[Rhaine's POV]
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis ako. Humiga ako sa kama at tumingin ako sa kisame ng bahay namin.
Matutulog na sana ako pero naalala ko yung nangyari kanina kaya nawala bigla ang antok ko. Napangiti ako habang iniisip yun at agad akong nagtakip ng kumot.
Maya maya ay napatingin ako sa nakasaradong bintana ko at naisip ko si VAL. Naisip ko na baka nandun siya sa kwarto niya kaya dali dali akong tumayo sa kinahihigaan ko.
Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at napangiti ako nang nakita kong umuulan na naman pala. Napatingin ako sa langit at pinagmasdan ko ang pagpatak ng ulan. Dati, ayokong ayoko sa ulan. Pero dahil kay VAL, natutunan ko kung paano mahalin ang ulan.
Maya maya ay nagtaka ako kung bakit umuulan eh tag init pa naman. Pero hindi ko nalang rin yun pinansin at pinagmasdan ko nalang ito.
Minsan talaga, bigla bigla nalang umuulan kahit na tag init pa naman. At parang pag ibig lang, dumadating lang ito sa buhay mo nang hindi mo inaasahan.
Napangiti ako nang naisip yun. Tahimik lang akong nagmamasid sa ulan pero maya maya ay nandun din pala si Vernon sa kabilang bintana kaya nagulat ako.
"Bakit hindi mo sinabing nandyan ka pala, VAL?"
Tanong ko pero nginitian lang niya ako.
"Eh hindi ka rin kasi nagtatanong kung nandito ba ako...."
Napairap ako dahil sa sinabi niya pero natawa lang siya.
"Ano nga palang ginagawa mo diyan?"
Tanong ko pero nginitian lang niya ako ulit.
"Pinagmamasdan ko ang pinakamagandang ulan na nakita ko. Ikaw yun Rhaine...."
Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya pero napansin niya parin ito. Tumingin nalang ulit kami sa patak ng ulan at inabot ko ang kamay ko. Habang unti unting nababasa ang kamay ko sa ulan ay nakatitig lang si Vernon sa akin pero pinabayaan ko lang siya.
Maya maya ay napansin ko na may pumasok sa kwarto ni VAL kaya nagtaka ako. Agad na isinarado ni VAL ang bintana sa kwarto niya kaya mas lalo pa akong nagtaka. Anong meron?
Hindi ko nalang yun pinansin at pinunasan ko na ang kamay ko na nabasa sa ulan. Habang nagpupunas ako ay napansin ko na parang sumisigaw ang mommy niya kaya nagtaka ulit ako. Pinakinggan ko ito ng maigi para malaman ko kung bakit siya sumisigaw.
"Diba sabi ko sayo layuan mo na yung kriminal na yun?! Paano kung papatayin ka niya ha?!"
Napayuko ako nang naisip ko yun. Pinapagalitan pala siya ng mommy niya. At dahil yun sa akin.
Pinakinggan ko pa yung ibang sinabi niya kaya sobra rin akong nasaktan. Dati, sobrang ganda ng pagtrato sa akin ng nga tao. Pero ngayon, halimaw na ako sa paningin nila.
Hindi ko namamalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Pinahiran ko ito at isasarado ko na sana ang bintana pero biglang natahimik sa kwarto ni VAL kaya nagtaka ako.
Maya maya ay binuksan niya ulit ang kwarto niya habang nakangiti na para bang walang nangyari. Nginitian niya ako pero nawala rin yun kaagad nang napansin niyang umiiyak na pala ako.
"VAL, okay ka lang?"
Hindi ko siya sinagot at nginitian ko lang siya ng bahagya para maisip niya na okay lang ako. Isinarado ko na ang bintana ng kwarto ko pero mula dito sa loob ay naririnig ko parin siyang tinatawag ako.
Pinigilan kong lumabas ang mga luha ko at napatingin ako sa paligid ng kwarto ko. Hindi ko na kaya dito. Ayoko nang maging halimaw at demonyo. Gusto ko nang baguhin ang buhay ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsimula na akong mag empake. Bukas na bukas, aalis na ako sa barrio nato. Pupunta na ako sa Maynila at iiwanan ko dito ang lahat ng sakit na naranasan ko.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Novela JuvenilLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...