✿ CHAPTER 90 ✿

20 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Tahimik lang ako habang nakaupo dito sa upuan. Hinihintay lang namin ni VAL ang mga order namin.  Nandito na kasi kami ngayon sa restaurant at isini- celebrate na namin ang tenth monthsary namin.

Maya maya ay biglang hinawakan ni VAL ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

               

"Bakit VAL? May kailangan ka?"

Umiling iling siya at nginitian niya ako kaya napangiti narin ako.

                 

"Wala VAL. Gusto ko lang sabihin na ang saya ko ngayon. Ito ang pinakamatagal na relationship na nagkaroon ako..."
 

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Eh dati kasi mga isa o dalawang linggo lang sila tumatagal ng mga karelasyon niya. Playboy at manloloko nga kasi siya dati diba? Kaya ganun talaga.

                

"Mas lalo pa tong tatagal VAL. Sigurado akong aabot pa tayo ng ten years, or twenty years, or sixty years...."

Sagot ko kaya mas lalo pa siyang napangiti. Maya maya ay naisip ko yung nga nakaraan namin kabilang na roon yung pagpapanggap ko bilang isang mannequin kaya natawa ako.

Kumunot lang naman ang noo niya habang nakatingin parin sa akin.

                 

"VAL? Bakit ka tumatawa?"

Nabalik ang tingin ko sa kanya at nginitian ko siya.

                 

"VAL, natatandaan mo pa ba yung mannequin na nasa shop namin? Yung sinasabi mong kamukha ko?"

Kumunot ang noo niya at tinanguan lang niya ako bilang sagot.

                 

"Oo VAL. Bakit ba?"

Tanong niya habang nakakunot parin ang noo at halatang nagtataka parin.

                 

"Ang totoo VAL, ako talaga yun...."

Nagulat siya sa sinabi ko at agad niyang tiningnan ang katawan niya at tinabunan ito kaya nagtaka ako. Anong ginagawa niya?

                  

"Ikaw yun? So ibig sabihin, nakita mo na to? Ikaw yung mannequin na nasa fitting room diba?"

Tanong niya na halatang gulat na gulat habang nakaturo pa sa katawan niya kaya napairap ako. Tinanguan ko nalang din siya kaya napatabon siya sa bibig niya dahil sa gulat.

                    

"Oo nakita ko na yan. Pero wag kang mag aalala, hindi ko na naman yun binibig deal at kinalimutan ko nalang din yung nakita ko....."

Tiningnan niya ako ng masama kaya nagtaka ako. Bakit ganyan siya kung makatingin? May nasabi ba akong mali?

                  

"Bakit mo kinalimutan? Dapat tinandaan mo to!"

Sabi niya kaya natawa ako. Baliw tong lalaking to.

                    

"So VAL, anong reaction mo nung nakita mo to?"

Tanong niya habang nakangisi na kaya napairap ako. Baliw!

                      

"Wala. Hindi ko naman kasi yan tiningnan ng matagal tapos kinalimutan ko nalang yung nakita ko...."

Siya naman ang napairap dahil sa sinabi ko kaya kumunot ang noo ko. Bakit may pairap irap pa siyang nalalaman?

                     

"Sana tinitigan mo muna ng matagal VAL. Ikaw naman!"

Natawa ulit ako at napailing iling. Maya maya ay dumating na yung waiter kaya tumahimik narin kaming dalawa. Pinasalamatan namin yung waiter at nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain ako ay napatingin ako kay VAL at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin kaya nginitian ko nalang rin siya.

                   

"VAL, kung nakita mo na tong katawan ko..... so ibig sabihin hindi na virgin yang mga mata mo?"

Kinurot ko siya pero natawa lang naman siya.

                    

"Ano ba! Kumakain tayo oh! Mamaya na natin pag usapan yan!"

Natawa lang siya ulit at tumigil narin siya kaya napahinga ako ng maluwag. Ewan ko ba sa kanya, kanina pa siya nagtatanong tungkol sa bagay na yun eh kinalimutan ko na nga yun.

Tahimik lang kaming kumakain at maya maya ay nagtaka ako nang napansin kong nakatitig lang siya sa akin. Ano na naman ba?

                   

"Ano?" Tanong ko.

Umiling iling siya at kumain nalang din kaya nagtaka ako. Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Hindi ko nalang din siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

_______________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon