✿ CHAPTER 31 ✿

27 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Bes pakidala nga nito, madami pa kasi akong ibang dala...."

Tinanguan ko si Vernon at dinala ko nga ang maleta niya. Sabay kaming lumabas ng bahay nila at sumakay na kami sa kotse patungong airport.

Umupo ako sa back seat ng kotse at umupo naman siya sa tabi ko. Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko pero nagulat ako nang si Vernon ang gumawa nun.

Inabot niya ang seatbelt na nasa tabi ng kinauupuan ko kaya nagkalapit ang mga mukha namin. Agad naman akong tumingin sa malayo para hindi ko siya matingnan.

Pagkatapos niyang ikabit ang seatbelt ko ay inisip kong lalayuan na niya ako. Pero hindi.

Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin kaya nagtaka ako. Ibinalik ko ang paningin ko sa kanya at napansin kong nakatitig na pala siya sa akin.

Bakit siya nakatitig? May kailangan ba siya?

"May kailangan ka?" Tanong ko.

Agad niya akong iniwasan ng tingin at bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina.....

"Wala naman VAL...."

Tumango tango lang naman ako. Sinimulan na ni Manong Driver ang pagmamaneho kaya nalungkot ako. Aalis na ang bestfriend ko ngayon, at maiiwan na ako dito na mag isa.

"VAL, wag ka nang malungkot. Babalik din naman ako every year eh. Atsaka tatawagan naman kita palagi....."

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siya na parang nag aalala. Nahalata niya siguro na nalulungkot ako.

"Eh kakaiba parin kasi kapag nandito ka. Alam mo naman na wala akong ibang kaibigan, ikaw lang talaga...."

Tumango tango lang naman siya. Maya maya ay tinanggal niya ang seatbelt niya at mas lumapit pa siya sa kinauupuan ko saka niya ako inakbayan kaya nagtaka ako. Anong ginagawa niya?

"VAL, pwede parin naman tayong mag usap anytime basta hindi ako busy...."

Napalingon ako sa kanya habang nakasimangot parin kaya natawa siya.

"Eh pano kapag palagi kang busy? Diba nga mag aaral ka ng college dun?" Tanong ko.

"Edi magseset tayo ng schedule kung kailan mag tatawagan tayo. Okay ba yun?"

Tinanguan ko lang naman siya habang nakangiti.

"Okay..."

Nag isip isip pa siya habang nakatingin lang ako sa kanya.

"Sige. Tatawagan kita every saturday evening. Siguro naman hindi ako busy sa araw na yun. Okay ba yun sayo?"

Tinanguan ko na naman siya kaya napangiti ulit siya.

Maya maya ay naging seryoso ang mukha niya kaya nagtaka ako. Bakit naging ganyan ang mukha niya? May problema ba?

"VAL, kailan ka nga pala mag aaral? Parang wala kang plano ah...."

Tumango tango lang naman ako. Yun pala ang iniisip niya.

"Next year pa siguro. Wala pa kasing plano sina mama at papa...."

Sabi ko naman at tumango tango lang siya.

Maya maya ay huminto na ang kotse kaya naisip ko na nandito na kami sa airport. Napasimangot ulit ako nang naisip kong iiwanan na ako ng bestfriend ko.

Nilayuan na niya ako at lumabas na siya ng kotse kaya yun nalang din ang ginawa ko. Dinala ko ang ibang mga maleta niya palabas ng kotse at tinulungan naman niya ako.

Nang nasa labas na kami ay nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Niyakap ko narin siya pabalik para naman hindi niya maisip na naiilang na ako sa kanya.

Tumagal ang yakapan namin at maya maya ay binitawan na niya ako. Nang nakabitaw na siya sa akin ay napansin kong umiiyak na siya kaya naiyak na rin ako.

Bakit ba kasi siya umiyak? Naiyak narin tuloy ako.

"VAL, tatawagan nalang kita mamaya ah? Wag ka nang umiyak please...."

Ulol. Kung hindi lang sana siya umiyak hindi rin ako iiyak.

"Eh ikaw kasi eh! Umiyak ka kaya umiyak nalang rin ako!"

Natawa siya dahil sa sinabi ko at napatingin siya sa orasan niya. Tiningnan niya ulit ako saka siya ngumiti.

"Aalis na ako VAL ah. Mahuhuli na kasi ako sa flight ko. Ingatan mo ang sarili mo VAL. Bye!"

Sabi niya saka siya umalis na para bang nagmamadali. Nginitian ko nalang din siya habang pinapanood ko lang siyang tumatakbo palayo sa akin.

Nang tuluyan na siyang nakapasok sa airport ay napayuko ulit ako. Simula ngayon, mag isa nalang pala ako. Wala na sa tabi ko ang bestfriend ko.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon