[Rhaine's POV]
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang may sakit ako sa utak. Hindi ko alam kung bakit tinago yun ni mama at papa ng ganun katagal. Pero hindi naman ako nagagalit sa kanila, alam ko namang iniisip lang nila ang kapakanan ko kaya nila tinago sa akin yun.
Nandito ako ngayon sa hospital room ko, nagpapagaling. Ako lang mag isa ang nandito ngayon, umuwi kasi saglit si mama at si papa at may binili din si Vernon sa labas.
Hindi pa daw ako pwedeng lumabas dito kasi malala pa daw ang sugat ko sa ulo. Sabi nila kapag gagaling na daw ang sugat ko saka nila ako dadalhin sa mental hospital.
"Hi, Rhaine...."
Napatingin ako sa gilid ng hospital bed ko at nagulat ako nang nakita ko si Hans. Matatakot na sana ako pero pinigilan ko ang sarili kong maramdaman yun. Hindi naman siya totoo at gawa gawa ko lang siya, kaya bakit ako matatakot sa kanya?
Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ulit ako sa malayo. Naisip ko kasi na baka mawawala siya sa paningin ko kapag hindi ko siya papansinin kaya yun din ang ginawa ko.
"Hindi mo manlang ba ako papansinin?"
Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi. Wag kang matakot Rhaine, nasa isip mo lang siya. Guni guni mo lang siya.
Hindi ko ulit siya pinansin at tumingin ulit ako sa malayo para maiwasan ko siya. Kailan ba siya aalis sa isip ko? Bakit ba ayaw niyang mawala? Ayoko nang makita ang pagmumukha niya!
"Alam mo bang galing ako sa burol ni Mr. Guevarra?"
Napatingin ulit ako sa kanya pero agad ko ulit siyang inalis sa paningin ko. Wag mo siyang pansinin Rhaine, hindi siya totoo.
"Nakakaawa yung mga anak at asawa niya ngayon. Araw at gabi silang umiiyak dahil sa ginawa mong pagpatay kay Mr. Guevarra. Sinasabi nila na dapat ka na rin daw na mamatay para pagbayaran ang ginawa mo...."
Napayuko ako dahil sa sinabi niya dahil sa konsensya ko. Ayoko sanang makasakit ng damdamin ng iba. Ayoko sanang makagawa ng mali sa iba. Pero nagawa ko yun dahil nilinlang ako ng sariling utak at mga mata ko!
"Pero alam mo, tama naman sila. Dapat ka nang mamatay. Nagiging pabigat ka na sa pamilya mo ngayon, pati narin dun sa bestfriend mo na si Vernon. Alam mo ba, narinig ko yung mga magulang mo kanina na pinag uusapan ka at sinabi nila na malas ka daw sa pamilya niyo. Si Vernon naman, nagpapanggap lang siyang mabait at maunawain sayo. Pero ang totoo, ayaw na ayaw na niya sayo......."
Muntik akong maiyak sa narinig ko pero pinigilan ko ito. Alam kong minamanipula lang niya ang utak ko. Tiningnan ko siya ng masama pero ngumisi lang ulit siya habang nakatingin sa akin.
"Maniwala ka sa akin Rhaine. Sa tingin mo ba, tinatanggap talaga ng bestfriend mo at ng mga magulang mo ang mga ginawa mong krimen? Pwes hindi! Ayaw na ayaw na talaga nila sayo kaso wala silang choice! Ikaw ang nagiging pabigat sa mga buhay nila kaya ang totoo ay galit na galit na sila sayo! Gusto mo parin bang mabuhay nang ganun Rhaine? Na kinaayawan at kinagagalitan ng lahat ng tao?"
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Ewan ko, pero tama siya eh. Hindi kapani- paniwala na tinanggap ako ng bestfriend ko at ng mga magulang ko ng ganun ganun nalang. Kahit nga ako, hindi ako makapaniwala na kaya nila akong tanggapin kahit na sobrang bigat ng mga krimen na nagawa ko.
Kinuha niya yung tinidor na nakalagay sa maliit na mesa na nasa tabi ng hospital bed ko at pinahawak niya ito sa akin habang nakangiti. Hinawakan niya ang kamay ko at itinutok niya ang tinidor malapit sa tiyan ko kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka.
"Wala ka nang silbi sa kahit na kanino Rhaine. Kaya, alam mo na kung ano ang gagawin mo...."
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...