✿ CHAPTER 30 ✿

30 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

                  

"Couz hindi ko siya gusto. Parang kapatid na ang turing sa kanya kaya imposibleng magkagusto ako sa kanya....."

Napangisi lang naman siya at napailing iling.

Hindi ko naman talaga siya gusto. Hindi ako magkakagusto sa bestfriend ko na manloloko at babaero.

                  

"Aminin mo na kasi. Akala mo ba hindi ko yun napapansin? Rhaine, hindi ako tanga. Alam ko din na sinadya mong sumama sa date namin a day ago para guluhin kami...."

Anong——

Bakit ba ganyan ang iniisip niya? Anong ginugulo ko sila? Hindi ko naman ginawa yun ah!

                   

"Couz hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Hindi ko sinadyang sumama sa date niyo ni Vernon kasi inutusan lang ako ng mommy mo na gawin yun....."

Napairap na naman siya na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Hindi ko nalang din siya pinansin at umakyat nalang ako sa hagdan patungo sa kwarto ko. Kung ganyan talaga ang iniisip niya, well hindi ko na mababago yun.

Ayoko ding mas lumala pa tong alitan namin dahil lang sa isang lalaki kaya hindi ko nalang din siya papatulan.

Pumasok na ako sa kwarto ko at dumapa ako sa kama ko. Matutulog na sana ako pero naalala ko yung ginawa ni Vernon sa akin kanina kaya nawala ang antok ko. Bakit ko pa ba naalala yun? Gusto ko na sanang matulog eh!

Sinubukan kong matulog ulit pero ayaw na talaga kaya umupo nalang ako sa kama ko. Bakit nga ba kasi niya ginawa yun? Sa buong buhay ko, walang lalaking gumawa sa akin ng ganun.

Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at nakita kong nakapatay ang ilaw sa kwarto ni Vernon kaya naisip ko na baka wala siya dun.

Hihiga na sana ulit ako pero biglang umilaw ang kwarto niya kaya napatigil ako. Tumingin ulit ako dun at nakita ko si Vernon na nakadungaw habang nakatingin sa akin.

Nakangiti pa siya kaya nginitian ko nalang din siya pabalik. Lumapit ako sa bintana ko para makausap siya. Baka kasi may kailangan siya.

                     

"VAL, may kailangan ka?"

Tanong ko pero bigla siyang umiwas ng tingin habang nakangiti kaya nagtaka ako.

Bakit ganyan ang reaksyon niya? Eh tinatanong ko lang naman siya kung may kailangan ba siya.

                    

"Wala naman VAL. Nakadungaw lang talaga ako dito kasi hinihintay ko ang ulan. Sabi kasi sa Weather Forecast uulan daw ngayong gabi..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Naghihintay siya sa ulan? Bakit?

                    

"Bakit mo hinihintay ang ulan?"

Nginitian niya ulit ako at maya maya ay bigla nalang kumulog kaya nagulat ako. Takot kasi ako sa kulog at kidlat.

Natawa lang naman siya at inakyat niya ang bintana ng kwarto niya. Tumalon siya sa bubong ng bahay namin kagaya ng palagi niyang ginagawa at pumasok siya sa kwarto ko.

Nagtaka ako dahil sa ginawa niya pero hindi ko nalang din siya pinakelaman dahil nasanay na ako sa tuwing ginagawa niya to.

                   

"Hindi ka dapat natatakot sa kulog at kidlat. Hindi naman yan nang aano eh...."

Inakbayan niya ako habang nakadungaw kami sa bintana.

                  

"Anong hindi nang aano? Eh ang dami na kayang namatay dahil sa kulog at kidlat...."

Sabi ko pero hindi niya yun napansin nang biglang umulan. Napatingin kaming dalawa sa labas at napangiti si Vernon habang nanonood sa pagbagsak ng ulan.

Napatingin ako sa kanya at nagtaka ako. Anong nginiti ngiti niya?

                 

"Bakit ka nakangiti?"

Napalingon siya sa akin at nginitian niya din ako.

                 

"Kasi umuulan. Gustong gusto ko kasi ang ulan..."

Tumango tango lang naman ako. Yun pala.

                 

"Pero alam mo ba kung anong ulan ang pinakagusto ko?"

Lumingon ulit ako sa kanya at umiling iling ako.

                 

"Ano?"

Agad niya akong iniwasan ng tingin at tumingin ulit siya sa ulan.

                 

"Saka ko na sasabihin sayo. Rhaine..."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon