[Vernon's POV]
Habang nagdadrive ako ay hindi ko mapigilan ang pagkalungkot ko. Gusto na kasi talaga ni VAL na makawala sa lugar kung saan kami lumaki. Gusto na talaga niyang umalis dun at dahil dun ay maiiwan rin niya ako. Pero wala naman akong magagawa, para sa kanya rin naman to kaya hindi ko siya pwedeng pigilan.
Gusto ko sanang tumira kasama niya sa Maynila pero hindi pwede. Marami pa akong kailangang gawin sa probinsiya at kailangan ko pang asikasuhin ang pag aaral ko para sa future namin ni VAL— kung sakaling magiging kami talaga sa huli.
Malapit na kami sa Maynila at mahigit anim na oras na akong nagdadrive kaya medyo madilim at maggagabi na. Maya maya ay naabutan kami ng red light kaya hininto ko muna ang kotse ko.
Napalingon ako kay VAL at napangiti ako nang nakita ko siyang tahimik na natutulog habang nakaharap sa akin. Ang inosente talaga ng mukha niya kapag natutulog siya.
Nang lumipat na yung ilaw sa green ay pinatakbo ko na naman ang kotse pero mabagal lang ang pagpapatakbo ko. Medyo matraffic kasi ngayon kaya mabagal talaga ang usad ng mga sasakyan.
Habang nagdadrive ako ay naramdaman kong hinawakan ni VAL ang kamay ko kaya lumingon ako sa kanya saglit at napansin ko na nakapikit parin ang mga mata niya. Tinitigan ko siya saglit at ibinalik ko na naman ang paningin ko sa minamaneho ko.
"Bakit VAL? May kailangan ka?"
Tanong ko pero hindi naman siya sumasagot kaya nagtaka ako. Maya maya ay mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya medyo nag aalala na ako. Inihinto ko muna ang kotse ko sa gilid ng kalsada para makausap ko siya ng maayos.
"Okay ka lang VAL?"
Tanong ko at maya maya ay napansin ko na humahagulgol na pala siya. Napatingin ako sa kamay niya na mahigpit parin ang pagkakahawak sa kamay ko at hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko dito.
"Tulong! Si Adrian! Si Kenneth! Sinusundan nila ako!!!"
Sigaw niya habang umiiyak na talaga kaya nalaman ko na binabangungot pala siya. Agad kong inalog ang braso niya kaya nagising na siya. Nang nagising na siya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya nagulat ako.
Niyakap ko na rin siya ng pabalik at napansin ko na umiiyak parin siya kaya hinimas himas ko ang likod niya para patahanin siya.
Nang lumipas ang ilang mga minuto ay napansin kong okay na siya kaya binitawan na niya ako.
"Sorry kung nagdadrama na naman ako ah...."
Natatawa pang sabi niya kahit na wala naman talagang nakakatawa dun. Maya maya ay naalala ko yung sinabi niya kanina habang binabangungot siya kaya nagtaka ako. Bakit siya binabangungot tungkol kina Adrian at Kenneth?
"VAL, habang binabangungot ka kanina sinisigaw mo ang pangalan nina Adrian at Kenneth habang humihingi ka ng tulong. May ginawa ba sila sayo dati VAL?"
Mahinahon na tanong ko sa kanya at tinanguan lang niya ako. Tumingin siya sa akin habang hindi niya parin inaangat ang ulo niya.
"Dati kasi nung nagpa enroll ako sa bayan, sinundan nila ako nun. Nag- bike ako papunta sa bayan kasi wala yung driver ng kotse namin. Akala ko magiging okay lang ako pero hindi ko alam na sinusundan na pala nila ako. Nang napansin ko yun, binilisan ko ang pagbabike ko para makalayo ako sa kanila pero naaksidente ako at nawala ang malay ko. Paggising ko, nandun na ako sa lugar na hindi ko alam. Nakahiga na ako sa kama at pinagtangkaan nila akong bastusin. Mabuti nalang at hindi nila natuloy yun dahil inatake ako ng sakit ko sa utak. Napatay ko sila VAL. Napatay ko sila nang hindi ko sinasadya...."
Natulala ako dahil sa mga sinabi ni VAL at hinila ko ang braso niya para mayakap ko siya. Yun pala ang dahilan kung bakit niya nagawa yun. Hindi ko alam na sa mga oras na nawala ako at hindi ko siya nabantayan ay ganun na pala ang mga pinagdadaanan niya. Pakiramdam ko tuloy, wala akong kwentang kaibigan.
Kasalanan ko nga ang lahat ng to. Bakit ko pa kasi siya pinakilala kay Adrian? Kung hindi ko nalang sana ginawa yun maayos pa sana ang lahat ngayon!
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...