✿ CHAPTER 73 ✿

19 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Ilang buwan na ako dito sa loob. Hanggang ngayon ay hindi parin nila ako pinapalabas para masigurado raw nila kung magaling na ba talaga ako.

Hindi na naman ako gaanong nababagot dito, paminsan minsan ay dinadalaw naman ako nina mama at papa at ni VAL pati narin ng mga doktor.

Maya maya ay bigla kong naalala yung paghalik sa akin ni VAL months ako kaya hindi ko sinasadyang ngumiti. Teka, bakit ba ako nakangiti? Erase!

Pilit ko yung winala sa isip ko at nagconcentrate nalang ako sa ginagawa ko. Nagdodrawing kasi ako ngayon. Eh pano wala akong ibang magawa kaya eto nalang ang ginagawa kong pampalipas oras.

Patapos na sana ako sa ginagawa ko pero napansin kong bumukas ang pintuan kaya dali dali akong lumingon dun. Nakita ko yung isang nurse na tinatawag ako kaya tumayo naman kaagad ako mula sa kinauupuan ko.

Pinapunta niya ako sa lounge kaya napangiti ako. Dinalaw siguro ako ni mama at papa o di namam kaya ay ni Vernon. Dali dali akong bumaba ng hagdan at mula sa malayo ay nakita ko na si mama at papa na nakangiti pa habang nakatingin sa akin.

Agad ko silang nilapitan para yakapin. Namiss ko kasi sila. Maya maya ay binitawan ko na sila at umupo ako sa harapan ng kinauupuan nila.

                   

"Anak, kamusta ka na dun sa loob?"

Tanong ni mama habang nakangiti kaya napangiti narin ako.

                     

"Okay lang naman po ma. Medyo nababagot ako pero may pinagkakaabalahan naman po ako dun sa loob...."

Tumango tango lang naman si mama at tiningnan ko ang mga dala nila para sa akin. Napasimangot ako nang napansin kong wala naman silang dalang kahit na anong pagkain. Bakit hindi nila ako dinalhan ng steak o pinakbet?

                   

"Anak, may good news kami sayo at sigurado kaming ikatutuwa mo to...."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni mama. Good news? Ano yun?

                    

"Ano po yun?"

Nagkatinginan sila ni mama at papa at napansin ko na sobrang saya talaga nila kaya mas lalo pa akong nagtaka. Ano ba talaga yung good news na sinasabi niya?

Ibinalik ni mama ang tingin niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

                   

"Anak, makakalabas ka na dito! Magaling ka na sabi ng mga doktor!"

Napanganga ako dahil sa sinabi ni mama. Agad niya akong niyakap kaya napangiti ako. Hindi ako makapaniwala. Ilang buwan akong nagtiis dito sa loob at sa wakas makakalabas na ako!

Binitawan na ako ni mama at maya maya ay napansin kong may pumasok dito kaya napatingin ako dun sa may bandang pintuan. Nakita ko si VAL na tumatakbo patungo sa amin kaya agad akong tumayo para salubungin siya.

Niyakap niya ako kaya napangiti ulit sina mama at papa. Nagkatinginan pa sila sa isa't isa habang parang kinikilig kaya nagtaka ako pero pinabayaan ko nalang din sila.

                    

"Pwede ka nang makauwi ngayon VAL! Pinakiusapan na namin yung doktor na iuuwi ka na namin ngayon! Kaya tara na!"

Tong lalaking to. Masyadong excited.

Hinila pa niya ako palabas pero hindi ako nagpadala sa kanya kaya nagtaka siya.

                    

"Bakit VAL? Ayaw mo bang umuwi? Ayaw mo na ba sa amin?"

Tanong niya habang nakasimangot kaya natawa ako. Masyado talaga siyang isip bata.

                     

"Hindi naman sa ganun VAL. Nakita mo ba tong suot ko? Naka daster lang ako oh! Magbibihis muna ako bago ako sasama sa inyo...."

Tiningnan niya ang suot ko at napangiti siya.

                       

"Okay lang naman kung ganyan ang suot mo VAL eh. Ang cute mo kaya kapag nagkaganyan ka...."

Loko.

Napailing iling ako at napatingin ako kay mama at papa na nakatingin sa amin na para bang nang aasar. Nagtaka ako kung bakit ganun sila kung makatingin pero hindi ko nalang din sila pinansin at umakyat nalang ulit ako sa kwarto ko para magbihis.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon