[Rhaine's POV]
Nandito kami ngayon sa daan, bumabalik na kami sa dinadaanan namin kanina. Hanggang ngayon ay dala dala parin ni Vernon yung mga supot na may dalang pinamili namin at tinutulungan naman siya ni Summer.
Maya maya ay may nakasalubong kami na tao na sobrang familliar kaya tiningnan ko ito ng maigi.
Nang nakilala ko na kung sino ito ay nagulat ako at bigla akong kinabahan. Adrian? Siya yung crush ko! Yung crush ko na nagcomment dun sa instagram post ko! Kyaahhhh!
"Rhaine, pakidala naman ng mga to oh. Nangangawit na ang mga kamay ko eh. Maawa ka naman sa bespren mo..."
Napatingin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Walang bespren bespren dito. Kung sino ang gusto kong magdala ng mga yan siya talaga ang magdadala...."
Sabi ko at tumingin ulit ako dun kay Adrian na papalapit na sa amin. Palihim akong napangiti at maya maya ay nagtaka ako nang bigla nalang napangisi si Vernon. Anong nginisi ngisi niya?
"Kung hindi ka papayag, sasabihin ko kay Adrian na crush mo siya. Tropa ko pa naman yan...."
Nakangisi niyang sabi habang nakaturo kay Adrian na papalapit na talaga kaya kinabahan niya ako. Alam kasi niya na crush ko yang lalaking yan.
"Bes naman. Mag bespren naman tayo eh...." Sabi ko.
"Walang bespren bespren dito. Kung anong sekretong gusto kong ibunyag ay ibubunyag ko. Tol! Bespren ko oh may crush say——"
Aba at——
"Ako na nga ang magdadala niyan! Mukhang nangangalay ka na eh! Bespren pa naman tayo..."
Sabi ko at agad kong kinuha ang mga dala niyang supot na may lamang mga pinamili namin kaya napangiti siya na parang loko.
"Ayan! Yan ang dapat na ginagawa ng isang bespren!"
Tiningnan ko lang siya ng masama at nagsimula na akong maglakad habang dala dala tong mga supot.
"Tol!"
"Tol kamusta?!"
Napairap ako nang agad na sinalubong ni Vernon si Adrian at naghandshake pa silang dalawa.
"Okay lang ako tol. Kitakits nalang bukas ah, medyo busy kasi ako ngayon. Alam mo naman...."
Tinanguan lang naman ni Vernon si Adrian. Nang nakalapit na ng tuluyan si Adrian sa akin ay babatiin ko na sana siya pero hindi manlang niya ako tiningnan kaya hindi ko nalang ginawa yun. Dinaanan lang niya ako ng tahimik kaya napasimangot ako.
Huminto ako sa paglalakad at tiningnan ko siya ng masama habang naglalakad siya palayo. Sa instagram namamansin siya pero sa personal hindi! Abuh!
"Bes, anong pakiramdam ng dinedma?"
Napalingon ako kay Vernon at Summer na tumatawa pa. Inirapan ko nalang sila at ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko.
Eh kasi naman eh! Crush na crush ko yung taong yun tapos idededma lang niya ako?!
"Bes, pwede naman kitang tulungan. Katropa ko kasi yun kaya close kami nun. Pwede kang manood ng laro namin bukas sa football kung gusto mo..."
Napatingin ulit ako kay Vernon at nakita ko siya na para bang nang aasar. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang naalala ko yung nangyari kanina. Dinedma lang ako ng crush ko! Masakit kaya yown!
"Okay lang yan Rhaine. Hindi naman siya ang nag iisang lalaki sa mundo..."
Napalingon ako sa pinsan ko at tinanguan ko nalang siya para tumahimik na siya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at maya maya ay nangangalay na ang mga braso ko kaya naisipan kong ipadala muna kay Vernon tong nga supot.
"Bes, nangangalay na ako. Pwede bang ikaw muna ang magdala nito?"
Agad naman siyang tumingin sa malayo na para bang walang naririnig kaya napasimangot ako.
"Bes naman eh..."
Inakbayan niya si Summer at hindi parin niya ako pinapansin kaya naiinis na talaga ako.
"My loves, may narinig ka bang nagsasalita?" Tanong ni Vernon kay Summer na para bang hindi niya ako nakikita.
"Oo si Rhai——"
Agad na tinakpan ni Vernon ang bibig ni Summer nang sasabihin na sana niya ang pangalan ko.
Napairap ako at kinuha ko yung isang repolyo na nasa loob ng supot na dala dala ko. Kung hindi talaga niya ako naririnig, pwes baka naman marinig na niya ako kapag sasapakin ko na siya nito! Tingnan nalang natin!
Buong lakas ko yung inihagis sa ulo niya ang repolyo ng kinuha ko kaya naman sapul na sapul ito. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa sakit at lumingon siya sa akin habang tinitingnan ako ng masama.
"Sa lahat ng pwede mong ibato sa ulo ko bakit repolyo pa? Ang sakit eh!" Sigaw niya.
"Eh anong gusto mo? Kalabasa? Edi mas masakit yun!"
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...