✿ CHAPTER 29 ✿

28 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito na ako ngayon sa kotse ni Vernon, tahimik na nakaupo sa back seat. Kanina pa kami hindi nagpapansinan, siguro dahil to dun sa sagutan namin kanina.

Ayaw ko naman talagang awayin siya kasi nga aalis na siya sa susunod na araw. Pero niloko kasi niya ang pinsan ko kaya syempre hindi ko mapapalampas yun.

Maya maya ay nandito na kami sa tapat ng mga bahay namin kaya hininto na niya ang kotse. Bumaba naman ako kaagad at papasok na sana ako sa gate namin pero napatigil ako nang sumunod siya sa akin.

Nagtaka ako dahil sa ginawa niya. Bakit siya sumunod sa akin? Hindi ba dapat umuwi na siya?

"VAL, alam kong may hindi pagkakaintindihan pa tayo. Pero pwede bang humingi ng last request? Hindi na kasi tayo magkikita bukas kasi maghahanda na ako para sa flight ko sa susunod na araw..."

Seryoso niyang sabi sa akin kaya nagtaka ako. Bakit ang seryoso niya? Ano ba yung last request niya sa akin?

Kahit na nagtataka pa ako ay tinanguan ko nalang din siya. Pagbibigyan ko nalang siya, tutal malapit na naman siyang umalis.

"Sige. Ano ba yun?"

Napakamot siya sa batok niya kaya nagtaka ulit ako. Ano ba talaga yang last request niya at bakit parang kinakabahan siya?

"Pwede humingi ng last hug? Matagal pa kasi tayong magkikita ulit kaya syempre mamimiss kita...."

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti. Yun lang naman pala, akala ko kung ano na.

Tinanguan ko siya kaya napangiti siya. Ako sana mismo ang yayakap sa kanya pero nagulat ako nang bigla nalang niya akong niyakap.

Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit at halos hindi na nga ako makahinga pero pinabayaan ko nalang siya. Siguro mamimiss niya talaga ako, at mamimiss ko din naman kasi siya kapag nasa L.A na siya. Wala na kasi akong ibang kaibigan, siya lang talaga.

Maya maya ay naririnig kong may kumakabog na naman kaya kumunot ang noo ko. Ano na naman ba yun?

(Dug dug, Dug dug)

Napatingin ako sa dibdib ko at napag alaman kong dun pala nanggagaling ang tunog na yun. Pero bakit naman siya kumakabog? Ano ba tong nararamdaman ko?

Gusto ko na sanang bumitaw mula sa pagkakayakap namin pero ayaw ko namang itulak palayo si Vernon kasi baka isipin niya na tinataboy ko na siya. Pinabayaan ko nalang din siyang yakapin ako gaano man katagal niya gusto.

Maya maya ay binitawan na niya ako kaya napahinga ako ng maluwag. Nginitian niya ako kaya ganun nalang din ang ginawa ko sa kanya.

"Kitakits nalang sa flight ko sa susunod na araw, VAL....."

Tinanguan ko lang naman siya at inisip ko na papasok na siya sa gate ng bahay nila. Pero hindi, bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan niya ang pisngi ko kaya nagulat ako. Anong——

Bago pa man ako makapagsalita ay agad siyang lumayo sa akin at pumasok na siya sa gate ng bahay nila. Umalis na siya sa harapan ko habang parang statwa parin akong hindi makagalaw.

Bakit niya ginawa yun? Hindi naman niya ginawa sa akin yun dati ah. Baka——

Wag kang mag isip ng kung ano ano Rhaine, baka nalulungkot lang talaga ang bespren mo na iiwanan ka na niya.

Napahinga ako ng maluwag nang naisip ko yun. Tuluyan na akong pumasok sa gate ng bahay namin dahil pagod na ako. Pumasok na ako sa loob ng bahay at aakyat na sana ako sa hagdan patungo sa kwarto ko pero napatigil ako nang nakita ko si Summer na nakaupo sa sofa namin.

"Mukhang nag enjoy ka sa date niyo ng ex boyfriend ko ah...." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. 

"Couz hindi date yun..."

Natawa lang naman siya at tumayo siya sa kinauupuan niya.

"Wag kang mag alala, hindi ko na naman kayo guguluhin. Aalis na ako bukas kasi babalik na ako sa amin. Kayang solong solo mo na ang bestfriend mo. Alam ko namang gusto mo talaga siya, pero ayaw mo lang talagang aminin....."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon