✿ CHAPTER 78 ✿

17 4 0
                                    

[Vernon's POV]

Nandito na kami sa labas ng bahay namin, palabas na ng gate. Bubuksan na sana ni Rhaine ang gate pero agad ko siyang pinigilan at ako ang gumawa nun. Lumabas ako para tingnan ang paligid kung may tao ba pero wala naman kaya napahinga ako ng maluwag.

Nginitian ko si VAL at tuluyan na kaming lumabas ng gate nila. Siguro maglalakad muna kami ngayon, wala kasing dumadaan na sasakyan. Mahirap kasing sumakay dito kasi kaunti lang ang may kotse o motor.

Ayoko din na magkotse kami. Ayoko kasing umuwi sa bahay namin kasi paniguradong pagbabawalan lang nila ako na makasama si Rhaine. Pati kasi sila, halimaw na ang tingin nila kay Rhaine kahit na hindi naman talaga siya ganun.

Biktima lang si Rhaine sa sakit niya. Kilala ko ang bestfriend ko, hindi niya kayang manakit ng ibang tao at mas lalong hindi niya kayang pumatay ng ibang tao.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang tumitingin lang ng tahimik sa paligid kaya napangiti ako. Pero maya maya ay naalala ko na malapit na siyang umalis papuntang Maynila kaya nawala rin ang ngiti ko.

Habang naglalakad kami ay hinawakan ko ang kamay niya kaya alam kong nagulat siya. Natawa lang naman ako sa reaksyon niya.

                    

"VAL, ilang beses ko nang ginagawa to pero nagugulat ka parin?"

Natatawa kong tanong sa kanya pero hindi lang siya umimik. Ganyan talaga siya kapag nahihiya o nagugulat.

Maya maya ay may nakasalubong kami na mga babaeng nagjojogging pero hindi ko lang din sila tiningnan. Karamihan sa kanila ay mga naging ex ko dati pero wala na akong pake sa kanila. Anyways, hindi naman nila ako makikilala dahil sa suot ko ngayon.

Patuloy lang kami sa paglalakad pero maya maya ay napansin ko na nakatingin lang si Rhaine sa akin kaya nagtaka ako. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig sa akin.

                    

"Bakit VAL? May problema ba?" Tanong ko.

Umiling iling lang naman siya at tiningnan niya ulit yung mga babaeng yun saka niya ulit ako tiningnan.

                    

"Ang gaganda nila no?"

Tumingin ulit ako sa mga babaeng yun at ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanya.

                    

"Oo nga. Maganda sila. Pero wala naman akong pake sa kanila VAL....."

Sagot ko naman at nginitian ko siya. Mas hinigpitan ko pa ang paghawak ko sa kamay niya nang napansin kong papalapit na talaga yung mga ex ko patungo sa amin.

Pinabayaan ko lang silang daanan kami saka ko inakbayan ang VAL ko. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ay wala na akong nararamdaman kapag may nakakasalubong o nakikita ako na magandang babae.

Siguro nga totoo ang sinasabi nilang "Love is Blind". Kapag nahulog ka na, mabubulag ka narin sa katotohanang marami pa namang iba.

                   

"VAL, bakit hindi mo sila pinansin? Mukhang type mo pa naman yung isa sa kanila...."

Napatingin ako kay VAL at natawa ako. Bakit ba ganyan ang iniisip niya? Hindi ba talaga niya naiintindihan na wala na talaga akong ibang gusto kundi siya?

                   

"Hindi kaya. Mas type pa nga kita kaysa dun eh...."

Natawa siya sa sinabi ko kaya napangiti ako.

                    

"VAL, naaalala mo pa ba yung sinabi mo dati na...... gusto mo ako?"

Tumingin ulit ako sa kanya at tinanguan ko siya.

                    

"Oo naman. Hindi ko makakalimutan yun...." Sabi ko.

Napayuko siya kaya nagtaka ako. May mali ba sa sinabi ko?

                      

"Bakit? May problema ba tungkol dun VAL?"

Umiling iling lang siya bilang sagot pero alam ko naman na ang totoo ay may gusto talaga siyang sabihin sa akin.

                      

"VAL, pagkatapos mong mong makita yung mga magagandang babae na dumaan dito, gusto mo parin ba ako?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil narin siya. Humarap ako sa kanya para makausap ko siya ng maayos.

                       

"Sorry VAL, pero hindi na kita gusto...."

Pabiro kong sagot ko sa kanya kaya napayuko siya. Palihim akong natawa dahil sa reaksyon niya. Agad kong hinawakan ang mukha niya kaya inangat niya ulit ang paningin niya sa akin.

                       

"Hindi na kita basta lang gusto VAL. Kasi mahal na kita......"

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon