✿ CHAPTER 34 ✿

22 3 2
                                    

[Rhaine's POV]

"Ang ganda talaga ng pelikula nato no? Ang ganda ng pagkakafilm tapos ang ganda din ng story...."

Tinanguan ko nalang din si Hans. Ang daldal daldal niya, kanina pa siya nagsasalita pero wala akong ibang masagot kundi ang tumango. Medyo naiilang pa kasi ako sa kanya ngayon kaya ganun talaga.

Nandito nag pala kami ngayon sa sala, nanonood na ng Hunger Games sa TV. Pinilit kasi niya ako na panoorin daw namin to kaya eto.

"Gaano katagal na pala kayong magkaibigan ng pinsan ko?"

Lumingon ako sa kanya para sagutin ang tanong niya.

"Mula pagkabata namin..."

Tipid na sagot ko sa kanya at ibinalik ko ang atensyon ko sa pinapanood namin. Ganun nalang din naman ang ginawa niya.

Maya maya ay napatingin ulit siya sa akin kaya nagtaka ako. Anong tiningin tingin niya?

"By the way Rhaine, can we be friends? Gusto kong maging close din tayo katulad ninyo ng pinsan ko..."

Tinanguan ko lang din naman siya bilang sagot at nginitian niya ako. Ang boring ko naman kausap, wala akong ibang masagot kundi ang tumango.

"Bakit nga pala ang tahimik mo? Kanina ko pa napapansin na hindi ka gaanong nagsasalita...."

Napalingon ako sa kanya at nginitian ko lang naman siya.

"Siguro dahil hindi pa tayo close. Pero wag kang mag alala, kapag masasanay na ako na kasama ka magiging madaldal na rin ako...."

Natawa siya sa sinabi ko at inabot niya yung popcorn na hinanda ko sa mesa. Yun nalang din ang ginawa ko at kumain ako ng popcorn.

"Anong flavor nitong popcorn niyo? Cheese?"

Tinanguan ko siya ulit habang ngumunguya parin ako.

"Oo. Favorite ko kasi to...."

Nanlaki ang mga mata niya habang nakangiti kaya nagtaka ako. Bakit ganyan ang reaction niya?

"Talaga? Eh favorite ko din to eh!"

Talaga?

Nginitian ko nalang din siya at ibinalik na namin ang atensyon namin sa pinapanood namin na pelikula.

Maya maya ay dumating na si mama galing sa trabaho kaya agad naming inayos ang pagkakaupo namin.

Agad ko siyang sinalubong at dinala ko ang mga dala niyang mga pinamalengke niya. Mabuti naman at naisipan na niyang mamalengke ngayon, ayoko kayang ako na naman ang pupunta sa palengke para mamili ng mga pangangailangan namin.

"Rhaine anak, bakit mo naisipan na manood ng movie? Matagal tagal narin simula nung ginamit mo yung mga movie tapes collection mo...."

Sabi ni mama at inihapag na namin sa lamesa ang mga dala dala niya.

Nginitian ko lang din naman siya.

"May bago po kasi akong kaibigan. Yung pinsan po ni Vernon, si Hans. Bumisita siya dito kasi gusto daw niyang panoorin yung Hunger Games. Ayun siya oh, nakaupo sa—— Nasan na yun?"

Lumingon ako para tingnan sana si Hansel pero wala na siya sa kinauupuan niya kaya napasimangot ako. Siguro umuwi na siya.

"Where is he? Gusto ko siyang makilala..."

Tiningnan ko ulit si mama at umiling iling ako.

"Umuwi na siya. Ipapakilala ko nalang siya sayo next time..."

Tumango tango lang din naman siya at maya maya ay nagtaka ako nang bigla siyang ngumiti. Bakit siya ngumiti?

"Rhaine anak, gusto mo ba talagang maging isang medtech sa halip na maging isang fashion designer?"

Tinanguan ko lang naman siya bilang sagot. Yun naman kasi talaga ang gusto ko.

"Opo, sana. Pero kailangan ko po talagang maging fashion designer diba?"

Nginitian niya ako at tinapik pa niya ang ulo ko.

"No, Rhaine. Pinag usapan na namin ng papa mo na hayaan ka nalang namin na sundin kung ano ang gusto mo para sa future mo. Kaya pinapayagan ka narin namin na mag aral ng highschool at college sa bayan at ikaw na ang bahala sa kung anong kurso ang kukunin mo...."

Napangiti ako dahil sa sinabi ni mama at agad ko siyang niyakap.

"Thank you po ma!"

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon