[Rhaine's POV]
Napahinga ako ng maluwag nang lumabas na siya ng fitting room. Mabuti nalang hindi niya nalaman na totoong tao talaga ako. Punyeta talaga.
Tinigilan ko na ang pagpapanggap ko bilang isang mannequin at gumalaw na ako. Nagbihis na ako ng damit at tinanggal ko na ang make up ko saka ako lumabas ng shop.
Habang naglalakad ako pauwi ay naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya napahinto ako. Tiningnan ko kung may tao ba sa likod ng kinatatayuan ko pero wala naman kaya kumunot ang noo ko.
Mag isa kasi akong naglalakad dito sa daan patungo sa barrio namin. Halos araw araw na naman akong naglalakad ng mag isa dito kaya nasanay narin ako.
Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Gusto ko nang umuwi kasi pagod na ako. Namalengke pa kasi ako kaninang umaga. May date kasi si Vernon at Summer kanina kaya hindi sila nakatulong sa akin.
Ewan ko ba sa dalawang yun, palang nalang silang nagdedate. Kala mo naman maraming pera. Tsk.
Tahimik lang akong naglalakad nang may narinig na naman akong parang naglalakad sa likod ko kaya napahinto ulit ako. Ano ba talaga yun? May sumusunod ba sa akin? Kanina pa yun ah!
Tiningnan ko ulit ito pero wala parin naman akong nakita kaya naiinis na talaga ko. Tiningnan ko ng maigi ang paligid at maya maya ay may nahagip ako na sapatos dun sa likod nung isang bahay kaya kumunot ang noo ko. Yun ba yung sumusunod sa akin? Bakit niya ako sinusundan?
Dahan dahan ko yung nilapitan at tiningnan ko kung may tao ba pero wala naman. Kung sino man yun, baka pinaglalaruan lang talaga ako nun. Haynako naman.
Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad at hindi ko nalang yun pinansin. Maya maya ay may narinig na naman akong malalakas na yapak kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko at hindi nalang ako lumingon.
Halos tumatakbo na ako pero narinig kong mas binilisan din nung sumusunod sa akin ang paglakad niya kaya kinabahan na ako. Si Adrian ba to? Kung siya nga, anong kailangan niya sa akin?
Dahil sa naisip ko ay tumakbo na talaga ako ng mabilis na mabilis. Narinig kong tumakbo din yung nakasunod sa akin kaya kinakabahan na talaga ako.
Maya maya ay naramdaman kong malapit na niya akong maabutan kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Liliko na sana ako sa eskinita nang——
"Teka lang!"
Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napatigil ako. Agad akong lumingon at sinuntok ko ang pagmumukha niya kahit na hindi ko pa namam alam kung sino ba siya.
Napahawak naman siya sa mukha niya habang namimilipit sa sakit. Yan lang ang dapat sa kanya.
"Sino ka ba ha? At bakit mo ako sinusundan? Anong kailangan mo sa akin? HA?!"
Pasigaw na mga tanong ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin. Nang nakita ko na ang mukha niya ay nagulat ako. Vernon? Siya lang pala yun?
Eh bakit kasi hindi siya nagsabi? Haynako naman!
"Bes naman! Ako lang to! Gusto lang naman sana kitang isurprise eh!"
Ay aba punyeta.
"Bakit kasi hindi ka nagsabi! Ayan tuloy!" Sabi ko.
"Surprse nga diba? Kaya bakit ko sasabihin sayo?"
Oo nga naman. Bakit ba kasi hindi ka nag iisip Rhaine?
"Bakit mo nga pala ako sinusundan? Anong kailangan mo?"
Tumayo na siya at nginitian niya ako kaya nagtaka ako. Bakit siya nakangiti?
"Bes, gusto ko kasing bumawi sayo. Kaya ito, nag ayos ako. Gusto ko sanang gumala tayo ngayon tapos kumain tayo ng steak. Nung isang gabi kasi, napabayaan kita. Sorry kung hindi kita pinakain ng steak nun kahit na alam kong favorite mo yun...."
Napatingin ako sa suot niya at napag alaman kong ito pala yung suit na binili niya kanina. So pinaghandaan pala niya ang surprise nato.
Napangiti ako sa naisip ko. Mabuti naman at naisip niyang bumawi sa akin.
"Sige. Saan ba tayo pupunta?"
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...