[Rhaine's POV]
"VAL buksan mo to!!!"
Narinig kong sumisigaw na si Vernon mula sa loob ng gate kaya pinilit ko ang mga binti kong tumayo. Tumingin ako sa paligid kung may tao pa ba pero nang napansin kong wala na ay pinagbuksan ko na siya.
Nang nabuksan ko na ang pintuan ay nagulat siya nang nakita niyang marami na akong sugat sa katawan ko. Hahakbang sana ako para makapasok ako sa bahay namin pero natumba ako kaya agad naman akong sinalo ni Vernon. Kinarga niya ako papasok ng bahay at nilock na naman ni mama at papa ang gate.
Pinaupo niya ako sa sofa at pinainom ako ni mama ng tubig. Ginamot din niya ang mga sugat ko habang hawak hawak lang ni Vernon ang kamay ko.
Napatingin ako kay mama at napansin ko na umiiyak pala siya habang ginagamot ang mga sugat ko. Ayokong umiiyak si mama.
"Ma.... Wag po kayong umiyak...."
Pilit akong nginitian ni mama at tinapos na niya ang paggamot sa mga sugat ko. Dali dali siyang pumunta sa kusina at sinundan naman siya ni papa. Sigurado akong doon iiyak si mama. Ganun naman talaga siya kapag umiiyak, hindi niya yun pinapakita sa akin.
"VAL, bakit mo ginawa yun?!"
Nabaling ang tingin ko kay Vernon na umiiyak narin. Bakit ba sila umiiyak? Ayokong nakikita silang umiiyak. Nasasaktan ako.
"Ginawa ko yun para sa inyo. Ayoko kasing kayo ang saktan nila...."
Sagot ko sa kanya habang pinipigilan ko ang mga luha ko. Agad naman akong niyakap ni VAL at umiyak siya sa braso ko ganun narin ako.
"Wag mo na yung gawin ulit VAL. Hindi mo alam kung gaano ako nag alala para sayo kanina..."
Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Maya maya ay dumating na si mama at papa mula sa kusina kaya binitiwan na namin ang isa't isa.
"Rhaine anak. May desisyon na kami ng papa mo para sayo...."
Kumunot ang noo ko at napatingin ako kay VAL na nagtataka narin. Tumingin ulit ako kina mama at papa at nakita ko sila na nakatingin sa isa't isa bago nila ako tiningnan ulit.
"Ayaw namin na palagi ka nalang magtatago anak. Ayaw din namin na palagi ka nalang umiiyak at nasasaktan. Kaya naisipan namin na sa ngayon, dapat sigurong magpakalayo layo ka muna mula dito..."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni mama. Lalayo ako sa kanila? Bakit ko gagawin yun? Ayokong mahiwalay sa kanila! Okay lang naman sa akin na tratuhin ako ng ganun ng mga tao eh!
"Ma ayoko po. Dito lang po ako. Ayos lang naman sa akin kahit na ganun ako tingnan at tratuhin ng mga tao dito eh. Ayoko pong mahiwalay sa inyo....."
Sabi ko kay mama at napatingin ako kay Vernon na nakatingin lang sa akin.
"Pumayag ka na VAL. Tama ang mama at papa mo. Para din naman sayo yun eh. Dumalaw ka nalang dito paminsan minsan. Dadalawin din kita dun palagi VAL kaya hindi ka mag iisa...."
Nakangiting sabi niya pero alam ko naman na ang totoo ay ayaw niya akong umalis. Nakikita ko sa mga mata niya na kabaligtaran ang gusto niyang sabihin.
"Inayos na namin ng papa mo ang lahat anak. Pina- enroll ka na namin sa magandang eskwelahan sa Maynila at may dorm ka na rin dun. Wala ka na ring dapat na ipag alala kasi may kasama ka naman sa dorm na yun anak. Nandun din kasi ang anak ng kaibigan ko na si Chrystel......"
Napatingin ako kay mama at nakita ko siyang pinipilit ang sarili na ngumiti. Oo nga, muntik ko nang makalimutan. Paano ako makakapag aral ng maayos kung araw araw akong pinagkakaguluhan ng mga tao? Paniguradong ibubully at kagagalitan ako ng lahat ng tao sa university kapag babalik pa ako dun.
Tumingin ulit ako kay VAL at nakita ko siyang nakangiti na para bang kinukumbinsi niya ako na pumayag. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay mama at tinanguan ko siya bilang pagsang ayon.
"Sige po. Dun po muna ako hanggang sa maging maayos na ang lahat....."
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...