[Rhaine's POV]
"VAL umalis ka na!!! Baka nandito pa siya!!! Baka may gawin siyang masama sayo!!!"
Pasigaw kong sabi sa kanya pero umiling iling lang siya habang umiiyak parin. Bakit hindi pa siya umaalis? Papatayin siya ni Hans! At ayokong mangyari yun!!!
"VAL, hindi totoo si Hans! Wala kang dapat na ikatakot! Wag kang magpadala sa kanya at sa mga kasinungalingan niya! Wag mong sundin ang mga pinapagawa niya sayo kasi ikapapahamak mo yun!"
Nagising ulit ako sa sinabi niya at pinilit ko ang sarili ko na kumalma. Oo nga pala, ilusyon ko lang si Hans. Nakakalimutan ko talaga yun kapag kaharap ko na siya. Naiisip ko kasi na totoong tao talaga siya at hindi ko lang siya basta basta ilusyon lang.
Hinawakan ni Vernon ang pisngi ko at pinahiran niya ang mga luha ko. Tumigil na rin ako sa kakaiyak at tiningnan ko ulit ang paligid para malaman kung nandito pa ba si Hans pero wala na siya kaya napahinga ako ng maluwag.
"VAL... Wag mo nang gagawin yun ulit. Kasi kapag gagawin mo yun parang pinatay mo na rin ako..."
Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang umiiyak parin kaya napaiyak na naman ako. Ayoko talagang makikitang umiiyak ang bestfriend ko dahil sa akin.
"VAL, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka....."
Napatigil ako sa kakaiyak dahil sa sinabi niya. Ano ulit yung sinabi niya?
"Ano?" Tanong ko.
Agad niya akong iniwasan ng tingin at nginitian niya ako.
"Mahal na mahal kita VAL.... bilang bestfriend ko...."
Ahhh..... yun pala.
Tumango tango lang naman ulit ako. Bakit ba ako nag iisip ng kakaiba tungkol dun sa sinabi niya? Alam ko naman na magkapatid lang ang turing namin sa isa't isa.
"At higit pa roon...."
Napatingin ulit ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin na higit pa roon?
Nakatitig lang siya sa akin at lumingon siya sa pintuan para makita kung nandyan na ba sila mama at papa. Nang nalaman niyang wala pa sila ay tumingin ulit siya sa akin at huminga siya ng malalim.
Napayuko siya at iniwasan niya ako ng tingin. Nagtaka ako kung bakit parang kinakabahan na siya kaya napakunot ang noo ko.
"Alam kong hindi ito ang tamang oras at panahon para sabihin ko to.... pero....."
Inangat niya ulit ang paningin niya sa akin at tiningnan niya ako na parang seryosong seryoso.
"I love you, Rhaine. Matagal ko na tong nararamdaman, ever since nung kami pa ni Summer...."
Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? O may mali sa tenga ko?
Agad akong umiwas ng tingin para maiwasan ko ang titig niya. Gusto niya ako simula pa nung sila pa ng pinsan ko? Kung ganun, bakit ngayon lang niya to sinabi?
"But don't worry VAL, alam ko namang hanggang bestfriend lang talaga ang pagtingin mo sa akin kaya okay lang para sa akin kung hindi mo ako magugustuhan....."
Hindi parin ako nagsasalita at napatingin ulit ako sa malayo. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang bestfriend ko na babaero at manloloko nagkagusto sa akin? Paano nangyari yun? Anong meron sa akin at bakit niya ako nagustuhan?
"VAL, hindi ka manlang ba magsasalita?" Tanong niya.
Inangat ko ulit ang paningin ko at pilit ko siyang nginitian.
"Sorry VAL. Sobra lang akong nagulat dahil sa sinabi mo....."
Tumango tango lang naman siya habang nakatitig parin sa akin kaya ako na ang umiwas ng tingin.
"Sorry din, VAL...."
Napatingin ulit ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Bakit siya nagsosorry? Okay lang naman sa akin na ganyan ang pagtingin niya sa akin tutal alam ko namang lilipas din yan. Kilala ko siya, at alam ko kung paano siya nagkakagusto sa isang babae.
"Sorry para saan?"
Tiningnan niya ulit ako na parang seryosong seryoso.
"Sorry that I fell in love with you...."
____________________________
BINABASA MO ANG
LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #4 Rhaine Clarkson is the town's girl crush. She is loved by all because of her innocent, pure, and pretty aura. She have a bestfriend, Vernon Lee. They are bestfriends since they were young that's why they knew all about each other...