[Rhaine's POV]
Dalawang buwan na akong nandito sa loob. Kahit na pakiramdam ko ay magaling na ako, hindi parin ako pinapauwi ng mga doktor. Siguro dahil ay sinisigurado pa nila kung magaling na ba talaga ako at hindi na babalik ang sakit ko.
Ilang linggo narin akong hindi binibisita ni VAL. Siguro busy siya kaya hindi na niya ako nabibisita.
Miss na miss ko na siya. Sa tuwing pumupunta kasi dito ang parents ko hindi naman siya sumasama kasi busy may ginagawa daw siya. Naiintindihan ko din naman yun.
Maya maya ay pinalabas ako nung isang nurse kaya sumunod naman ako kaagad. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ako sa lounge ng hospital nato.
Nakangiti ako habang pababa ako sa hagdan dahil iniisip kong si mama at papa ang dumalaw sa akin. Mula sa malayo ay tiningnan ko kung sino ito at nawala ang ngiti ko.
Nakakita ako ng dalawang babae at isang matandang babae. Nagtaka ako kung anong sadya nila sa akin kaya kumunot ang noo ko. Sino sila? Anong kailangan nila sa akin?
Tiningnan ko ang paligid para makita kung nandito ba sina mama at papa pero wala naman sila kaya mas lalo pa akong nagtaka.
Kahit na nagtataka ako ay nagtuloy tuloy parin ako sa paglalakad patungo dun sa matandang babae at kasama niyang dalawang babae. Gusto kong malaman kung anong sadya nila sa akin.
Nang nasa harapan ko na sila ay napansin ko na iniiwasan nila ako ng tingin. Huminto ako sa paglalakad at bahagya ko silang nginitian.
"Sino po kayo? Anong kailangan niyo sa akin?"
Mahinahon kong tanong sa kanila pero hindi parin nila ako tinitingnan kaya nagtaka ulit ako.
"Umupo ka...."
Tipid na sabi nung matanda at sumunod naman ako. Umupo ako sa harapan ng kinauupuan nila ng mga kasama nila at nginitian ko sila.
Maya maya ay napatingin sa akin yung matandang babae at tiningnan niya ako ng masama kaya nawala ang ngiti ko. Bakit ganyan siya makatingin sa akin?
"Bakit po? May problema po ba?"
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at sinampal niya ng malakas na malakas ang pisngi ko. Agad naman siyang inawat nung dalawang babae pero nakatingin din sila ng masama sa akin.
"Ang lakas naman ng loob mong magpanggap bilang isang inosenteng tao habang nakatingin sa pamilya ng taong pinatay mo!!!"
Anong——
Napatulala ako habang nakahawak parin ako sa pisngi ko na sinampal niya. Kamag anak ba siya ni Mr. Guevarra? O ni Adrian at Kenneth?
Sasagot na sana ako sa sinabi niya pero sinampal na naman niya ang kabilang pisngi ko ng malakas na malakas kaya tumilapon ako sa sahig. Agad akong nilapitan ng mga nurse at mga doktor para tulungan.
"Mamamatay tao ka!!! Simula nung pinatay mo ang asawa ko naghirap na kami!!! Demonyo ka!!! Dapat ka ring mamatay!!!"
Sigaw pa nito at kumawala siya sa pag aawat sa kanya ng mga kasama niya at nilapitan niya ako. Hinayaan ko nalang siyang bugbugin at suntukin ako o kung ano man ang gustong gawin niya sa akin. Sobrang bigat naman kasi talaga ng kasalanan ko sa kanya at sa kanila, kaya dapat lang sa akin to.
Ginawa ang lahat ng mga doktor at mga nurse para pigilan siya kaya nakalayo na ako sa kanya. Pinagtulungan nila akong iakyat sa hagdan habang sumisigaw parin yung babaeng yun.
Dali dali akong pinapasok nung mga nurse at mga doktor sa kwarto ko kanina at inilock nila ito. Nang nakaalis na sila ay saka ako umiyak.
Akala ko kapag gagaling na ako, wala na akong problema. Pero hindi pala. Tuluyan nang sinira ng sakit ko pati ang buong pagkatao ko.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Novela JuvenilLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...