[Rhaine's POV]
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan ko ang paligid. Napansin kong wala ako sa bahay namin kaya nagtaka ako. Nasan na ako? Anong lugar to?
"Hi, Rhaine. It's nice to see you again...."
Lumingon ako sa gilid ng hinihigaan ko at nakita ko si Adrian kaya nagulat ako. Agad akong umupo sa hinihigaan ko at tatayo na sana ako pero hindi ko yun magawa kasi masakit ang tuhod ko. Oo nga pala, natumba ang sinasakyan kong bisikleta kanina.
Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan lang naman niya ako. Ano bang kailangan niya sa akin? Gusto ko nang umuwi!
"Pakawalan mo nga ako! Kailangan ko nang umalis! Magpapaenroll pa ako ngayon para makapag aral na ako ng senior highschool!"
Mas lalo lang siyang natawa sa sinabi ko kaya napairap ako. Bakit niya ako tinatawanan? Seryoso ako sa sinabi ko!
"Saka ka na magpa enroll. Dito muna tayo....."
Sabi niya habang dahang dahan na lumalapit sa akin. Agad akong lumayo sa kanya at pinilit kong tumayo kahit na masakit ang tuhod ko. Kailangan kong makalabas dito! Ayoko sa kanya!
Nakatakbo ako ng ilang hakbang pero bago pa man ako nakaabot sa pintuan ay natumba ako dahil sa sakit ng tuhod ko. Natawa na naman si Adrian at maya maya ay pumasok din yung si Kenneth kaya mas lalo pa akong kinabahan.
Pinilit ko ulit na maglakad para lang makalabas pero hindi ko talaga yun nagawa. Napaiyak ako habang nakaupo sa sahig habang tumatawa parin silang dalawa.
"Sabi ko naman sayo, dito ka muna sa kama....."
Tiningnan ko ng masama si Adrian at nilapitan ako ni Kenneth. Hahawakan na sana niya ako pero agad kong inilayo ang kamay niya sa akin.
"Wag mo akong hawakan! Ayoko sayo!"
Sabi ko at pinilit ko ulit na tumayo pero hindi ko talaga yun magawa. Napatingin ako sa tuhod ko at nakita kong may sugat pala dito kaya napaiyak ako. Ang sakit kasi talaga.
"Kung ayaw mong magpatulong edi wag. Bahala ka diyan...."
Sabi ni Kenneth at bumalik siya sa kinauupuan niya. Si Adrian naman ang lumapit sa akin at nagulat ako nang bigla niyang hinila ang braso ko para patayuin ako. Inihagis niya ako pabalik sa kama kaya napahiga ako dito pero agad naman akong umupo sa kinahihigaan ko. Napangisi kaya kinabahan na ako. Anong gagawin niya?!
Napapikit ako habang umiiyak. Ayoko sa kanya! Nasan na ba si VAL? Kailangan ko siya! Bakit niya kasi ako iniwan dito ng mag isa?!
Huhubarin na sana niya ang jacket niya pero biglang may sumira sa pintuan kaya nagulat kaming lahat. Sino yun?
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Hans na may dala dalang matulis na kutsilyo. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Ililigtas ba niya ako?
"Wag niyong sasaktan si Rhaine!"
Sabi niya at agad niyang sinaksak ng kutsilyo si Adrian sa leeg kaya napatabon ako sa bibig ko. Natumba si Adrian sa kinatatayuan niya saka niya naman sinaksak sa tiyan si Kenneth.
Sobra akong nagulat sa nakita ko. Hindi ko inaakala na kaya pala niyang pumatay ng tao. Pinikit ko nalang ang mga mata ko para hindi ko makita ang ginagawa niya.
Maya maya ay natahimik ang paligid kaya binuksan ko na ang mga mata ko. Napatingin ako sa suot ko at nakita kong punong puno na pala ito ng dugo at hawak hawak ko ang kutsilyo na ginamit niya sa pananaksak niya kina Adrian at Kenneth. Bakit hawak ko to? Hindi ako ang sumaksak sa kanila! Si Hans!
"Itapon mo yan sa labas ng bintana at sumama ka sa akin...."
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Hans na punong puno rin ng dugo ang damit. Tinanguan ko nalang din siya at itinapon ko nga ang hawak hawak kong kutsilyo sa labas ng bintana saka kami tumakas.
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...