[Rhaine's POV]
Dahan dahan kong ibinuka ang mga mata ko at tumingin ako sa paligid. Napansin kong nandito na pala ako sa kwarto ko dito sa bahay namin kaya napahinga ako ng maluwag.
Maya maya ay umupo ako sa kinahihigaan ko at naramdaman kong sumakit ng todo ang ulo ko kaya napapikit ako. Bakit sumasakit to? Wala naman akong ginawang kakaiba ah.
Napahawak ako sa ulo ko at may naalala ako na ikinagulat ko. Nalasing nga pala ako kahapon.
Napatabon ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan nang naalala ko yun. Bakit ko ginawa yun? Bakit ako uminom? Punyeta naman oh!
"Bes, gising ka na pala. Pinaghanda kita ng breakfast oh..."
Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Vernon na may dala dalang pagkain kaya napangiti ako. Akala ko galit siya sa akin, hindi pala.
"Inumin mo na rin tong gamot, makakatulong to sa sakit ng ulo mo..."
Sabi niya at inihapag niya ang mga dala dala niya sa maliit ma nesa na nasa gilid ng kama ko. Tinanguan ko lang naman siya sabay ngiti.
Umupo siya sa tabi ng hinihigaan ko at nginitian niya ako.
"Bes, okay lang ba ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo bukod sa ulo mo?"
Tanong niya kaya pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Wala naman akong nararamdaman bukod sa masakit ang ulo ko kaya umiling iling ako sa kanya.
"Wala naman bes. Bakit ba? May nangyari ba dun sa bahay nina Adrian kagabi?"
Agad siyang umiwas ng tingin at tinanguan niya ako. Talaga? Anong nangyari dun? Hindi ko kasi maalala. Siguro dahil nalasing ako. Punyeta yan.
"Bes, layuan mo na si Adrian. May masama siyang binabalak sayo..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Masamang binabalak? Ano yun?
"Pano mo nasabi yan?" Tanong ko.
"Bes, maniwala ka nalang sa akin. May girlfriend na siya kaya alam kong hindi ka niya seseryosohin. Please lang...."
Napayuko ako dahil sa narinig ko. Oo nga, muntik ko nang makalimutan na may girlfriend na pala siya.
Ang tanga tanga ko. Sana pala hindi nalang ako sumama sa bahay nila kahapon.
"Atsaka bes, nung pinuntahan kita kahapon muntik ka na niyang pagsamantalahan. Mabuti nalang at dumating ako ng mas maaga kundi baka kung ano nang nangyari sayo..."
Ano?!
Nagulat ako dahil sa narinig ko. Napatingin ako sa katawan ko dali dali kong hinila ang kumot ko para itabon dito.
Magagawa ni Adrian yun sa akin?
Tinabunan ko ng kumot ang buong katawan ko. Sana naman wala talagang nangyari sa akin kagabi. Wala kasi talaga akong maalala. Bakit nga ba kasi ako uminom? Punyeta ka talaga Rhaine!
"Bes, wag ka nang matakot. Nandito naman ako eh, hindi kita pababayaan..."
Napalingon ako sa kanya at niyakap ko siya. Sana pala nakinig nalang ako sa kanya kahapon, nung sinabi niyang hindi ako seseryosohin ni Adrian. Eh pano naman kasi, ang tigas tigas ng ulo ko kaya muntik na tuloy akong mapahamak.
Tinapik tapik niya ang braso ko para pagaanin ang loob ko. Inangat ko ang mukha ko para makita ang mukha niya at nginitian ko siya.
"Thank you bes ah. Ikaw talaga ang knight and shining armor ko..." Sabi ko.
Natawa lang naman siya at binitawan na niya ako.
"Syempre naman gagawin ko yun. Bespren mo nga ako diba? Atsaka parang kapatid narin ang tingin ko sayo kaya poprotektahan talaga kita...."
Sabi niya kaya napangiti ako. Kinuha niya yung pagkain na nakahapag sa mesa at susubuan na sana niya ako kaya natawa ako.
Hindi ko na kailangan na may magsubo sa akin, kaya kong gawin yun ng ako lang.
"Bes, ako nalang. Kaya ko namang kumain ng mag isa eh..."
Tinanguan lang naman niya ako at ibinigay na niya sa akin ang kutsara. Susubo na sana ako pero nagtaka ako nang napansin kong nakatitig lang sa akin si Vernon. Anong tinititig titig niya?
"Bes, kapag may maaalala ka na kakaibang nangyari kahapon sabihin mo agad ah. Medyo natagalan kasi akong nakapunta sa bahay ni Adrian kaya hindi ko alam kung ano pang ginawa nila sayo dun habang wala pa ako. Naabutan nalang kasi kita dun na basang basa habang nakaupo sa hita ni Adrian...."
Ano?! Yun ang naabutan niya?!
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...