✿ CHAPTER 12 ✿

30 3 0
                                    

[Vernon's POV]

Kaurat yang babaeng yan. Ako ang bestfriend niya pero iba ang inaalagaan niya? Tingnan nalang natin.

Nandito nga pala ako ngayon sa tabi ng inuupuan ni Summer, nakatingin lang dun sa dalawang malalandi. Sana pala hindi ko nalang siya nireto kay Adrian. Tsk.

"Rhaine, would you mind if pumunta ka sa party namin mamaya? Magpapaparty kasi kami as a celebration sa panalo namin...."

Rinig na rinig ko ang boses ni Adrian mula dun kaya nakinig naman ako ng maayos.

Kung papayag si Rhaine hindi ko talaga siya sasamahan. Bahala siya sa buhay niya.

"Sure. Saan naman kayo magpaparty?" Tanong ni Rhaine.

"Sa bahay namin..."

Napairap ako dahil sa narinig ko. At pumayag pa talaga ang gaga.

[Rhaine's POV]

Napangiti ako habang nakatingin kay Adrian. Totoo ba to? Iniimbitahan ako ng crush ko na pumunta sa bahay nila?

"Okay. Magbibihis lang ako at babalikan kita dito. Or baka gusto mong samahan mo ako dun sa locker room?"

Umiling iling lang ako sa kanya. Ayoko kayang sumama dun, puro lang naman mga lalaki ang nandun.

"Hindi na. Dito nalang ako maghihintay..."

Nginitian lang naman niya ako at umalis na siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo at nang nawala na siya sa paningin ko ay dun ko na inilabas ang lahat ng kilig na nararamdaman ko.

"Wahhhh!!!"

Napasigaw ako at maya maya ay biglang may tumunog dun sa bandang likod kaya napalingon ako dun. May tao pa pala dito? Akala ko wala na.

Napahiya pa tuloy ako. Punyeta.

Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko si Vernon na tahimik lang na nakaupo dun. Wala siyang ibang kasama at nakatingin lang siya sa akin na blangko ang mukha. Ano na naman bang klaseng mukha yan? Hindi ba siya masaya na nanalo sila?

"Bes! Congrats ah! Nanalo team niyo!"

Sabi ko habang tumatakbo ako papalapit sa kanya. Umupo ako sa tabi ng inuupuan niya at nginitian ko siya pero hindi manlang niya ako pinansin. Napairap ako at tumingin nalang ako sa malayo. May toyo na naman pala tong bespren ko.

Ilang minuto akong naghintay pero hindi parin talaga siya namamansin sa akin kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Bes! Pansinin mo naman ako! May nagawa ba akong mali?"

Pagkasabi ko nun ay tumingin na siya sa akin kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at mukhang papansinin na niya ako.

"Bes. Wag kang pumunta sa party ni Adrian. Baka mapahamak ka lang dun..."

Teka... Pinagbabawalan ba niya ako? Eh bespren ko lang naman siya hindi ko siya tatay...

"Eh bes, chance ko na yun eh. Makakasama ko na yung crush ko. Diba nga sabi mo gusto mong sumaya ako! Eh bakit mo ako pinagbabawalang pumunta dun?"

Inirapan lang naman niya ako at umiling iling siya. Bakit ba ganito ang ugali niya ngayon?

"Bes. Nagkamali ako kanina. Sana pala hindi nalang kita nireto sa kanya. Alam ko na hindi ka lang niya seseryosohin...."

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Bespren ko ba talaga siya? Bakit niya ako sinasabihan ng ganyan?

"So bes, ibig mong sabihin wala nang lalaking seseryosohin ako ganun ba?"

Agad naman niya akong tiningnan at umiling iling.

"Bes hindi naman sa ganun..." Sabi niya.

"Sa ganun yun bes! Bakit ba hinaharangan mo akong sumaya ha? Eh ikaw nga kahit nanloloko ka pa ng mga babae diyan sa tabi tabi hinarangan ba kita ha? Bespren ba talaga kita?"

Sigaw ko sa kanya at hinampas ko pa ang braso niya.

"Bes, iniisip ko lang naman ang kapakanan mo. Puro mga lalaki ang nandun at ikaw lang ang babae! Hindi mo ba naiisip na baka mapapahamak ka lang ha?!"

Inirapan ko lang siya at umalis na ako. Sinubukan pa niya akong pigilan pero hindi ko lang siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad palayo.

Napakaover thinker niya kasi. Walang mangyayari sa akin dun. Poprotektahan ako ni Adrian. Sigurado ako.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon