✿ CHAPTER 77 ✿

19 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

                  

"Kailan mo balak umalis VAL?"

Tanong ni Vernon sa akin kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Nandito nga pala kami ngayon sa kwarto ko, nagpapahinga. Nakaupo lang kaming dalawa sa kama ko habang walang ginagawa.

                  

"Ewan ko. Siguro mga next week...."

Tumango tango lang naman siya at napansin ko na parang nalulungkot siya. Napasimangot ako nang napansin ko yun.

Ayoko kasi talaga sanang iwan siya dito pero wala naman akong ibang magagawa. Hindi pwedeng dito ulit ako mag aral kasi sigurado ako na mas lalo lang gugulo ang buhay ko.


Napatingin ako sa labas ng bintana at tiningnan ko ng maigi ang langit. Gusto ko sanang lumabas para mamasyal for the last time. Pero paano? Siguradong pagkakaguluhan lang ako ng mga tao.

                

"VAL, bakit ka nakatitig sa labas ng bintana? Gusto mo bang lumabas?"

Napalingom ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti. Tinanguan ko lang naman siya sabay ngiti.

                

"Gusto ko sana, kaso hindi pwede....."

Natawa siya sa sinabi ko kaya nagtaka ako. Bakit siya tumawa? Anong nakakatawa sa sinabi ko?

                

"Anong hindi pwede? Wag kang mag alala. Ako ang bahala sayo...."

Sabi niya at tumayo siya sa kinauupuan niya. May hinalungkat siya saglit sa cabinet ko kaya kumunot ang noo ko. Anong hinahanap niya dun?

Tiningnan ko ng maigi ang ginagawa kita at maya maya ay may nahanap siya na mask at sunglasses pati narin hoodie kaya mas lalo pa akong nagtaka. Aanhin niya yan?

Pinakita niya ang mga yun sa akin habang ang laki pa ng ngiti sa mukha pero tiningnan ko lang siya na parang nagtataka.

                  

"Bakit mo kinuha yan? Anong gagawin mo diyan?"

Umupo siya ulit sa kinauupuan niya kanina at isinuot niya ito sa akin. Kahit na nagtataka ako ay hinayaan ko nalang siyang gawin yun.

Sinuotan niya ng mask ang mukha ko at tinabunan niya ng sunglasses ang mata ko. Pinasuot rin niya ako ng hoodie at tinabunan niya ang buhok ko.

                   

"Ayan VAL. Sigurado akong hindi ka na makikilala ng mga tao niyan...."

Sabi niya habang nakangiti kaya natawa ako. Ito pala ang gagawin niya.

Sinuot din niya yung isang mask at sunglasses at nagsuot din siya ng hoodie kaya magkapareho na kami. Natawa ako dahil sa ayos niya pero hindi lang niya yun pinansin.

                    

"Oh, magkapareho na tayo! Hindi na tayo pagdududahan ng mga tao. Hindi nga lang tayo pwedeng pumasok sa mga mall o restaurant kasi paniguradong ipapatanggal nila to. Kaya sa park nalang tayo mamamasyal tapos maglalakad lakad din tayo sa daan...."

Sabi niya kaya tinanguan ko lang naman siya. Hindi ko to naisip ah. Sana pala nagganito nalang din ako ng ayos kahapon para hindi ako nakilala ng mga tao.

                     

"Eh VAL, paano kung pagdudahan tayo ng mga taong makakasalubong natin?"

Tinawanan lang niya ako at umiling iling siya.

                     

"Problema pa ba yun? Edi sabihin natin sa kanila na may sakit tayo sa balat. Magtiwala ka lang sa akin. Hindi tayo masasangkot sa gulo...."

May tiwala ako sa kanya kaya tumango nalang din ako at tumayo ako para tingnan ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako nang nakita ko ang sarili ko na halos hindi na talaga makikilala.

Magkasama kaming bumaba ni Vernon sa sala ng bahay namin at nagtaka ang mama at papa ko dahil sa mga ayos namin.

                   

"Bakit ganyan kayo manamit? Atsaka, saan kayo pupunta? Baka pagkaguluhan pa tong anak ko sa labas!"

Sabi ni papa pero nginitian lang naman siya ni Vernon.

                   

"Mamamasyal lang po kami. Wag po kayong mag alala, hindi naman po kami makikilala ng mga tao sa labas kaya imposible pong pagkakaguluhan si Rhaine dun. Ako po ang bahala sa kanya...."

Confident na confident pang sabi ni Vernon at tumango tango lang din naman si papa.

                   

"Oh sige. Basta umuwi kayo ng maaga ah? Wag kayong magpagabi. Wag na wag din kayong magtanggal ng tabon sa mukha kundi baka kung ano pang mangyari...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon