[Rhaine's POV]
Dali dali kaming lumabas sa office ni prof at agad kaming pumunta sa CR. Mabuti nalang at wala talagang katao tao sa paligid kaya walang ni- isang nakakita sa amin.
Pagpasok namin sa CR ay agad kong hinugasan ang mukha ko na may dugo. Napatingin ako sa uniform ko at nagulat ako nang nakita ko itong puno narin pala ng dugo. Anong gagawin ko? Kung uuwi ako ng ganito mahuhuli ako ni mama at papa!
"Teka lang... dito ka lang....."
Sabi ni Hans at lumabas siya ng CR. Hinintay ko muna siya kahit na hindi ko alam kung saan ba siya pupunta.
Habang naghihintay ako sa kanya ay nanginginig parin ang mga kamay ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko yun. Hindi ako makapaniwalang nakapatay ako ng tao.
Napapikit ako nang naisip ko yun. Bakit ko ginawa yun? Kung malalaman ni mama at papa ang tungkol dito lagot ako!
"Eto na. Magbihis ka dun sa pinakahuling cubicle at ilagay mo sa inodoro yang suot mong uniform...."
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Hans na may dala dala nang uniform kaya kumunot ang noo ko.
"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko.
"Hindi na importante kung saan ko to nakuha. Ang mahalaga ngayon ay dapat nating dalian kasi malapit nang gumabi. Baka hinahanap ka na ngayon ng mama at papa mo...."
Tinanguan ko nalang din siya at pumasok na ako dun sa isang cubicle. Dito ako nagbihis at pagkatapos ay ginawa ko nga ang sinabi ni Hans. Inilagay ko sa inidoro ang uniform ko na puno ng dugo saka ako lumabas.
"Tara na...."
Sabi niya kaya agad kaming lumabas ng CR habang tumatakbo. Lumabas narin kami sa campus at dali dali siyang pumara ng taxi.
Medyo natagalan kami dahil wala nang dumadaan na taxi kaya kinakabahan na naman ako. Gusto ko nang umuwi! Baka may dumaan pang pulis dito! Ayokong makulong!
Napatingin sa akin si Hans at napansin niya siguro na kinakabahan parin talaga ako kaya agad niyang pinagaan ang loob ko. Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang balikat ko sabay nginitian ako.
"Wag mo nang isipin yung nangyari kanina. Wala namang makakahuli sa atin nun eh. Atsaka, hindi ka ba masaya? Perfect ka na sa exam natin kanina....."
Naalala ko yun kaya napangiti ako. Mataas na ang mga grades ko at hindi na ako pagagalitan ni mama at papa.
"Yieee, nakangiti na siya..."
Napatingin ako sa kanya at nginitian ko siya. Maya maya ay may dumaan nang taxi sa harapan namin kaya agad ko itong pinara at sumakay na kami.
Habang nasa loob pa kami ng taxi ay hindi ko parin maitago ang kaba ko. Nanginginig parin ang mga daliri ko sa tuwing naaalala ko kung paano ko pinagsasaksak ang professor ko.
"Maam, okay lang po ba kayo? Namumutla po kayo atsaka may dugo rin po sa braso niyo...."
Napatingin ako sa braso ko at nakita kong may dugo nga dito. Agad ko itong pinunasan ng nginitian ko lang yung driver.
"Okay lang po ako....."
Nginitian lang naman ako nung driver at napatingin ako kay Hans na nakangiti rin sa akin.
Maya maya ay nandito na kami sa bahay namin kaya bumaba na kami. Pumasok na kami sa mga bahay namin at napansin ko na madilim na kaya kinabahan na naman ako. Papagalitan ako ni mama at papa, sigurado ako.
Pero wala naman akong choice kundi ang umuwi kaya pumasok nalang din ako sa bahay namin. Pagpasok ko palang ay nakita ko na si mama at papa na nakaabang sa akin.
"Saan ka na naman ba nanggaling? Bakit ang tagal mong umuwi?"
Napatingin ako kay mama at papa saka ko sila nginitian ng bahagya.
"May ginawa lang po ako para sa grades ko...."
Parang hindi naniniwala si mama at papa sa sinabi pero tinanguan nalang din nila ako kaya napahinga ako ng maluwag. Dumeretso nalang ako sa hagdan para makapunta ako sa kwarto ko.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...