✿ CHAPTER 51 ✿

20 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nakarinig ako ng ingay sa paligid kaya nagising ako. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at napag alaman kong nandito pala ako sa hospital kaya napahinga ako ng maluwag.

Umupo ako sa hinihigaan ko at inalalayan naman ako ni mama na nasa tabi ko lang din. Maya maya ay biglang sumakit ng todo ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Oo nga pala, bumangga ang noo ko sa pader kagabi kaya nawalan ako ng malay.

"Rhaine anak, okay ka na ba? May masakit ba sayo?"

Napatingin ako kay mama at umiling iling ako. Tumingin ako sa paligid para matingnan ko kung nandito pa ba si Hans pero hindi ko siya nakita kaya napahinga ako ng maluwag.

"Okay na po ako. Wag na kayong mag alala..."

Sagot ko naman kay mama at nginitian ko siya.

"Iha, bakit ka ba sigaw ng sigaw kagabi? Sinasabi mo pang may papatay sayo at may kasama ka sa kwarto kahit na ikaw lang naman mag isa. Ano na bang nagyayari sayo?"

Napalingon ako kay papa at nakita ko siyang nakakunot ang noo.

"Pa, totoo po talaga yun. May tao po sa kwarto ko kagabi. Si Hans! Muntik na niya akong pinatay kagabi! May dala dala siyang kutsilyo!"

Kinakabahan na sagot ko kay papa at agad naman akong pinakalma ni mama.

"Anak, baka dahil lang sa stress mo yan. Ang mabuti pa, matulog ka nalang ulit...."

Sabi ni mama at pinabalik niya ako sa paghiga. Maya maya ay napansin ko na sinenyasan ni mama si papa na lumabas at ganun nga ang ginawa nilang dalawa. Lumabas sila sa hospital room ko at iniwan nila akong nag iisa.

Bakit ba ayaw nilang maniwala sa mga sinasabi ko? Eh totoo ngang pinuntahan ako ni Hans kagabi at pinagtangkaan pa niya akong patayin!

Bumangon ako sa hinihigaan ko at nagtataka ako kung bakit sila lumabas kaya agad akong tumayo. Lumabas din ako sa hospital room ko at hahanapin ko na sana si mama at papa pero nakita ko na sila na nakaupo dun sa upuan kaya napahinto ako.

Napansin kong sobrang seryoso nila kaya nagtaka ako. May problema ba sila bukod sa nangyayari sa akin ngayon? Bakit parang sobrang seryoso ng pinag uusapan nila?

Lalapitan ko na sana sila pero hindi ko yun ginawa. Naisip ko na pakinggan muna sila para malaman ko kung ano ang pinag uusapan nila.

"Kinakabahan na ako para sa anak natin. Ayokong bumalik ang dati. Sobrang nagdusa na siya dahil sa sakit niya na yun. Ayokong mangyari ulit sa kanya yun ngayon...."

Sabi ni mama habang umiiyak kaya nagulat ako at nagtataka narin. May sakit ako? Anong sakit ko? Bakit wala silang sinasabi sa akin tungkol dito?

Agad na niyakap ni mama si papa para pakalmahin siya. Hindi parin ako nagpakita sa kanila para marinig ko pa kung ano pang sasabihin nila.

"Wag kang mag alala. Nalampasan niya yun dati diba? Kaya malalampasan rin niya to ngayon. Alam natin na kahit na anong oras ay pwedeng bumalik ang sakit niya at wala tayong magagawa dun. Ang kailangan nalang nating gawin ay damayan siya at tulungan siya sa pagpapagamot...."

Sagot naman ni papa kaya nagtataka na talaga ako. Kakausapin ko na sana sila para malaman ko kung ano ba talaga ang sakit ko dati pero nagulat ako nang may nakita akong mga pulis na patungo sa gawi namin.

Agad akong bumalik sa dinaanan ko kanina at pumasok ako sa kwarto ko. Humiga ulit ako sa kana ko at nagtabon ako ng kumot para hindi nila ako makita.

Maya maya ay narinig kong pumasok na si mama at papa kasama yung mga pulis kaya kinabahan na ako. Bakit may mga pulis? Huhulihin na ba nila ako?

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon