanggap lang pala siya.
Ano bang kailangan niya at bakit niya ako kinaibigan?
"VAL, lumabas ka diyan sa kwarto mo ng tahimik. Wag kang magpahalata sa kanya na alam mo nang nagsisinungaling lang talaga siya sayo. I- lock mo muna ang bintana mo para hindi siya makalabas. At pagkatapos ay ilock mo narin ang pintuan ng kwarto mo tapos sabihan mo tungkol dito ang parents mo...."
Tinanguan ko siya at pinutol ko na ang tawagan namin. Pinilit ko ang sarili kong kumalma at dahan dahan kong nilapitan ang bintana saka ko ito ni- lock katulad ng sinabi ni Vernon.
"Teka Rhaine, bakit mo nilock yung bintana? Eh dun ako dadaan mamaya pag uwi ko eh...."
Napatingin ako sa kanya at pilit ko siyang nginitian.
"Malamig kasi. Sabihan mo nalang ako kapag lalabas ka na...."
Sabi ko at tinanguan naman niya ako. Mabuti nalang at hindi niya nahahalata na kinakabahan na talaga ako.
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya at dahan dahan akong lumapit sa pintuan.
"Lalabas muna ako ah. Ihahanda ko lang yung TV at DVD para sa movie natin mamaya. Maghahanda narin ako ng snacks...."
Pagsisinungaling ko pa at napangiti lang naman siya saka niya ako tinanguan.
Lumabas na ako ng kwarto at nilock ko ito para hindi siya makalabas. Wala na siyang kawala, ni- lock ko na ang bintana at pintuan ng kwarto ko at kinandado ko pa ang mga yun.
Dali dali akong bumaba sa sala at nakita ko si mama at papa na tahimik lang na nakaupo at kararating lang. Nilapitan ko sila at tumayo ako sa harapan nila para makausap sila. Kagagaling lang pala nila sa mga trabaho nila.
"Ma, pa, kailangan ko po ang tulong niyo. May ibang tao sa kwarto ko...."
Sabi ko sa kanila kaya nabaling na ang mga atensyon nila sa akin.
"Anong ibang tao? Eh si Hans lang naman ang pumapasok sa kwarto mo diba? Yung pinsan ni Vernon?"
Tanong ni mama na kalmadong kalmado lang.
"Ma, nagpapanggap lang po siya. Hindi po siya pinsan ni Vernon. Si Vernon na mismo ang nagsabi sa akin nun....."
Nagulat silang dalawa sa narinig nila at agad na napatayo si papa. Napatingin siya sa kwarto ko na nasa taas at pupuntahan na sana niya ito pero agad siyang pinigilan ni mama.
"Kung hindi siya pinsan ni Vernon, eh sino siya? Anong ginagawa niya dito at bakit siya nakipagkaibigan sayo? Sigurado akong may masamang binabalak ang lalaking yun!"
Galit na galit na sabi ni papa habang pinipigilan parin siya ni mama.
"I think kailangan nating tumawag ng pulis..."
Sabi ni mama pero umiling iling lang si papa.
"Hindi na kailangan. Ako na ang bahala sa ugok na yun...."
Agad na umakyat si papa sa hagdan at pumunta siya sa kwarto ko. Tinanggal niya ang kadena na nilagay ko dun kaya medyo natagalan pa kami.
Habang nagtatanggal si papa sa mga kadena ay napaisip ulit ako. Ang dami kong nagawang kasamaan dahil kay Hans. Siya ang nagtulak sa akin na pumatay ng tao. At sigurado akong sinadya niya yun. Pero ang tanong, bakit niya ginawa yun?
Maya maya ay tuluyan nang nabuksan ni papa ang pintuan kaya dali dali namin itong pinasok.
Tiningnan namin ang paligid at kumunot ang mga noo namin nang nakita naming wala na dito si Hans. Napatingin ako sa bintana ko at napansin kong nakakandado parin ito kaya nagtaka ako..
Kung nakalabas siya, paano niya yun nagawa nang hindi binubuksan ang bintana at pintuan?
"Wala namang tao dito ah! Rhaine pinagloloko mo lang ba kami ng mama mo?" Tanong ni papa.
"Hindi po! Nandito po si Hans kanina! Sigurado po ako!"
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Dla nastolatkówLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...