[Rhaine's POV]
Ilang buwan narin simula nung lumipat ako sa eskwelahan nato. Naging masaya ako dito at marami na akong naging kaibigan.
Hindi ko na nararanasan yung binabato ako ng bato o plastic bottle. Hindi ko na naririnig na pinag uusapan at pinagsasalitaan ako ng masama. Hindi ko na rin nararamdaman na may mga taong kinagagalitan at kinamumuhian ako. In short, masaya na ang buhay ko dito.
Napatingin ako sa classmates ko at medyo nakonsyensya ako. Tinago ko kasi sa kanila ang totoong pagkakakilanlan at nakaraan ko. Pero wala naman akong ibang magawa. Kapag sasabihin ko sa kanila ang totoo, mawawalan na ako ng mga kaibigan at baka mangyari pa sa akin ulit ang nangyari noon. Ayoko nang maulit yun.
Winala ko nalang yun sa isip ko at napangiti ako habang nakikipagkuwentuhan sa mga classmates ko. Kanina pa tahimik si Altheah kaya pinabayaan ko nalang din siya. Parang ang lalim kasi talaga ng iniisip niya at sa tingin ko ay ayaw niya ng kausap ngayon.
Maya maya ay dumating na si Aiken na iba pang mga kaibigan ko. Dito din nag aaral si Chrystel ng senior highschool pero nasa kabilang section siya.
Si Aiken naman, kaibigan siya ni Altheah kaya naging close narin siya sa amin. Parang aso at pusa nga silang dalawa dahil palagi silang nag aaway. Pero kahit ganun ay nagkakaintindihan naman sila paminsan minsan.
"Nandito na pala kayo. Umupo kayo oh...."
Sabi ko at umupo naman si Akin sa tabi ni Altheah kaya napairap siya nang napansin niyang tinabihan siya nito. Natawa lang naman ako nang napansin ko yun. May pairap irap pa siya eh alam ko naman na gusto talaga niyang tinatabihan siya ni Aiken.
Nagkwentuhan kami at maya maya ay dumating na ang teacher namin kaya agad kaming tumahimik. Binati namin ang teacher namin at nagsimula na siyang magklase.
Habang nagkaklase si maam ay biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko kaya nagulat ako. Napalingon sa akin ang lahat ng kaklase ko kaya naman hiyang hiya ako.
"Miss Clarkson, you can answer your call outside....."
Sabi ni maam kaya tinanguan ko siya habang nakangiti. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag at dali dali akong lumabas ng classroom.
Tiningnan ko kung sino ang tumawag at napangiti ako nang nalaman kong si VAL pala ito. Pero, bakit siya napatawag?
Kahit na nagtataka ako ay sinagot ko naman ito kaagad habang hindi ko maitago ang ngiti ko.
(VAL! Kamusta ka na? Sorry kung hindi kita nadalaw diyan ah. May tinatapos lang kasi ako dito..)
Napangiti lang ulit ako at napatingin ulit ako sa loob ng classroom saka ko ibinalik ulit ang atensyon ko sa pakikipag usap sa kanya.
"Okay na okay lang yun VAL, maayos lang naman ako dito. Atsaka, last year nalang naman to at magcocollege na ako next year kaya okay lang ako."
Sagot ko naman at alam ko na nakangiti rin siya habang nakikipag usap sa akin.
(Mabuti naman kung ganun VAL. May surprise nga pala ako para sayo VAL. Pwede ka nang umuwi dito!)
Nawala ang ngiti ko. Umuwi? Bakit pa ako uuwi?
Ayoko nang umuwi dun. Baka pagkaguluhan lang ako ng mag tao at babatuhin na naman nila ako ng kung ano ano. Ayoko nang mangyari ulit sa akin ang nangyari sa akin dati.
"Ayokong umuwi VAL. Dito nalang ako..." Sabi ko.
(VAL, wag kang mag alala. Inayos ko na ang lahat kaya hindi na masama ang tingin sayo ng mga tao dito. Magtiwala ka sa akin VAL. Ito ang pinagkakaabalahan ko sa loob ng ilang buwan kaya hindi na ako nakakabisita diyan...)
Kumunot ang noo ko. Anong pinagkakaabalahan niya? Atsaka kung totoo ngang nagbago na ang tingin sa akin ng mga kabaryo ko, paano niya nagawa yun?
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...