✿ CHAPTER 42 ✿

27 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Lumabas na ang mga classmates namin kaya inayos ko na rin ang bag ko. Tumayo ako para lalabas narin sana pero biglang hinawakan ni Hans ang braso ko kaya napahinto ako.

                   

"Bakit? May kailangan ka?"

Nginisihan lang niya ako at tumayo narin siya sa kinauupuan niya.

                   

"Uuwi ka na ba talaga? Pano na yung bagsak na grade mo?"

Natahimik ako nang naalala kong zero nga pala ako sa test namin kanina. Papagalitan na naman ako ni mama at papa ngayon, sigurado ako.

                     

"Saka na tayo uuwi. Gawan muna natin yun ng paraan...."

Sabi niya habang nakangisi parin. May tiwala ako sa kanya kaya tinanguan ko nalang din siya. Kung ano man yung binabalak niya, baka gagana yun para mabago ko ang grades ko.

Hinila niya ako palabas ng classroom at napansin kong wala nang estudyante sa paligid kaya panatag ang loob ko. Kung ano man ang gagawin niya, walang makakahuli sa amin.

Dumeretso kami sa opisina ni prof at pumasok kami sa loob nito. Tiningnan namin ang paligid pero napansin namin na wala naman siya kaya kumunot ang mga noo namin.

                  

"Saan kaya nagpunta yun?"

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi parin kaya nagtaka ako. Bakit ba kanina pa siya nakangisi? Ewan ko talaga sa lalaking to.

                  

"Hindi na importante kung nasan na siya. Ang importante, mababago mo na ang grades mo. Ayan oh, nandyan ang class record niya...."

Sabi niya habang nakaturo sa mesa ni prof kaya napatingin narin ako dun. Napangiti ako nang nakita ko ang class record ni prof at nakabukas pa ito.

Napatingin ulit ako kay Hans at kinindatan niya ako. Maasahan ko talaga siya. Kung may gagawin ako palagi talaga niya akong sinusuportahan at tinutulungan.

                    

"Sige na. Baguhin mo na yang grades mo sa class record niya. Sa dami ng estudyanteng hinahandle niya, imposibleng mapapansin niya yan...."

Tinanguan ko si Hans at ginawa ko na nga ang sinabi niya. Kumuha ako ng ballpen na kapareha ng kulay sa ballpen na ginamit ni prof sa paglista ng mga grades namin.

Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan kaya nagulat ako. Napalingon ako dito at nakita ko si prof na nakatayo habang nakatingin sa akin.

                    

"Ms. Clarkson, what are you doing?"

Sasagutin ko na sana ang tanong niya pero bigla akong nilapitan ni Hans at nilagyan niya ng tinidor ang kamay ko kaya nagtaka ako. Aanhin ko to?

                     

"Itusok mo yan sa leeg ni prof. Wag kang mag alala, tinidor lang naman yan kaya hindi yan nakakamatay...."

Bulong niya sa akin kaya nagulat ako at biglang akong nakaramdam ng kaba. Ito? Itutusok ko sa leeg ni prof? Bakit ko naman gagawin yun?

Tiningnan niya ako habang nakangisi. Wala na akong magawa dahil pakiramdaman ko ay kinokontrol na niya ang kilos ko kaya tinanguan ko nalang din siya.

                       

"Ms. Clarkson answer me!!!"

Nang sinigawan na ako ni prof ay agad ko siyang nilapitan at ginawa ko nga ang sinabi ni Hans. Tinusok ko ng tinidor ang leeg ni prof kaya natumba siya sa sahig. Maya maya ay napansin kong wala na siyang malay kaya hinugot ko na ito mula sa leeg niya.

Napatingin ako sa duguang tinidor na dala ko at napatingin ako kay Hans na nakangisi parin.

                      

"Patayin mo nalang siya. Kasi kapag iiwanan mo siyang buhay, baka magsumbong pa siya sa mga pulis at makukulong tayo. Gusto mo bang makulong?"

Mahinahon na tanong sa akin ni Hans kaya kinabahan na naman ako. Tama siya. Baka magsumbong pa siya kapag hindi ko pa siya tutuluyan.

Napalingon ulit ako kay prof at ipinikit ko muna ang mga mata ko bago ko siya sinasaksak ng tinidor na hawak ko ng paulit ulit.

Maya maya ay napagod na ako sa ginagawa ko kaya tinigil ko na ang ginagawa ko. Sinaksak ko ulit siya ng isang beses at tumilamsik ang dugo niya sa mukha ko kaya binuksan ko na ang mga mata ako.

Napatingin ako sa tinidor na hawak ko na puno na ng dugo. Napayuko ako at nakita ko ang school uniform ko na puno narin pala ng dugo.

Nagising ako sa ginawa ko at nabitawan ko ang tinidor na hawak ko. Anong ginawa ko? Paano ko yun nagawa?

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon