✿ CHAPTER 22 ✿

24 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Haaayyy!!! Sa wakas!!!"

Malakas na sabi ko saka ko itinapon ang katawan ko sa sofa. Pagod na pagod ako dahil sa paglalakad. Punyeta yan.

Relax na relax lang ako dito pero maya maya ay may naghila sa akin paalis ng sofa kaya nagulat ako. Akala ko si Vernon ang gumawa nun pero nang tiningnan ko ito ay napag alaman kong si Summer pala yun kaya nagtaka ako.

Nahulog ako sa sahig dahil sa ginawa niya at silang dalawa ni Vernon ang pumalit sa kinahihigaan ko kanina. Tiningnan ko lang naman siya ng masama habang hindi siya nakatingin sa akin. Ano bang problema niya? Bakit niya ako hinihila ng ganun?

Tumayo nalang ako sa sahig at umupo ako dun sa isang upuan. Maya maya ay lumingon sa akin si Summer at napatingin siya sa mga paa kong may mga pasa pasa na saka siya napangisi. Bakit siya napangisi?

"Babe, nag enjoy ka ba?"

Ibinalik na naman ni Summer ang atensyon niya sa bestfriend ko at tinanguan niya ito. Hindi ko nalang din sila pinansin at pumunta nalang ako sa kusina para kumuha ng band aid. Masakit kasi talaga ang paa ko.

Bumalik ako sa sala at ilalagay ko na sana ang mga kinuha kong band aid sa paa ko pero nagulat ako nang bigla nalang itong hinablot ni Summer mula sa akin.

"Sorry couz. Masakit din kasi ang mga paa ko. Kumuha ka nalang ng iba para sayo okay?"

Kahit na naiinis na ako ay tinanguan ko nalang din siya at tumayo ulit ako para kumuha ng iba pang band aid. Pagkatapos ay umupo ulit ako sa kinauupuan ko kanina at nilagyan ko na ng band aid ang mga pasa ko sa paa.

Nang natapos na ako ay napatingin ulit ako sa kanila at napatingin sa mga paa ko si Vernon. Akala ko ay tatanungin niya kung okay lang ba ako pero hindi. Hindi lang niya ito pinansin.

Napairap na naman ako dahil dun. Ganyan nalang talaga siya palagi kapag nandyan si Summer! Hindi namamansin! Akala ko ba bestfriend niya ako?

"Punyeta...."

Nasabi ko nalang yun bigla at alam kong narinig nila yun. Napalingon silang dalawa sa akin habang nakakunot ang mga noo niya pero nginitian ko nalang din sila.

"Couz, may sinasabi ka?"

Umiling iling ako sa pinsan ko habang nakangiti kahit na ang totoo ay kating kati na ang mga kamay kong gustong sumampal sa pagmumukha niya. De joke lang, magpinsan kami kaya hindi ko gagawin yun.

"Wala couz, sabi ko lang masakit na talaga ang mga paa ko..."

Tumango tango lang naman siya at ibinalik niya ulit ang atensyon niya kay Vernon. Napairap na naman ako habang pinapanood lang sila na nag uusap.

Maya maya ay naisipan kong kumain nalang kasi kanina pa ako gutom na gutom. Hindi ko kasi kinain yung mashed potaetoes na ibinigay ni Vernon sa akin kanina. Ayoko kaya sa mashed potaetoes! Hate na hate ko yung pagkaing yun!

Tiningnan ko kung anong ulam namin at nagningning ang mga mata ko nang nakita kong pinakbet pala ito. Agad akong kumuha ng kanin pati narin ng ulam at umupo ako sa dining area namin.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag eenjoy sa pagkain ko pero maya maya ag biglang pumunta dito sila ni Vernon at Summer kaya nagtaka ako. Anong ginagawa nila dito? Diba nag uusap lang sila dun kanina?

"Dito ka muna babe, kukuha lang ako ng pwedeng kainin natin...."

Tsk. Kakain na naman sila? Kakakain lang nila kanina sa restaurant ah. Mga patay gutom talaga.

Susubo na sana ulit ako pero nagulat ako nang bigla akong nilapitan ni Summer at itinulak niya ang mukha ko kaya nalublob ito ako pagkain ko. Kinuha pa niya ang plato ko at ibinuhos niya ang kinakain ko sa ulo ko.

Hindi ako nakapagsalita sa ginawa niya at tiningnan ko kang niya ng masama. Pinsan ko ba talaga siya? Bakit niya to ginagawa sa akin? Hindi naman siya ganito dati ah!

Tumayo ako sa kinauupuan ko at susuntukin ko na sana siya pero hindi ko nalang yung ginawa kasi after all, pinsan ko parin siya.

Lumabas nalang ako ng dinner area at umakyat ako sa kwarto ko. Ano bang problema niya! Kanina pa siya nambibwiset ah! Hindi ko naman siya inaano ah!

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon