✿ CHAPTER 92 ✿

15 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito na ako ngayon sa bench, tahimik na nakaupo habang kasama si Chrystel. Kumuha pa kasi ng ticket yung mga lalaki kaya kami ang naiwan dito.

Napatingin ako kay Chrystel at napansin ko na meron siyang bagong kwintas kaya napasimangot ako. Sigurado akong galing yan sa Mhine niya.

                

"Ano tinitingnan mo? Eto?"

Napalingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakahawak sa kwintas niya na habang nakataas ang kilay para bang nagpapainggit. Inirapan ko lang naman siya at hindi ko siya pinansin. Ganito talaga kami palagi, nagsusungitan pero syempre joke joke lang yun.

                 

"Gift to Mhine sa akin para sa first anniversary namin. Ganda diba? Si VAL mo? Among binigay niya sayo? Wala? Tsk. Si Mhine talaga ang best boyfriend ever....."

Kumunot ang noo ko at tiningnan ko siya ng masama. Ano ulit yung sinabi niya? Aba at——!

                  

"Excuse me, iniinsulto mo ba si VAL ko?"

Agad kong ipinakita sa kanya ang magnet bracelet na niregalo sa akin ni VAL years ago. Akala niya ah.

                  

"Eto oh! Magnet bracelet to at ibinigay niya to sa akin kahit na hindi pa kami. Kapag hahawakan ni VAL ang kamay ko, magkakadikit ang mga bracelet namin kasi nga magnet to. Kayo ng Mhine mo? Meron ba kayong ganito?"

Pang aasar ko pa sa kanya kaya natameme siya. Ayan.

                     

"Basta. Best boyfriend ever si Mhine ko!"
                     

"Si VAL ko yun!!!"

Nagtatalo na kami rito pero napatigil kami nang biglang dumating yung mga boyfriend namin. Natahimik kami at nginitian namin sila.

                     

"Anong nangyayari? Nag aaway ba kayo?"

Agad kaming umiling iling sa tanong ni VAL.

                     

"Hindi. Nagkukulitan lang kami...."

Tumango tango lang naman sila at maya maya ay biglang dumating si Aiken na may dala dalang babae kaya nagtaka kaming apat. Sino yang babaeng dala dala niya? Bakit parang familliar siya?

Mahaba ang buhok nito at may plaster siya sa mata niya kaya hindi namin matingnan ng maayos ang mukha niya.

                    

"Sino yang babaeng kasama niya? Bakit may kasama siyang babae?"

Napatingin ako kay Chrystel na nagtataka habang nakatingin sa babaeng yun.

                   

"Tol!"

Tawag pa ni Aiken habang ang laki laki ng ngiti kaya nagtaka kami. Bakit parang ang saya saya niya? Anong meron?

Lumapit sa amin si Aiken habang nakatingin parin kami sa babaeng kasama niya. Grabe. Familliar talaga siya. Tiningnan kami ng babaeng yun at nginitian niya kami kaya nagtaka ako. Bakit niya kami nginitian? Sino ba siya?

                   

"Wag niyo sabihing nakalimutan niyo na ako?"

Nang nagsalita na siya ay nakilala na namin ang boses niya kaya lumaki ang mga mata namin at napangiti kami.

                      

"Altheah?" Sabay sabay na sabi namin.
                     

"Oo ako nga..."

Sabay sabay kaming tumayo sa mga kinauupuan namin at niyakap namin siya. Grabe bumalik na siya! Kompleto na ang tropa namin!

Maya maya ay binitawan na namin si Altheah habang nakangiti parin. Ang laki na ng pinagbago niya. Dati kasi maikli lang ang buhok niya tapos ngayon sobrang haba na.

                      

"Saan ka nanggaling? Bakit ang tagal mong nawala? Bakit mo kami iniwan? HA?!"

Nagagalit ko pang tanong kaya tinawanan ako nilang lahat.

                      

"Nagpalamig lang ako. Dahil alam niyo na, namatay ang parents ko a year ago...."

Nawala ang ngiti sa mga mukha namin at napatango kaming lahat. Oo nga naman.

                        

"Condolence nga pala ah. Hindi ko yan nasabi sayo last year kasi bigla ka nalang nawala. By the way, anong nangyare diyan?"

Tanong ni Chrystel habang nakaturo sa mata ni Altheah kaya napatingin din kami dun. Oo nga naman, anong nangyari diyan sa mata niya? Bakit may plaster ang mata niya?

                        

"Wala. Aksidente lang kaya nasugatan..."

Sagot naman ni Altheah kaya tumango tango kami. Kaya pala. Kala namin kung napaano na siya eh.

_______________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon