✿ CHAPTER 21 ✿

30 3 7
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito na kami ngayon sa gilid ng daan, naglalalakad lakad lang. Nasa likod ako nila ni Summer at Vernon at kagaya kanina, wala akong ibang ginagawa kundi ang sumunod sa kanila.

Gusto ko na sanang umuwi. Pero si tita kasi, siguradong sesermonan ako nun kapag uuwi ako nang hindi ko kasama si Summer.

Bakit ba kasi kailangan pa siyang bantayan eh mas matanda naman siya ng isang taon kesa sa akin? Ewan ko talaga kay tita. Palagi nalang talaga niyang binibaby yang pinsan ko.

"Babe, ano nga palang mga hobbies mo?"

Napatingin ako kay Summer nang narinig kong tinanong niya yun kay Vernon at palihim akong napairap.

Anong mga hobbies niya? Football, video games, drawing, panonood ng movies, and most of all.... pambababae.

"Umm... Hobbies ko? Well, football, video games, drawing and watching movies. Yun ang mga hobbies ko...."

Napairap ulit ako at napailing iling. Nakalimutan niya yung hobby niya na "pambababae".

"Ikaw naman babe? Ano yung sayo?"

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila pero maya maya ay naramdaman kong masakit na ang mga binti ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Kaso hindi nila yun napansin kaya napairap ako.

Wala na akong magawa kaya hinubad ko nalang ang high heels ko kaya nakapaa nalang akong naglalakad habang bitbit ko ang mga high heels ko.

Ano ba kasing pumasok sa makitid kong utak kanina at ito ang sinuot ko? Sana pala nagconverse nalang ako. Punyeta.

Naghintay ako kailan ba sila uuwi pero ilang oras na kaming naglalakad pero parang wala parin naman silang balak na umuwi kaya napairap ako. Nagdadabog pa ako habang naglalakad at napansin kong pinagtitinginan na ako ng mga taong nadadaanan namin. Siguro dahil ay nakapaa lang ako.

Maya maya ay sumakit na naman ang mga paa ko kaya napahinto ulit ako. Napansin na ni Vernon yun SA WAKAS kaya naman medyo natuwa ako. Mabuti naman at napansin na niya ang pagsasakripisyo ko para lang sa kanilang dalawa! Punyeta!

"Bes, okay ka lang? Kailangan mo ng tulong?"

Sumimangot ako at tinanguan ko siya. Tutulungan na sana niya ako pero agad namang nagdrama ang pinsan ko kaya nabaling ulit ang atensyon niya sa kanya. Napairap na naman ako at napaupo ako sa semento dahil sa sakit ng mga paa ko.

"Babe! Masakit tuhod ko. Pede kargahin mo ako?" Sabi ng pinsan ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Sure babe! Sige, sumakay ka sa likod ko...." Sagot naman ni Vernon.

Napairap ako at agad naman yung ginawa ng pinsan ko. Sumakay siya sa likod ni Vernon at umalis na sila kaya wala na akong choice kundi ang sumunod sa kanila. Maya maya ay tiningnan ako ni Summer at nginitian niya ako na para bang nang aasar kaya nagulat ako. Sinasadya ba talaga niyang gawin to? Aba at——

Hindi ko nalang din siya pinansin at palihim na naman akong napaitap. Tumayo ako at pinilit ko ang mga paa kong maglakad kahit na masakit na talaga.

Maya maya ay pumasok sila sa loob ng 7Eleven kaya napangiti ako. Pumasok narin ako dun at uupo na sana ako dun sa isang upuan pero agad naman akong inagawan ng pinsan ko kaya naghanap nalang ako ng ibang mauupuan.

May nakita akong upuan dun sa malayo kaya napangiti ako. Bumili muna ako ng makakain bago ako umupo dun.

Tahimik lang akong nakaupo dito habang kumakain at maya maya ay napatingin na naman ako sa kanilang dalawa kaya napairap ko. Dati ako pa ang palaging kausap at kakulitan ng bestfriend ko, ngayon iba na.

Oo na, nagseselos ako. Syempre bestfriend ko siya eh. Magkasama kaming lumaki at sanay ako na palaging nasa akin ang atensyon niya kaya normal lang na magseselos talaga ako.

Napatingin ulit ako sa kanila at napansin kong nakatingin din pala sa akin si Summer habang nakangisi kaya nagtaka ako. Anong nginisi ngisi niya?

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon