✿ CHAPTER 5 ✿

41 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Ito ang palengke ng barrio namin. Alam mo ba na ito ang pinakamatandang palengke sa buong Pilipinas? Kung hindi, now you know...."

Napairap lang ako habang nakasunod ako sa kanilang dalawa ni Vernon at Summer. Magkahawak kamay pa kasi talaga silang naglalakad. Kala mo naman may label. Tsk.

"Hoy Vernon! Wag ka ngang mag imbento ng trivia diyan. Kung ano ano nalang yang sinasabi mo sa pinsan ko eh...."

Lumingon siya sa akin pero hindi lang niya ako pinansin at ipinagpatuloy niya ang panlalandi niya sa pinsan ko.

"Summer, wag mo nalang pansinin yang bruhang yan. Sa akin ka nalang magfocus, okay?"

Tsk.

Maya maya ay biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya napahinto ako. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at binasa ko ito.

(Mama: Iha anak, pwede ikaw nalang muna ang mamalengke? May importante kasi akong lakad ngayon eh. Dadaan naman kayo sa palengke diba?)

Napasimangot ako dahil sa nabasa ko. Mamamalengke na naman ako? Ako na nga yung namalengke nung nakaraang linggo tapos ako na naman ngayon? Ang malas naman ng buhay nato.

Maya maya ay napatingin ako kina Vernon at Summer at bahagya akong napangisi. May plano ako.

Bakit pa ako kailangang mamalengke kung pwede ko namang utusan yung bespren ko? Paniguradong hindi tatanggi yan kasi kasama niya si Summer.

Inakbayan ko siya habang nakangiti kaya nagtaka siya.

"Bes, may kailangan ka?" Tanong niya.

"Wala naman bes. May inutos kasi si mama sa akin..."

Tumango tango lang naman siya.

"Ano naman yun?" Tanong niya ulit.

"Mamalengke ka daw para sa amin..."

Agad niya akong binitawan at lumayo siya sa akin kaya nagtaka si Summer.

"May problema ba kayo?"

Nginitian ko lang naman ang pinsan ko para maisip niya na ayos lang kami.

"Wala naman. Tong bespren ko kasi, inutusan siya ni mama kaso parang ayaw naman niyang sundin yung utos na yun...." Sabi ko.

"Hindi! Willing na willing ako! Tara, pumasok na tayo sa palengke! Mamalengke na tayo!"

Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. Magagawa ko lang talagang utus utusan yang lalaking yan kapag may kasama siyang chics.

"Siyanga pala bes, pabibilhin daw tayo ng isang kilong bangus at isang kilong baboy. Samahan mo narin ng dalawang kilong manok. Atsaka pabibilhin din tayo ng isang sakong bigas..."

Nagulat siya sa sinabi ko pero agad naman siyang nginitian ni Summer kaya tumango nalang din siya kaagad bilang pagsang ayon.

"Oh—— Sige! Okay na okay yun! Yun lang ba? Wala nang iba?"

Ay huwaw. Ang yabang naman nito.

"Meron pa! Bumili ka narin ng limang piraso ng repolyo at dalawang piraso ng kalabasa. Samahan mo nalang din ng lettuce at mayonnaise kasi diet ako. Atsaka, siling labuyo, kamatis, okra, bawang, luya, sibuyas, sitaw, pati narin talong. Samahan mo nalang din ng patis, suka, seasonings, pati narin kape para kay papa. Intenyedes?"

Napanganga siya dahil sa sinabi ko pero agad na naman siyang nginitian ni Summer kaya tumango nalang din siya ulit.

"S- sige. Okay lang. Bakit ba ang dami niyong kailangang bilhin? May handaan ba sa inyo?"

Umiling iling lang naman ako bilang sagot.

"Wala naman. Pang one month na namin stock yan para hindi na ako makakapamalengke ngayong buwan..."

O diba, ang talino ko.

Napailing iling lang naman siya pero biglang huminto sa paglalakad si Summer kaya nagtaka ako. Bakit siya huminto?

"Summer my loves, okay ka lang? May masakit ba sayo? Gusto mo kargahin kita? Ayokong masaktan ka..."

Paulit ulit nalang talaga yang linya na yan eh. "Ayokong masaktan ka". Lahat ng mga babaeng niloko at ginagago niya sinabihan niya ng ganyan. Wala na bang bago diyan?

"Okay lang ako. Thank you. Pakiayos nalang ng sintas ng sapatos ko..."

Sabi ng pinsan ko at sumunod naman kaagad si Vernon.

Inayos niya ang sintas ng sapatos ni Summer pero mamaya ay biglang may humarurot na motor patungo sa amin kaya hindi niya sinasadyang mapatalon at natapakan niya ang kamay ng bespren ko.

"Aray!!! Ang sakit!!! Bakit mo ako tinapakan??!!" Sigaw ni Vernon.

"Ay sorry! Hindi ko sinasadya! Muntik na kasi akong sagasaan nung motor kaya napatalon ako dahil sa gulat!"

Palihim akong natawa habang nakatingin sa bestfriend ko na namimilipit sa sakit ng kamay niya. Tama lang yan sa kanya. Bwahahahaha!

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon