[Rhaine's POV]
"Bes, anong susuotin ko? Anong klaseng damit yung mga gusto niya?"
Tanong ko kay Vernon habang naghihintay siya sa sala namin. Sasama kasi ako sa kanya sa laro nila sa football. Ipapakilala daw niya ako kay Adrian.
"Bes, favorite color niya ang red kaya mag pula ka nalang ng damit...."
Tinanguan ko siya at pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Dali dali akong nagbihis at inayos ko rin ang buhok ko pati narin mukha ko saka ako lumabas.
Paglabas ay nakita ko si Vernon na nakanganga habang nakatingin kay Summer kaya napatingin rin ako sa kanya. Huwaw namern. Ganda ng pinsan ko ngayon ah.
"Ganda mo ngayon my loves.." Sabi pa ni Vernon."Kekeke, hindi naman...." Sagot naman ng pinsan ko.
Bumaba nalang din ako ng sala at iniwagayway ko ang mga braso ko sa harapan ni Vernon para tumigil na siya sa kakatitig sa pinsan ko hanggang sa nabaling na ang atensyon niya sa akin.
"Hoy tigil tigilan mo nga yang kakatitig mo sa pinsan ko. Umalis na tayo. Baka mahuli ka pa sa laro niyo ngayon."
Tinanguan niya ako at sabay sabay na kaming lumabas ng bahay. Pumasok kami sa kotse at doon ako umupo sa likod habang sa harapan naman silang dalawa ni Vernon at Summer.
"Bes, anong dapat kong gawin dun? Ano bang ugali ng babae ang gusto niya?"
Tanong ko kay Vernon saka niya pinaandar ang kotse para makaalis na kami.
"Hindi mo na kailangan ibahin yang ugali mo. Ang sabi niya, gusto niya yung babaeng nagpapakatotoo. Katulad ni Sunmer ko...."
Sabi pa nito at agad niyang kinuha ang kamay ng pinsan ko at hinalikan pa niya ito. Napairap lang ako at tumingin nalang ako sa malayo. Pati ba naman sa loob ng kotse naglalandian sila? Kung mababangga talaga kami nito lagot talaga sila sa akin!
.
.
.
.
.
.
.Bumaba na kami sa kotse kasi sabi ni Vernon nandito na daw kami. Agad kong inayos ang buhok ko at nagretouch pa ako. Syempre, ipapakilala ako ngayon ng bespren ko dun sa utol niya kaya naman dapat talagang presentable ako.
"Bes tama na nga yan. Mahuhuli na ako sa laro ko oh!"
Napalingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama. Bakit niya ako sinisisi? Eh siya nga tong sinabay ang panlalandi at pagdadrive kanina.
Nginitian ko nalang din siya at itinago ko na ang suklay at mga pampaganda ko. Pumasok na silang dalawa sa loob ng venue kaya kinabahan na ako. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumunod sa kanila.
Pagpasok na pagpasok palang namin ay may sumalubong na kaagad kay Vernon na ka- team mate niya. Nagyakapan pa nga sila at kinamusta nila ang isa't isa kaya na out of place tuloy kami ni Summer. Punyeta.
"Tol, sino yang kasama mong parang manika? Ipakilala mo naman ako oh...."
Napalingon ako sa kanila at nakita kong tinititigan na pala ako nung isang kateam mate niya kaya agad akong tumingin sa malayo. Utang ng loob kay Adrian lang ako pwedeng magpatitig hindi sa kanya!
"Bestfriend ko siya tol. Pero taken na siya eh..."
Tumango tango lang naman yung lalaking yun at lumayo na siya sa amin. Buti naman.
Dumeretso na kami sa loob at tiningnan ko ng maigi ang paligid para hanapin dito yung crush ko. Maya maya ay nakita ko na siya kaya napangiti ako.
"Tara bes, ipapakilala kita kay Adrian..."
Hinila ako ni Vernon pero hindi ako sumunod sa kanya. Kinakabahan pa kasi ako. Ito kaya yung first time na kakausapin ko ang crush ko kaya naman kinakabahan talaga ako.
"Bes... Kinakabahan ako...."
Natawa lang naman siya at tiningan niya ulit ang utol niya na naghahanda na para sa laro nila saka siya tumingin ulit sa akin.
"Wag kang mag alala bes. I got you..."
Sabi niya at kinindatan pa niya ako kaya natawa ako. Tong lalaking to talaga.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...