✿ CHAPTER 89 ✿

17 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

             

"VAL, saan mo gustong pumunta ngayon para sa monthsary natin?"

Nagising ako dahil dun. Naramdaman kong hinalikan ni VAL ang pisngi ko kaya palihim akong napangiti. Ang gandang bungad naman nun sa umaga.

Binuksan ko ang mga mata ko at napatingin ako sa kanya na nakangiti lang. Bumangon na ako sa kinahihigaan ko at tinupi ko na ang kumot na ginamit namin. Magkatabi kasi kaming natulog kagabi.

Nang tapos ko nang ayusin ang kinahihigaan namin ay lumabas na kami at pumunta na kami sa sala ng dorm ko. Paglabas namin ay nakita ko si Chrystel na nakangiti habang nakaharap sa cellphone niya. Ano naman kayang kagagahan yang ginagawa niya?

                

"Chrystel, anong meron? Bakit ganyan ang mukha mo?"

Napalingon siya sa akin at nang napansin niyang kasama ko si Vernon ay lumaki ang mga mata niya. Bakit ganyan siya kung makatingin kay VAL?

                 

"Bakit nandito yang VAL mo! Bawal dito ang lalaki kapag wala pang alas otso sa umaga! Paano yan nakapasok dito Rhaine ha?"

Natawa ako at napalingon ako kay VAL na nakangiti lang.

                  

"Pumunta siya dito kagabi, mga alas nuwebe. Dito siya natulog. Wag kang mag alala, wala namang nakakita sa kanya kagabi kasi umakyat siya sa bintana..."

Sabi ko at tumango tango lang si Chrystel. Nginitian niya ng bahagya si VAL at ibinalik niya ang atensyon niya sa cellphone niya na kanina pa niya kaharap.

                   

"Bakit nga pala parang ang saya mo naman ngayon? Anong meron?"

Umupo kaming dalawa ni VAL sa couch na nasa harap ni Chrystel kaya nang napansin niya kami ay binaba na niya ang cellphone niya.
                   

"Inaaya kasi ako ni TOP ng date...."

Sabi niya habang kinikilig parin. Tumango tango lang naman ako. Kaya pala. Mabuti narin yun para magkaboyfriend narin siya.

                    

"Kayo? Anong ganap niyo ngayon at bakit parang ang liwanag ng mga mukha ninyo?"

Tanong niya habang nakatingin sa amin kaya napangiti ako.

                     

"10th monthsary namin ngayon..."

Tumango tango lang naman siya at napangiti. Maya maya ay may hinalungkat na naman siya sa cellphone niya at bigla bigla nalang siyang sumimangot kaya nagtaka ako.

                      

"Oh? Bakit parang nawala yung saya mo? Anong nakita mo sa cellphone?"

Napatingin ulit siya sa akin at napansin ko na parang nag aalala siya kaya nagtaka kami ni VAL. May nangyari ba?

                       

"Ano kasi..... Nagtext si Aiken....."

Tumango lang naman kami ni VAL.

                       

"Oh tapos?" Tanong ko.

Napatingin ulit siya sa amin na bakas parin ang pag aalala sa mukha.

                       

"Hanggang ngayon hindi parin niya nahahanap si Altheah...."

Napailing iling kaming lahat dahil sa narinig namin. Namatay kasi ang parents ni Altheah at siya ang napagbintangan na gumawa nun. Kawawa talaga siya.

Napatingin ako kay VAL at nakita ko siyang nag aalala narin. Naging close na kasi kaming anim ngayon. Close na kami nina TOP, Chrystel, Aiken, at ni Altheah. Naging magtropa kaming anim pero agad namang nawala si Altheah kaya syempre kulang kami ngayon.

Nag aalala rin ako para kay Aiken, sobra kasi siyang nalungkot pagkatapos nung nawala si Altheah. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta. Pero sana okay lang siya ngayon.

                  

"Sa tingin ko, nagpapalamig muna si Altheah ngayon. Dapat sigurong hayaan muna natin siya. Sigurado naman akong babalik din yun..."

Napalingon ulit ako kay VAL at tinanguan ko siya. Tama siya. Baka nga yun ang ginawa ni Altheah.

Maya maya ay narinig kong kumakalabog yung pintuan namin kaya kumunot ang noo namin. Anong nangyayari?

Tumayo si Chrystel at binuksan namin ito. Nang nakita ko na yung may ari pala ng dorm nato ang kumakatok ay agad kong pinapasok si VAL sa kwarto at isinarado ko yun.

                  

"May lalaki bang nakapasok dito? Ang sabi kasi nung mga tao sa baba may umakyat daw na lalaki dito sa second floor!"

Lumapit ako kay Chrystel at sabay kaming umiling iling. Palihim akong napalingon kay VAL na nakasilip lang dun sa kwarto at inirapan ko siya. Yang lalaking yan naman talaga. Hindi nag iingat.

_______________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon