✿ PROLOGUE ✿

246 8 1
                                    

[Rhaine's POV]

Tiningnan ko ang mga kamay ko at naalala ko kung paano ko pinatay ang mga taong hindi ko naman sinasadyang patayin.

Habang nakatitig ako sa mga mapuputlang kamay ko ay naalala ko kung paano ko sila pinagsasaksak ng ilang beses kaya bumalik ulit ang kaba na nararamdaman ko sa tuwing ginagawa ko pa yun.

Napapikit ako at ibinaba ko na ang dalawang kamay ko. Ingat ko ang ulo ko at tumingin ako sa paligid ng puting kwartong to.

Ikinulong nila ako dito. Ilang buwan na akong hindi nakakalabas kaya naman ilang buwan ko naring hindi nakikita ang mundo.

Gusto ko na sanang lumabas para makita ko na siya. Ang taong naniniwala at nagmamahal sa akin kahit na ganito na ako. Kahit na isa na akong kriminal at mamamatay tao.

Hindi ko alam kung ano na nga bang nangyayari sa buhay ko at kung bakit kailangan ko pa tong pagdaanan kaya pakiramdam ko ay hindi ko pa kayang lumabas para harapin ang mundo.

Ang mundong puno ng mga masasamang tao. At isa na dun ang sarili ko.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon