[Rhaine's POV]
Mas lalo pa akong napaiyak nang nakakita ako ng madaming dugo sa likod ng bahay namin. Bakit may dugo? Anong nangyari kay VAL?
"Maam, diyan po muna kayo para matingnan namin ng mabuti yung mga ebidensya na pwede nating gamitin para mahanap natin yung taong pumatay sa kasama niyo..."
Napalingon ako sa pulis at umiling iling ako. Hindi. Hindi pa patay si VAL! Alam ko yun! Nararamdaman kong buhay pa siya!
"Wag kang magsinungaling! Alam kong buhay pa si VAL! Nararamdaman ko yun!"
Pasigaw na sabi ko dun sa pulis pero umiling iling lang siya bilang sagot. Napaiyak ulit ako at tinabunan ko ang mukha ko. Hindi to pwedeng mangyari. Ayokong mawala si VAL sa akin.
Napaupo ako sa semento at doon ako umiyak ng umiyak. Nasa kalagitnaan na ako ng pag iyak pero napatigil ako nang nakarinig ako ng taong tumawag sa akin.
Kumunot ang noo ko pero tiningnan ko parin kung sino yun. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si VAL na nakatayo lang sa harapan ko habang pormadong poramado pa kaya nagulat ako. Teka, akala ko ba——
"VAL, It's a prank!"
Sigaw pa nito at napansin kong nandun din pala sina Altheah, Aiken, at Chrystel dun sa malayo at nakatingin lang sila sa amin. Umurong ang lahat ng luha ko at kumunot ang noo ko. Anong klaseng paandar to? Pinaglololoko lang ba nila ako?
"Prank lang to?"
Pagtatakang tanong ko at natawa naman silang lahat. Napairap ako at pinahiran ko ang mga nasayang na luha ko. Umiyak iyak pa ako eh prank lang pala! Lagot talaga yang mga taong yan sa akin!
"Oo VAL. Prank lang to. Idea to ni Chrystel eh. Hehehe..."
Parang nahihiya pang sabi ni VAL pero napairap na naman ako. Lintek na prank yan! Kaya pala kanina ko pa napapansin na isa lang naman ang pulis na nandito!
Dali dali akong tumayo at hinampas hampas ko si VAL pero hindi lang niya ako pinansin at nakatitig lang siya sa akin. Maya maya ay napagod na ako sa kakahampas ko at inangat ko ang paningin ko sa kanya. Nagtaka ako nang nakita ko siyang nakatitig parin sa akin habang nakangiti.
"Anong nginiti ngiti mo? Pinrank mo ako na namatay ka na tapos ngingiti ngitian mo lang ako? Alam mo bang muntik ko nang ikamata——"
Hindi ko natapos ang gustong sabihin ko nang biglang dumikit sa labi ko ang labi ni VAL. Nagulat ako sa ginawa niya dahil pabigla bigla nalang yun.
Hindi ko nalang din siya pinansin at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Maya maya ay binitawan niya ako at mas lalo pa akong nagulat nang bigla siyang lumuhod sa kinatatayuan ko.
"Huy! Bakit ka lumuhod? Anong ginagawa mo diyan? Tumayo ka nga! Baka sabihin pa ng iba na inaalila kita!"
Sabi ko at hinila ko siya patayo pero ayaw parin talaga niyang tumayo kaya tiningnan ko siya ng masama. Anong klaseng paandar to ha?
"Rhaine Clarkson...."
Natigilan ako nang tinawag niya ako sa mismong pangalan ko at hindi sa callsign namin. Alam ko kasi na kapag ginawa niya yun, ibig sabihin importante talaga ang gusto niyang sabihin sa akin.
Hindi muna ako nagsalita at nagtaka ako nang may kinuha siya sa bulsa niya. Tiningnan ko yun ng maigi at nagulat ako nang nakita kong singsing pala yun. Napatakip ako sa bibig ko habang nakatingin dun.
"Rhaine Clarkson, the one who rained my life with pure joy and happiness, the one who reigned my life as my queen and my empress, and the one and only girl who I truly love and fetish. Will you marry me?"
Tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Totoo bang nangyayari to? Hindi lang ba ako nananaghinip o naghahalucinate?
Lumapit ako kay VAL at sinampal ko ang pisngi niya para malaman ko kung totoo ba talaga siya. Maya maya ay napansin ko na nasaktan siya dahil sa ginawa ko kaya napag alaman kong totoo pala talaga ito at hindi lang basta basta hallucination.
"VAL! Bakit mo ako sinampal? Ang ganda nung sinabi ko sayo eh! Hindi mo ba yun nagustuhan? Kung ayaw mo dun marami pa namang ibang script na pwede nating gamitin!"
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Maya maya ay naging seryoso siya ulit at ganun din ako. Anong sasabihin ko? Oo na ba ang isasagot ko?
"Rhaine Clarkson. Is it a yes or a no?"
Seryoso pa niyang tanong sa akin pero yumuko ako para maisip niyang hindi ako pumapayag. Napayuko narin siya pero agad kong inangat ang noo ko at nginitian ko siya kaya nagtaka siya.
"Yes, Vernon Lee. I'll marry you..."
Napatayo siya dahil sa sinabi ko at naghiyawan sina Altheah dun sa malayo. Natawa ako dahil sa ginawa nila at agad na pinasuot sa akin ni VAL yung singsing na kanina pa niya bitbit bitbit saka niya ako niyakap.
Habang nagyayakapan lang kami at nakatitig lang ako sa daliri ko na may singsing na. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang sobrang saya ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang totoo talaga to at hindi lang basta hallucination.
_______________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...