✿ CHAPTER 25 ✿

24 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

              

"Miss, may gown ba kayong binibenta dito?"
             

"Yes maam, this way po..."

Narinig kong sinabi yun ni ate dun sa costumer namin pero hindi ko yun pinansin. Nakatayo lang ako dito dahil ito naman talaga ang trabaho ko dito sa shop namin. Ang magpanggap bilang isang mannequin.

Pinagalitan kasi ako ni papa kahapon kung bakit hindi na daw ako pumupunta dito. Kaya heto, bumalik ako sa trabaho ko. Hindi kasi nila alam ni mama na ito naman talaga ang trabaho ko dito at hindi ang magdesign ng mga gown.

Maya maya ay nakita kong pumasok si Vernon dito sa shop kaya nagtaka ako. Anong ginagawa niya dito?

                 

"Ate, may suit po ba kayo dito? Kailangan ko po kasi yun. May lakad ako ngayon...."

May lakad siya? At saan naman kaya? Eh sa susunod na tatlong araw pa naman ang flight niya.

Nalungkot ako nang naisip ko yun. Tatlong araw ko nalang pala siyang pwede makasama. At pagkatapos nun, mag isa na ako. Wala naman kasi akong ibang kaibigan, siya lang talaga.

                 

"Meron iho, maghanap ka lang dun. Baka may magustuhan ka..." Sabi ni ate.
                 

"Salamat po ate...."

Narinig ko yun pero hindi nalang din ako kumibo. Maya maya ay lumabas na yung isa pang costumer namin kaya kaming dalawa nalang ni ate ang nandito. Nasa malayong bahagi kasi ng shop namimili si Vernon ng suit.

Agad akong nilapitan ni ate at kinalabit niya ako kaya lumingon ako sa kanya.

                 

"Alas tres na. Bumaba ka na diyan, pumunta ka dun sa fitting room para magbihis tapos umuwi ka na..."

Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Sa wakas naman!

Bumaba na ako sa stand na pinapatungan ko at pumasok ako sa fitting room. Bago ako magbihis ay nagstretching muna ako. Inunat ko ang mga braso at binti ko pati narin ang leeg ko dahil kanina pa to sumasakit.

Habang nakaharap ako sa salamin ay nginitian ko ang sarili ko. Mukha talaga akong manika dahil sa make up ko, kaya hindi talaga naiisip ng mga costumer namin na tao pala ako.

Habang nakatayo lang ako sa salamin ay narinig kong biglang bumukas ang pintuan nitong fitting room kaya nagulat ako. May tao bang pumasok?

Agad akong bumalik sa pose ko para hindi mahalata na tao ako. Maya maya ay nakapasok na talaga yung taong yun at tumabi siya sa akin. Tiningnan ko kung sino ito at nagulat ako. Vernon?

Hindi nagtagal ay napansin niya na may "mannequin" pala sa tabi niya kaya nagulat siya. Agad niya akong nilayuan pero hindi parin ako gumalaw para hindi niya mahalata na tao talaga ako.

                 

"Bakit nandito tong mannequin na kamukha ng bespren ko?"

Ulol. Ako talaga ang bespren mo.

Hindi nalang din niya ako pinansin at tiningan niya ang sarili niya sa salamin. Nginitian pa niya ang salamin habang nakapogi sign kaya palihim akong napairap. Feeling gwapo talaga.

Maya maya ay napatingin niya ang suit na napili niya at tiningnan niya ito ng maigi.

                 

"Magugustuhan kaya niya to?"

Napatingin din ako sa suit na hawak hawak niya pero hindi ko nalang siya pinansin.

Paniguradong magugustuhan ni Summer yan. Madaling maatract ang pinsan ko sa mga lalaking nakasuot ng suit.

Kalmado lang akong nakatayo habang nakapose na parang mannequin pero maya maya ay nagulat ako nang bigla niyang hinubad ang lahat ng suot niya.

                 

"Anak ng put——"

Nasabi ko yun bigla at alam kong narinig niya yun. Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin siya sa akin saka niya tiningnan ang paligid.

                  

"Haunted ba tong shop nila ni Rhaine?"

Nasabi niya yun habang hindi parin ako gumagalaw. Maya maya ay napatingin na naman siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Wag mong sabihing——

                   

"O ikaw yung nagsalita?"

Hindi nalang din ako umimik at hindi rin ako gumalaw. Tinitigan niya ako ng maigi at maya maya ay inalis na niya ang paningin niya sa akin kaya napahinga ako maluwag.

                    

"Hay nako Vernon. Bakit ka ba nakikipag usap sa isang mannequin? Tsk. Makalipat nalang nga ng ibang fitting room. Ang creepy dito...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon