[Rhaine's POV]
Napangiti ako nang naisip ko yun. Yung taong palaging nakaitim na kinatatakutan ko nung bata pa ako, guni guni ko lang pala siya. Yung nakakatakot na taong yun ang dahilan kung bakit hindi ko naenjoy ang pagiging bata ko, hanggang sa dumating si Vernon sa buhay ko.
Simula nung dumating siya, hindi na nagpakita sa akin yung nakakatakot na taong yun. May kausap na ako palagi, may kalaro na ako palagi, at may kaibigan na ako.
Siguro ganun talaga ako, kapag pakiramdam ko ay nag iisa ako o wala akong pwedeng makausap o makasama, nag iimbento ng ibang tao ang utak ko. Napapansin ko kasi, kung kailan walang wala ako ay saka lang din sila nagpapakita.
Nung bata pa ako, wala akong niisang kalaro. Palagi kasing wala si ate pati narin sina mama at papa. Hindi ko alam kung saan sila pumupunta at bakit nila ako iniiwanan sa bahay ng nag iisa.
Naaalala ko pa nga, nagsasalita ako ng mag isa nun. Minsan kinakausap ko pa yung mga laruan ko para naman kahit papaano ay hindi ko maramdaman na nag iisa lang ako. May mga kalaro din akong ibang bata, pero sa tingin ko mga ilusyon ko lang din sila.
Nung umalis si VAL papuntang L.A, bumalik na naman ang sakit ko sa utak. Inimbento ko si Hans, at hinayaan ko siyang manipulahin at sirain ang buhay ko nang hindi ko namamalayan.
Ngayon alam ko na kung bakit ako binansagang weirdo at baliw ng mga kasama ko sa university, dahil pala nagsasalita lang ako mag isa. Ngayon ko lang narealize yun, akala ko kasi talaga dati totoo talaga si Hans na siyang naging classmate at kaibigan ko.
Nakapatay ako ng mga tao dahil sa kanya, at pinagsisisihan ko na yun. Pero wala na akong magagawa, nangyari na yun eh. Ang kailangan ko nalang gawin ay itama ang mga pagkakamali ko at isipin kung paano ko babaguhin ang buhay ko. Yun lang.
Habang iniisip ko yun ay napansin ko na may nakatayo na tao sa harapan ko. Alam kong si Hans ito. Hindi ako pwedeng magkamali..
Imbes na matakot ako ay wala na akong naramdaman. Siguro dahil ay tinanggap ko na sa utak ko na hindi talaga siya totoo at guni guni ko lang siya.
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko siyang nakangisi habang may dala dala paring kutsilyo. Ganyan talaga siya sa tuwing nakikita ko siya kaya medyo nasasanay narin ako. Wala naman kasi siyang ginagawang masama sa akin, pinagbabantaan lang niya ako pero hindi naman talaga niya itinutuloy ang mga sinasabi niya.
"Kamusta, Rhaine?"
Nginitian ko lang naman siya at nginitian din niya ako.
"Okay lang..."
Sagot ko habang nakangiti parin. Naalala ko yung sinabi nung doktor sa akin kahapon, na kailangan ko siyang itaboy at paalisin. Kailangan ko siyang kausapin na umalis na sa isip ko. Sabi kasi niya, gagana daw yun.
"Hans... may sasabihin lang ako sayo...."
Kumunot ang noo niya at tinanguan lang naman niya ako.
"Sige, ano ba yun?"
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Hans, naging magkaibigan tayo ng matagal. Marami kang naitulong sa akin, pero marami ka ring nagawang nakasira sa akin. Pero okay lang yun. Wala na naman akong magagawa para baguhin yun atsaka, naging bahagi ka parin naman ng naman ng buhay ko....."
Tumango tango lang naman siya at biglang umamo ang mukha niya.
"Gusto ko lang sabihin na.... salamat sa lahat. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan mo sa akin. Salamat sa pagdating mo nung nag iisa pa ako at wala akong ibang pwedeng makasama. Salamat din dun sa pagsama sa akin sa university kahit na ako lang naman ang nakakakita at nakakakilala sayo. Salamat na din dun sa ginawa mong pagtulong sa akin para hindi ako ma- zero dun sa exam. Pero Hans, pwede ka nang umalis sa buhay ko. Hindi na kita kailangan. Wag ka naring magpapakita sa akin ulit. Wag kang mag aalala, hindi ko naman kakalimutan na nakilala kita at naging magkaibigan tayo sa loob ng mahabang panahon...."
Sabi ko sa kanya at natulala siya. Nag isip isip siya saglit saka niya ako tiningnan at tinanguan niya ako habang nakangiti.
"Okay, Rhaine. Ayoko narin na pinapahirapan ka eh. Ipikit mo nalang ang mga mata mo. At sa pagbuka mo ulit ng mga mata mo, hindi mo na ako makikita pa kahit kailan...."
Sabi niya habang nakangiti. Nginitian ko lang din naman siya at ipinikit ko ang mga mata ko katulad ng sinabi niya.
"Goodbye, Rhaine Clarkson. Thank you na pinayagan mo akong pasukin ang buhay mo...."
Nginitian ko lang siya bilang sagot habang nakapikit parin ako. Maya maya ay napansin kong natahimik ang paligid kaya binuksan ko na ang mga mata ko.
Hindi ko na siya nakita kaya naisip ko na gumana ang ginawa ko. Tiningnan ko ang paligid ng kwartong to at hindi ko na talaga siya makita kaya napahinga ako ng maluwag.
Wala na siya. Sa wakas.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...