[Rhaine's POV]
"Mabuhay ang bagong kasal!!!"
Napangiti kami ni VAL nang narinig namin yun. Habang naglalakad kami palabas ng simbahan ay hinahagisan kami ng mga petal ng bulaklak ng mga tao.
Maya maya ay biglang hinawakan ni VAL ang kamay ko at hinila niya ako kaya nagulat ako. Tumakbo siya palabas ng simbahan kaya ganun nalang din ang ginawa ko.
Tumatawa pa kami habang tumatakbo hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng simbahan. Pinapasok ako ni VAL sa kotse na sinakyan ko kanina kaya ganun din ang ginawa ko.
"VAL, saan mo gustong pumunta?"
Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakaupo na pala sa tabi ko. Nakangiti lang siya at alam kong handang handa na siyang magmaneho.
"Kahit saan VAL. Ikaw ang bahala..."
Sagot ko sa kanya sabay ngiti. Napangiti narin siya at hinalikan muna niya ang pisngi ko bago siya nagsimulang magmaneho.
Habang nagmamaneho siya at nakatingin lang ako sa mukha niya. Hindi ko kasi inakala na yung taong matalik na kaibigan ko lang noon, ay siya pala ang lalaking mapapangasawa ko ngayon.
Napangiti ako nang naisip ko yun. Hanap ako ng hanap ng totoong pag ibig dati at hindi ko alam na nasa tabi ko lang pala matatagpuan yun.
.
.
.
.
.
.
.Nagtagal ang pagmamaneho niya kaya naman napansin ko na gabi na. Nalibot na namin ang buong baryo at pinuntahan namin yung mga lugar na pinapasyalan namin dati. At nilibot namin yun habang hawak hawak niya ang kamay ko.
Maya maya ay hindi namin namamalayan na hating gabi na pala. Mabagal na ang pagmamaneho ni VAL at iniisip ko na uuwi na kami. Pero hindi. Napansin ko na palabas siya ng baryo patungo sa bayan kaya kumunot ang noo ko.
"VAL, saan tayo pupunta? Pupunta ba tayo sa bayan?"
Lumingon siya sa akin at umiling iling habang nakangiti.
"Hindi VAL. May pupuntahan tayong ibang lugar..."
Tumango tango nalang rin ako at nginitian ko siya. Hinayaan ko nalang rin siyang dalhin ako sa kung saan niya gusto. Kasi may tiwala ako sa kanya.
Maya maya ay nandito na pala kami sa mabatong bahagi nitong baryo namin kaya biglang sumikip ang dibdib ko. Dito ko kasi pinatay sina Adrian at Kenneth. Dito ako unang nakapatay ng tao.
Napatingin ako kay VAL at nginitian niya ako para pagaanin ang loob ko. Nang nasa tapat na kami nung maliit na bahay kung saan doon ko mismo pinagsasaksak sina Adrian at Kenneth ay napapikit ako. Hindi ko kayang tumingin doon. Hindi ko kayang harapin yung ginawa kong kasamaan dati.
Doon siya mismo huminto kaya nagtaka ako. Anong ginagawa niya? Bakit siya huminto dito?
"VAL, kumalma ka...."
Napatingin ako kay VAL at nakita ko siyang nakangiti para pagaanin ang loob ko. Sinunod ko naman siya at pinilit ko ang sarili ko na kumalma.
"Bakit mo ako dinala dito? Bakit dito pa?"
Naiiyak na tanong ko sa kanya pero hinawakan lang niya ang balikat ko para patahanin ako.
"Diba sobrang sama ng alaala na meron ka dito?"
Napalingon ulit ako sa kanya at tumango ako. Tama siya. Sobrang sama ng mga alaala ko dito.
"Kaya tayo pumunta dito VAL. Kasi gusto kong baguhin ang alaala na yun..."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong babaguhin niya ang alaala ko? Paano?
Nagtataka pa ako pero nagulat ako nang bigla niyang tinanggal ang seatbelt niya saka niya ako hinalikan sa labi. Hinayaan ko nalang din siya kahit na nagulat ako sa ginawa niya.
Tumagal ang ginagawa namin at maya maya ay napansin ko na lumalalim na ang halik na pinagsasaluhan namin. Pero bigla niya akong binitawan at tiningnan niya ako sa mata habang seryosong seryoso kaya nagtaka ako.
"Simula ngayon VAL, kalimutan mo na ang alaala na yun. At ito ang tandaan mo..."
Seryosong sabi niya kaya tinanguan ko nalang din siya. Bumalik kami sa ginagawa namin kanina at hindi ko na pinansin ang lugar kung nasaan kami ngayon.
Hindi ko alam kung ano o hanggang saan ang kahihinatnan ng ginagawa namin ngayon. Pero isa lang ang sigurado ako, buong buhay kong hindi makakalimutan ang gabing to.
_______________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...