✿ EPILOGUE ✿

94 3 6
                                    

[Rhaine's POV]

Inihapag ko ang dala dala kong bulaklak sa puntod ni Vernon Lee, o ang lalaking tinatawag kong VAL. Ang lalaking nagparamdam sa akin ng walang kapantay na pagmamahal at tumanggap sa mga kakulangan at pagkakamali ko.

Umupo ako sa gilid nito at pinagmasdan ko ang pangalan na nakaukit sa puntod niya saka ko sinindihan ang kandilang nakapatong rito.

                

"VAL. Miss na miss na kita..."

Mahina kong sabi habang pinipigilan ko ang mga luha ko. Hanggang ngayon, masakit parin kasi. Sobrang sakit na yung taong minahal mo ng sobra ay mawawala nalang ng basta basta.

"VAL, diba alam mo dati na ayaw na ayaw ko sa ulan? Ngayon natutunan ko na yung mahalin VAL. Kasi kapag wala ang ulan, hindi rin mamumulaklak yung mga itinanim natin sa garden na binuo natin."

Sabi ko at tiningnan ko ang mga bulaklak na dinala ko para sa kanya. Nanggaling ang mga bulaklak na yan sa garden namin, kung saan doon namin nabuo ang friendship namin, doon niya ako niligawan, at doon din naging kami.

Maya maya ay hindi ko sinasadyang tumulo ang mga luha ko pero agad ko naman itong pinahiran. Kailangan kong magpakatatag. Kahit na hindi ko na siya nakikita, alam ko namang nakikita at pinapanood lang niya ako.


It's been two years since nung nakalabas ako sa mental hospital. And it's been four years since nung namatay si VAL. Successfully, nagamot ako ng mga doktor kahit na malapit na talaga akong maging baliw. At kahit na wala na si VAL na siya sanang nagpapalakas ng loob ko.

Maiiyak na sana ako pero naramdaman kong may mga yumakap sa akin mula sa likod. Alam kong si Rayver at sina Chrystel, TOP, Aiken, at Altheah yun. Niyakap ko rin sila ng mahigpit at umiyak ako sa yakap nila.

                 

"Mommy, stop crying..." Sabi ng anak ko.

"Rhaine, wag ka nang malungkot okay? Nandito naman kami eh. Atsaka, I'm sure naman na masaya na si Vernon ngayon habang pinapanood kayo ng anak mo." Sabi ni Altheah kaya napangiti ako.

Tinanguan ko sila at kumalas na ako sa yakap namin. Nginitian ko siya at inayos ko ang buhok ng anak ko kasi nagulo ito.

                 

"Alam mo Rayver anak, kamukhang kamukha mo ang daddy mo..."

Nakangiti kong sabi sa kanya kaya napangiti narin siya. Tumayo na kami at nagpaalam na kami kay VAL habang nakangiti.

Kahit na hindi namin natupad ni VAL ang mga pangarap namin ng magkasama, tutuparin ko ang lahat ng yun ng mag isa.

Kahit na hindi kami nagtagal ayon sa plano namin, hindi ko parin kakalimutan yun mga masasaya at masasakit na alala namin dati.

Kung hindi naging kami sa loob ng mahabang panahon sa buhay nato, siguro naman sa susunod na buhay namin magiging kami hanggang sa pagtanda namin.

Kung hindi man namin napagpatuloy ang pagmamahalan namin ngayon, siguro naman sa susunod na panahon ay mabubuhay at magkikita ulit kami para ipagpatuloy yun.

Kahit na wala na si Vernon Lee na siyang asawa ko, siya parin ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko. Siya ang naging tagapagligtas ko, siya ang naging tagapagtanggol ko, at siya na ngayon ang anghel ko.

Pagkatapos ng ulan at unos nato VAL, magkita ulit tayo. Hintayin mo ako diyan sa mga ulap. Pero sa ngayon, bisitahin mo nalang ako palagi sa hardin natin.

Sa hardin ng pagmamahalan natin.

____________________________

THE END

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon