✿ CHAPTER 94 ✿

20 3 0
                                    

[Rhaine's POV, four years later]

Nandito ako ngayon sa school, tahimik na nag aaral. Wala si VAL dito kasi nasa ibang eskwelahan siya nag aaral. Kaya naman medyo nababagot ako dito pero nasanay narin ako. Para sa amin at sa future namin ni VAL din naman tong ginagawang pag aaral ko.

Apat na taon na akong nag aaral para sa course ko at malapit na akong grumaduate. Si VAL naman, last year nalang niyang mag aaral ngayon at makukuha na niya ang degree niya.

Six years na ang relationship namin ni VAL pero hanggang ngayon ay matatag parin kami. Minsan nag aaway din naman kami kasi syempre hindi naman maiwasan na meron talaga kaming hindi mapagkakaintindihan. Pero kahit na ganun nagkakaayos din naman kami.

Ilang oras akong nandito sa loob ng classroom at sa wakas ay makakalabas na ako kaya napangiti ako at napahinga ako ng maluwag. Makakauwi na ako sa wakas. Hay.

Lumabas na ako ng eskwelahan para sumakay na ng taxi. Wala kasi akong ibang kasama dito sa eskwelahan nato kundi ako lang. Nasanay narin naman akong nag iisa kaya okay lang yun.

Pumara ako ng taxi kaya naman nakasakay na ako. Tahimik lang akong nakaupo dito sa taxi hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko pero kinuha ko parin ito mula sa bulsa ko para matingnan kung sino yung nagtext.

Binasa ko ito at nagtaka ako dahil sa nabasa ko.

             

(Si Ms. Rhaine Clarkson ba to?)

Kumunot ulit ang noo ko. Galing ito sa number na hindi ko naman kilala dahil ngayon ko lang nakita ang number na to. Sino ba to?

               

(Oo, ako to. Bakit? Sino ka? Anong kailangan mo?)

Reply ko dun at nag antay ako ng ilang saglit para sa reply niya. Maya maya ay naisip ko na hindi pa nagtetext sa akin si VAL kaya nagtaka ulit ako. Sa ganitong mga oras kasi, palagi talagang nagtetext si VAL sa akin. At kung hindi siya busy ay sinusundo niya ako dito sa eskwelahan ko.

Nagdududa na ako pero bigla rin yung nawala nang tumunog ulit ang cellphone ko. Tiningnan ko ito ulit at lumaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

                   

(Hindi na importante kung sino ako. Gusto ko lang sabihin na papatayin ko si Vernon Lee kapag hindi ka makakapunta dito sa bahay niyo sa loob ng limang minuto. At wag na wag kang tumawag ng pulis kung ayaw mong tuluyan ko na talaga siyang patayin...)

Sobra akong nagulat sa nabasa ko at napatabon ako sa bibig ko. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak at agad kong inutusan ang driver ng taxi na bilisan ang pagdadrive para makauwi ako ng mas mabilis.

Halos paliparin na ng driver ang taxi habang hindi parin nawawala ang kaba ko. Ayokong mapahamak si VAL. Ayokong mawala si VAL sa akin. Si VAL ang lahat lahat sa akin. Hindi ko kayang mawala siya.

Tuluyan na akong naiyak nang naisip ko yun. Bakit ba kasi kailangan pa tong mangyari? Anong atraso namin sa taong yun para ganituhin niya kami?

Maya maya ay nandito na ako ngayon sa harap ng bahay namin kaya dali dali akong bumaba ng kotse. Tumakbo ako ng mabilis pero napatigil ako nang bigla akong sinalubong nung isang pulis.

                

"Maam, sa likod po kayo dumaan. Hindi po pwedeng sa pintuan kayo dadaan kasi nandun po ang mga ebidensya sa krimen..."

Natulala ako dahil sa sinabi niya. May krimeng nangyari? So ibig sabihin——

Mas lalo pa akong napaiyak dahil sa narinig ko at agad naman akong pinatahan nung pulis. Dali dali akong pumunta sa likod ng bahay namin ni VAL at napatakip ako sa bibig ko dahil sa nakita ko. Hindi. Hindi to pwedeng mangyari.

_______________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon